"Nasa kanto ako."
I looked at the text message again and grinned.
Tingnan mo 'tong tangang 'to.
Ang sarap tumawa kaso nasa loob ako ng MRT. Baka mapagkamalan pa 'kong may saltik o baka may ma-offend.
Habang pinipigil ang pagtawa, ni reply-an ko ang chat sa 'kin.
"Lumuwas na 'ko, baliw."
Ilang sandali lang ay tumunog agad ang cellphone ko.
"????"
I smiled as I can actually imagine his face.
"Bakit 'di ka nagsabi?!? D'yaan ka na ba titira? O 'pag graduate mo lang ng college? Kailan balik?!"
I grinned.
"Oo dito lang ako mag co-college. Kila tita ako makikituloy. 'Wag kang iiyak d'yan 'pag na-miss mo 'ko ha."
Ilang segundo lang ay nag-reply agad ito. Halos matawa ako nang makitang like emoji ang ni-reply n'ya at maya-maya pa'y lumabas na ang katagang hinihintay ko.
"You can't reply to this conversation."
Haaaay, buhay.
Here's Casper Harrington again with his mood swing.
I slid my phone back inside the pocket of my jacket and was smiling from ear to ear.
Casper is my neighbor friend. Sa totoo lang, marami kami noon. Mga batang laman ng kalye na uuwing gabi na pero nanunuot pa rin sa balat ang amoy ng araw.
Pero sa paglaki namin, unti-unti kaming naubos.
Hindi kami nagsi-patayan, ha. Tama na pag-Wattpad ninyo.
Nagsimula kaming malagas nang ang ilan ay lumipat na ng tirahan at ang ilan ay nasa Maynila na. Nang mag high school, dalawa nalang kaming natira. At ngayong papasok na kami sa college, heto ako't lumuwas at s'ya nalang ang natira.
Sa katunayan, sinadya kong hindi magsabi. Nakakahiya kasi. Pero wala naman akong duda na maraming magiging kaibigan 'yon sa college. Isa ring may kaltok 'yun sa utak. Not to mention he's tall, moreno, at cute.
'Pag sinabing cute, hindi iyon compliment, ha. It's like 'di gwapo/maganda pero 'di rin pangit. Pwede na, ganun.
I looked around.
Sobrang crowded ng lugar na akala mo kami mga damit ko sa cabinet; siksikan at magulo.
Will I really finish my degree here in Manila or Manila and my degree will finish me?
O baka naman mapapasok ako sa top university at makakabangga ang campus crushes at ma-bu-bully ng campus queen with dalawa n'yang alagad?
Tapos gagawin nilang living hell ang aking life? Tapos dalawang members ng campus crushes ang magkakagusto sa 'kin; isang bad boy na cold at isang good boy na maganda ngumiti.
Tapos ma to-torn ako kung sino ang pipiliin pero ang totoo type ko 'yung bad boy pero nasasayangan ako sa good boy kasi mabait at lagi akong pinagtatanggol.
Then, makikilala ako sa buong campus dahil dalawang tagapagmana ng malaking kumpanya ang nag-aagawan sa 'kin.
Halos humagikgik ako ng tawa sa loob ng train.
Bwisit ka, self!
Wait.
Pero pa'no kung totoo?
BINABASA MO ANG
"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)
Romance[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."