PART THIRTEEN: THE THREE-FACED KING

182K 12.5K 32.4K
                                    

"Ay ay ay I'm your little butterfly, ay ay ay, I'm your little butterfly."

I bit my lower lip and tried my very best not to burst out laughing.

Kada mapapatingin ako sa mukha ni Andrius mula sa rearview mirror ng kotse n'ya ay kusa nalang tumutugtog iyong kanta sa utak ko at gustong gusto ko na matawa.

Napakatahimik naming apat sa loob ng sasakyan. Si Andrius ang nagmamaneho at sa tabi naman n'ya ay si Casper na deretso lang ang tingin sa daan. Kami naman ni Aubrielle ang nasa passenger's seat. Habang si Aubrielle ay panay lang view ng My Day nang tuluy-tuloy at hindi manlang tinitingnan ang content, heto ako't panay sulyap sa seryosong mukha ni Andrius.

Wala kasi akong mapagka-abalahan. Drained na ang phone ko kaya back to reality ako at panay observe nalang ng paligid. Kulang na nga lang ituro ko ang paligid at tanungin, "Ano 'to, hangin?"

I chuckled.

Actually, kagagaling lang namin kay Newt. Mukha s'yang takot na takot nang madatnan namin. Ayaw pa nga kami papasukin dahil baka raw impostor kami. Kung hindi pa tinopak si Aubrielle ay hindi pa n'ya kami papapasukin.

Nang tingnan namin ang CCTV ay lalo kaming kinilabutan. Hindi iyon edited at mas lalong hindi na i-record noon pa. Nangyari talaga s'ya kani-kanina lang. Sa sobrang takot ay walang makapagsalita sa amin. Kaya naisipan nalang namin ipa-verify kung s'ya talaga iyon.

Ang nakakatakot ay napakatalino ni Heinz. Alam n'yang kahit magpakita s'ya ay hindi namin kayang humingi ng tulong sa awtoridad dahil malalaman ng publiko. Kaya naman lalong nanlulumo si Newt.

Muli kong tiningnan si Andrius mula sa rearview mirror at kusa nalang pumasok sa utak ko ang kanta.

"Pfffft."

Napalingon silang lahat sa 'kin nang magtalsikan ang laway ko sa sobrang pagpipigil.

"Ang baboy ha," sabi ni Aubrielle. "Fountain ka ghorl?"

Natawa nalang si Casper.

"Kanina pa ayaw umalis sa utak ko n'ung kanta," sabi ni Casper. "Iyong, ringtone ng papa mo Neska, ano ba 'yun... 'yung sa phone toy..."

"Can I help you?" simula ni Aubrielle.

"Woof woof woof," dagdag ko.

"Ay ay ay I'm a little butterfly," kanta naming tatlo. "Green, black, and blue make the color in the sky~"

Bigla nalang kaming nagtawanan tatlo. Eh paano, may dance steps pa kami.

Natigil kami nang kabigla nalang i-preno ni Andrius ang kotse at halos tumilapon kaming tatlo.

We looked at him.

"Sorry," he said and gulped. "R-regarding the song, I've always thought it was 'ay ay ay galing mag multiply' but yea thanks, knowledge taken," he then looked straight.

Problema nito?

Bangag eh. Buti nalang gwapo.

"Anyway, we're here," he followed.

I looked outside at lugar na nga namin ito.

"Take a rest and don't overthink about anything," Casper said. "Hangga't hindi pa lumalabas ang result kung si Heinz nga talaga iyon, don't panic yet but always watch your back."

Napangiwi ako. Katakot.

"Anong napansin n'yo kay Newt?" Aubrielle asked.

"What do you mean?" I asked.

"Hindi naman sa pagiging judgemental pero parang ganun na rin," she said. "Don't you think he's a bit off? I mean, he panics so much. Nanginginig pa nga s'ya kanina and was even close to crying."

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon