"Casper..."
He was just standing there, looking at us.
From that moment, the three of us were all drenched by the rain. Kung ang ulan ba o ang kalabog ng dibdib ko ang mas malakas ay hindi ko na rin alam.
Tuloy ng kantang Everything I Own by Bread na nagmumula sa malapit na shop ang nag-iisang ingay na maririnig.
Casper looked at Andrius who was just right beside me, and he looked back at me. From then, another wave of tears fell from his eyes.
Just then, Casper turned his back and slowly started to walk away. Ilang ulit kong tinawag ang pangalan niya pero kahit lingunin ay hindi niya nagawa.
Akmang maglalakad ako para habulin siya dahil patuloy sa pagdugo ang mga sugat niya pero nang gagawin ko ay agad na hinigit ni Andrius ang braso ko. Nang magtama ang paningin namin ay bakas sa mata niya ang pag-aalala.
"I told you not to come to anyone else," he said, his voice seemed emotional.
"Andrius..." I uttered. "Casper needs our help. Injured siya, and... and you know that."
He wasn't answering. He was just looking in my eyes.
"Andrius, please..." my voice broke.
He was emotionless at first until his face finally softened. Ilang segundo lang ay unti-unting natanggal ang pagkakahawak niya sa 'kin.
Agad akong napatakbo palapit kay Casper na muling itinatayo ang sariling motor. Pinalilibutan ito ng ilang tao at pinipigilan sumakay.
"Brad, malala tama mo, 'wag ka nang sumakay," sabi ng isa.
"Kung wala nga lang helmet iyan kanina'y baka ano na nangyari," tugon ng isa.
"May tama na iyong motor 'tol, madidisgrasya ka lang d'yan. May ospital na malapit, magpatingin ka. Ang lakas n'ung pagbagsak mo kanina," sabi ng isa pa.
"Okay lang ako," sabi niya at muling namumuo ang luha sa mata. "Paki kuha nalang po iyong helmet ko, hindi kasi ako maka-yuko, sumasakit lalo."
Pinulot ko ang helmet. Nang magtama ang paningin namin ay napa-iwas siya ng tingin.
"Ako na ho ang bahala," sabi ko sa mga uma-alalay sa kaniya. Nag-alisan ang mga ito.
Sumakay si Casper sa motor at pinigilan ko siya.
"'Di mo ba sila narinig?" tanong ko. "Sira na ang motor mo. Baka ma-disgrasya ka pa lalo."
He didn't answer. Ini-ayos niya ang motor para umandar na.
"Casper!" I exclaimed, tears in my eyes. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?"
Tumingin siya sa harap at iginiya ang motor.
"Look at yourself," I said. "Napakarami mong sugat. Dumudugo pa iyong braso mo at sa gilid ng ulo mo. Hindi ka okay, Casper. Bumaba ka na riyan at dadalhin kita sa ospital."
"Move," he coldly said without looking at me.
"Casper..." I uttered.
"I'll drive now, move."
Magsasalita pa sana ako pero akmang aandar na ito kaya lumayo ako. Ilang segundo lang matapos nitong umandar ay muli itong bumagsak at halos tumilapon siya.
Napatakbo ako.
"CASPER ANO BA!" singhal ko. Nang bumagsak ay tumatawa lamang ito at ang tawa niya'y unti-unting naging mahinang iyak.
"Casper..." I uttered when I reached him. Lalong dumugo iyong mga sugat niya.
"Ano bang nangyayari sa 'yo?!" singhal ko. "Puro ka na sugat, puro ka na dugo!" nag-aalala kong sabi.
BINABASA MO ANG
"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)
Romance[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."