PART TWENTY-SEVEN: THE ANGEL HAS FALLEN

172K 12.3K 46K
                                    

"WILL IT WORK?"

Isa-isa nila akong tiningnan. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kuwarto ni Aubrielle. Matapos mag-usap kagabi patungkol sa rason ko kung bakit ako naging dark raven ay nagsimula na kaming mag-plano sa kung paano namin mapalalabas at mahuhuli kahit na sinuman sa mga agila.

Sa totoo lang, hindi madali. Ramdam mo ang tensyon namin sa isa't isa. Halatang lahat ay na-trauma na sa dami ng lihim na mayroon kami. Pero kung iisipin, iba-iba man ang rason kung bakit kami naririto ay pare-pareho naman ang dahilan kung bakit kami nananatili: Iyon ay ang pabagsakin ang kulto na nasa likod ng mga paghihirap namin.

"It has to," sagot ni Aubrielle. "I mean, I'm putting my life at risk here. Kung mamamatay man ako, at least worthy, 'di ba?"

"Hey," pigil sa kaniya ni Avery. "Walang mamamatay dito, okay? We had enough."

"'Di natin sure," sagot ni Newt. "Hindi natin kilala ang kalaban natin. Pero sila, kilala tayo. Doon palang ay dapat na tayong kabahan."

Nanahimik kami. Isa iyon sa mga bagay na kinatatakutan namin. Alam nila kung sino kami pero hindi namin alam kung sino sila. Sapat na rason na iyon para hindi namin sila maliitin.

"Then let's stick with the plan," sagot ni Andrius na kanina pa kami tinitingnan isa-isa. "We have to pull it off perfectly. Otherwise, we're good as dead."

"Tama siya," pang sang-ayon ni Casper. "This is our last card."

Napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang ay hindi ako sang-ayon na gawing pain si Aubrielle.

"Sigurado ka na ba riyan?" tanong ko sa kaniya. "Puwedeng ako nalang."

"Neska, kilala ka nila. If hinahanap ka ni Heinz, malamang, iisipin na agad nilang bait ka lang. Katulad ng kay Doc Traise, 'di ba? He gave them his address pero walang pumunta. Dahil kilala nila siya at alam nilang in one way or another, Traise has a plan. Same applies to you."

Napapikit ako nang mariin at nag-aalalang tiningnan siya. "What if something bad happens? Aubrielle, hindi pa nagigising ang mama mo. Ni hindi nga niya alam na buhay ang anak niya. Paano kung magkamali tayo? Paano kung... kung mamatay ka?"

Natahimik lalo ang lahat at wala halos makatingin kay Aubrielle. Si Newt ay kinakagat ang daliri niya. Si Traise at Avery naman ay nakatingin sa table. Si Andrius at Casper ay pinili nalang tumingin sa lapag.

Aubrielle smiled weakly. "So? Kaya nga dapat nating galingan, para walang mangyari sa 'kin. If something happens...then...then dapat manalo pa rin kayo. I am doing this to give my mom a safe environment once she wakes up. Kaya wala tayong karapatan matalo. Naiintindihan niyo ba?"

I bit my lower lip. "Aubrielle..."

"Bitch," she said with tears visible in her eyes. "Concern ka na sa 'kin? 'Di ako sanay, ah. Nasa'n na 'yong Neska na nakaka-sabunutan ko sa kuwarto dahil hindi niya sinasara iyong pinto 'pag pumapasok siya?"

Hindi ako makangiti. Nag-aalala at nalulungkot ako sa totoo lang.

"Ba't ba kayo ganyan?" sabi niya at isa-isa kaming tiningnan. "Ang papangit ninyo malungkot. Patay na ba 'ko? If you really don't wanna see me dead, then let's make a perfect plan. Come on!"

Ngunit walang gumagalaw sa 'min.

"Guys!" Aubrielle exclaimed at inayos ang papel sa table namin. "Come on! Dali na!"

It was Traise Stevens who cleared his throat that made us all reroute our eyes at him.

"Aubrielle's right," he said. "We have to make a perfect plan."

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon