"I promised, remember? That I will protect people like you..."
Kung ilang beses na ba akong bumuntong hininga ay hindi ko na rin alam. Ilang minuto lang akong nakatulala at hinihintay antukin. Ngunit sa dami ng pangyayari ngayong araw ay maging ang antok sy hindi rin tinatablan ng antok.
Kung tutuusin, kung nagsasalita lamang ang kisame ay magtatanong na ito ng, 'Kanina ka pa nakatingin, ah. Crush mo ba 'ko?'
Muli akong bumuntong hininga.
Sa t'wing na-iisip ko ang ginawa ko ngayong araw ay walang sandali na hindi ako mapapangiwi. Kagaya na lamang noong cellphone na binasag ko, pagmamaldita ko kay Aubrielle, at pakikipagtalo kay Casper.
Bakit ganoon, ano?
May mga pagkakataon na pakiramdam mo ay tama ka pero kapag nangyari na at nahimasmasan ka na, nakokonsensya ka.
Napatalukbong ako ng kumot.
Isa pa itong si Andrius. Ang sabi niya, he will protect people like me. Again, 'people' like me. Ibig sabihin, hindi lang ako kun' 'di sinuman na nasa sitwasyon ko. Gusto kong kiligin pero sa t'wing iisipin ko na pu-puwede niya rin iyong gawin kay Aubrielle ay napapa-ismid nalang ako.
Ang hirap ipagdamot ang hindi naman inyo.
Napabalikwas ako ng bangon.
Kailangan kong magpa-antok kaya napagdesisyunan kong kuhanin ang jacket ko at lumabas.
Saktong pagbukas ko ng pinto ay may taong akmang kakatok naman doon.
Nang magtama ang paningin namin nito habang ang kamay niya'y naiwan sa ere nang akmang kakatok, hindi rin nito malaman ang gagawin. Walang anu-ano'y kinaltok nito ang noo ko.
"Ding dong," sabi nito.
"CASPER!" singhal ko.
He laughed.
"Lalabas ka?" tanong niya.
Tumango lamang ako. Kung hindi lang kami nag-away ngayong araw ay bibiruin ko ito. But now, things feel so awkward. No one between us even knew what to say or what to do next.
As I observed him, nakasuot pa rin siya ng puting polo na naka tucked in sa itim niyang slacks. Suot pa rin niya ang salamin niya ngunit ang pagkakaiba ay bagsak ang itim nitong buhok. Halatang kagagaling lamang nito sa trabaho.
Gustuhin ko mang biruin ang suot niya ay kabiglang sumagi sa isip ko na isa rin pala siya sa mga na-attitude-an ko at mga naka-away ko dahil sa desisyon kong ituloy ang kaso.
Ramdam naming dalawa ang pagka-ilang. Maya-maya'y ini-angat nito ang dalang plastik habang ang isang kamay ay nasa bulsa niya at doon ko lang napansing may dala pala itong inumin.
"Oh," sabi niya. "Peace offering."
Tiningnan ko siya.
"Matcha iyan," dagdag niya. "50 percent sugar level. Hindi na level 2."
Doon kami natawang dalawa.
"Tumawa ka na," sabi niya habang nakangiting tinitingnan ako. "Bati na tayo, ha?"
"Depende," pakikisali ko. "Basta masarap iyang dala mo."
"Anong dala ba?" tanong niya.
"Huh?" tanong ko.
Ngumiti lamang ito at kumindat.
Natawa ako.
"Sure na masarap iyan," dagdag niya. "Lahat naman ng tungkol sa 'kin masarap."
BINABASA MO ANG
"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)
Romance[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."