PART THIRTY-TWO: 'KILL ME, ATTORNEY...'

145K 10.2K 21K
                                    

THIRD PERSON P.O.V.

Isang lalaki ang makikitang nakaharap sa salamin. Ilang minuto na niyang tinitingnan ang sarili at hindi maiwasang mapa-buntong-hininga.

Sinipat niya ang eyebags na halos lamunin na ang buong mata niya. Tiningnan niya rin ang mga galos na unti-unti nang gumagaling dahil sa gamot na inilalagay ng nurse sa ospital.

Ngumiti siya ng malungkot nang mapagtanto kung gaano sinira ng gabing iyon ang pagkatao niya. Walang mga pagkakataon na hindi niya maririnig ang patak ng ulan kasabay ang sunud-sunod na putok ng baril at ang pagbagsak ng kaibigan niya sa lupa nang wala ng buhay.

Bumuntong-hininga siyang muli at tiningnan ang sarili at bahagyang nanlumo.

"Casper, ganyan ka nalang ba?" bulong niya sa sarili.

Napa-upo siya sa kama at tiningnan ang papel na naroroon. Iniwanan iyon ng lalaking nagngangalang Tyler Scott halos tatlong oras na ang nakalilipas.

Ayon rito, resulta iyon ng mga tests mula sa mga kaibigan niya.

Ang isa ay walang kasiguraduhang magigising pa.

Ang isa nama'y may posibilidad na hindi na makalalakad pa.

Naikuyom niya ang kamao at pinigilan ang sarili mula sa posibleng pag-iyak. Sa mga araw na nasa ospital siya ay puro iyak nalang ang ginawa niya.

Pagod na siya. Sobra.

Maya-maya'y bigla nalang niya tinanggal ang dextrose niya. Sa pagkabigla ay tumulo pa ang dugo mula sa kamay niya. Agad siyang kumuha ng damit at pinunasan iyon.

"Fck..." bulong niya dahil napakahapdi niyon.

Napangisi siya nang bahagya. Sa buong araw simula nang mangyari ang mga nangyari sa kanila ay ngayon nalang siya nakaramdam ng emosyon. Masiyado na siyang namanhid sa sobrang sakit ng mga pangyayari. 

Nang tumigil ang pagdurugo ay lumabas siya ng kuwarto. Nang puntahan niya ang kuwarto ng isa niyang kaibigan ay walang tao sa loob nito.

Agad niya itong hinanap at hindi nga siya nagkamali kung saan ito posibleng nagpunta.

Nang pumunta siya sa rooftop ay naroroon iyon at pinanunuod lang ang mga kotse at ang mga taong naglalakad sa labas.

"Were you looking for me?" tanong nito nang hindi manlang siya tinitingnan. Naka-wheel chair ito at suot pa rin ang hospital gown. Nililipad din ng hangin ang itim na itim niting buhok.

Hindi malaman ni Casper ang isasagot. Hindi naman sila ganoon ka-close nito.

"Bakit, Andrius, bawal?" tanong niya.

Narinig niyang natawa ito nang bahagya. Nang lingunin siya nito ay halos kumalabog ang dibdib niya.

His lips were smiling but his eyes were the saddest pair he had ever seen. Casper gulped.

Naglakad nalang si Casper papalapit rito at huminto sa tabi nito.

"Kumusta ka?" tanong niya.

"Hindi ko alam," sagot nito. "Ikaw?"

"Hindi ko rin alam," sagot niya at bahagya silang natawa.

"I supposed you heard the news about me," Andrius said while smiling weakly. "There's no way you'll go all the way here for nothing. Unless, you like me."

"Tsss," sagot ni Casper na ikina-ngisi nilang dalawa.

"If you'll comfort me, please don't. Hindi tayo ganoon ka-close. Awkward."

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon