Isang napakalakas na kidlat ang maririnig sa buong lugar.
Ang pagkaluskos ng mga halaman ay masusundan ng malakas na buhos ng ulan na animo'y ang kalangitan ay tumatangis nang gabing iyon kasabay ng ihip ng hangin na yumayakap sa lahat na pakiwari mo'y hini-hele ka upang ipikit ang iyong mga mata.
Habang ang lahat ng kuwarto ay kasing dilim ng kalangitan at sinasamantala ang unang malamig na gabi ng taon, isang kwarto lamang ang makikitang maliwanag.
Kung tutuusin, kung sino man ang makakakita rito ay hindi iyon ipagbabahala. Sa katunayan, wala naman silang pakialam.
Gabi-gabi ang kuwarto ay ang pinagmumulan ng ingay ng buong lugar; malakas na musika na halos yumanig na sa buong baryo, mga tawanan ng mga kabataan, mga pagmumurahan, away, at lahat na ata ng klase ng ingay. Linggu-linggo, iba't iba ang pumapasok dito.
"Newt, pakisara ang pinto!" sigaw na maririnig sa may-ari ng kuwarto.
"Oo na!" naiinis na sabi ni Newt. "Ba't ako ba parati inuutusan mo?
"Alangan naman ako?" sabi ni Avery na kasabay niya pumasok.
"Guys, halina't mag-plano," sabi ni Traise. "'Wag na ninyo pag-awayan ang pinto."
Kaya naman ang lahat ng residente ay ikinatataas iyon ng kilay at ikina-kukunot ng noo. Nang una, sinubukan nilang kausapin ang naninirahan doon pero hindi iyon nakikinig at ipinagsasawalang bahala lamang ang lahat.
"Puwede bang hinaan ninyo ang mga boses ninyo?" sabi ng matanda. "Hindi kasi kami makatulog."
"Ganun ho ba?" sabi ni Aubrielle. "Naku, importante po kasi itong ginagawa namin. Pasensiya na po."
Ngunit hindi kumbinsido ang mga residente.
"Naku, ganyan ba ang mga taga Maynila? Ka'y titigas ng ulo," ani ng isa.
"Aba'y ang aking mga pamangkin nama'y galing sa Maynila pero hindi sila ganyan," depensa ng isa.
"Bukas makalawa'y buntis 'yan, kahit pagpustahan pa natin," dagdag ng isa.
Araw-araw ay pinagmumulan ang nakatira doon ng usapin. Kaya ang lahat ay nawalan nalang din ng malasakit dito. Kahit yata may mangyari man sa babae ay wala na silang pakialam.
"Hi, Andrius!" nakangiting bati ni Aubrielle kay Andrius. "Ikaw ba lookout today?"
Hindi sumagot ang lalaki at pumasok lang sa loob.
Kina-umagahan ay ibang lalaki nanaman ang nakita ng mga residente.
"Bakit ka nandito, Casper? May dala ka manlang bang pagkain?"
"Mukha ba 'kong carinderia?" pilosopo nitong sagot at pumasok sa loob.
Sa sumunod na araw ay dalawang lalaki ang pumunta.
"Hi, Doc Traise! Ikaw ba ang bantay today?"
"'Wag mong landiin 'yan, sumbong kita kay Courtney," pagbibiro ng isa.
"Hindi kita kinaka-usap, Newt ha. Bakit ka ba nandito? Walakang check-in?"
Traise scoffed. "Sa loob na kayo magbardagulan."
At doon sila nagkamali.
Kung pinakinggan lamang nila ang musika na nanggagaling sa kuwarto, malamang ay malalaman nilang kasabay ng musikang humuhuni ay isang nakakikilabot na sigaw na humihingi ng tulong.
Kung tiningnan manlang nila ang nag-iisang kuwartong maliwanag, makikita nila ang anino ng isang taong nakatayo at naka-ngisi.
At kung nagkaroon manlang sila ng pakialam upang maki-usyoso, malalaman nilang hindi lamang patak ng ulan ang bubuhos ng gabing iyon; KUN' 'DI MGA DUGO.
BINABASA MO ANG
"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)
Romance[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."