Napangiti ako lalo habang hinuhugasan ang mga pinggan na katatapos ko lang sabunin.
Nakagat ko ang dila ko dahil kulang nalang ay tumili ako sa sobrang kilig.
Ah, Andrius, bakit ganito ang dulot mo sa 'kin?
Halos sumayaw na nga ako para lang hindi ako magmukhang kiti-kiti sa kusina.
Halos mabasag ko na iyong pinggan sa sobrang kilig dahil sa pag-alala kay Andrius.
"PAAAA!" sigaw ko. "WALA NA BA TAYONG HUGASIN RIYAN? HUGASAN KO NA! PAKIKUHA NA RIN IYONG MGA HUGASIN NG KAPIT-BAHAY, ISASABAY KO NA!"
Natatawang sumulpot ang tatay ko at naglagay ng pinggan sa lababo.
"Dati'y ayaw mo magkikilos dito sa bahay, ngayon ganado ka. Ang aga mo pang gumising at todo ang ngiti. Ano bang nangyari?"
Napangiti ako lalo nang muling mag flashback sa akin ang mga salita ni Andrius.
"I don't owe them an explanation. But with you, I think I'm obligued to."
Lalong lumapad ang ngiti ko.
"Wala po," pagtanggi ko.
Natawa si papa. "Ang landi mo."
May-maya'y umalis na ito at ini-ayos ko na ang mga pinggan. Sumandal ako saglit at muling ngumiti.
Hmmmmm, taena aasa nanaman.
Sa totoo lang, ilang taon kong hinintay iyong ganitong pagkakataon. Noong college, ni tapunan ako ng tingin ay hindi n'ya magawa. Sa law school, never kaming nag-usap dahil puro lang ako nakaw na tingin. Nang magtrabaho, akala ko, magiging malapit na kami. Pero mas lalong lumayo ang pagitan naming dalawa.
I mean, paanong hindi? Nakilala nga lang n'ya ako dahil sa pagpapatalsik n'ya sa 'kin sa courtroom at doon sa incident na nag twerk ako sa birthday celebration. Napaka successful n'ya, kaya sino ba naman ako?
I was just like a single star in his vast galaxy before.
Kaya tanggap ko na noon na hanggang crush na lang siguro. Pero ewan, iba talaga ang mundo. Mukhang blessing pa ata pagka sabog ko noon sa hearing at kasama ako sa mga na-ipatapon.
Kung dati'y kahit tingnan ay hindi n'ya magawa, ngayo'y ngumingiti na s'ya sa akin at tumatawa pa.
Alam ko namang at some point, baka wala iyong ibang kahulugan. Pero, sa mga ganitong pagkakataon, ang sarap nalang din umasa.
Nang matapos maghugas ay dumiretso ako sa lamesa at nakita ang pinsan kong si Reign na nag-aalmusal at tinanghali ng gising. Nagpapalaman ito ng tinapay at laking gulat ko ng ibigay sa akin.
"Lah?" I said. "Plastik ka bhie?"
Tiningnan n'ya 'ko.
"B-Bakit?" defensive n'yang sabi. "Bawal ba? Kung ayaw mo eh 'di 'wag..."
Natawa ako.
"Ba't mo binabawi?" sabi ko at kinagatan ang tinapay. "Ba't ang bait mo bigla? Nalaglag ka ba sa kama at naumpog utak mo?"
Inismidan n'ya ko.
"W-Wala," sabi niya. "Masama bang magbigay?"
"Asus," pang-iinis ko. "Akala mo 'di ko narinig usapan n'yo ni Aubrielle, 'no?"
Nanlaki ang mga mata n'ya.
"'Di ba, ang galing ko?" pang-iinis ko.
Ngumisi s'ya.
BINABASA MO ANG
"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)
Romance[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."