PART ELEVEN: THE GAME'S BLUEPRINT

196K 12.1K 23.8K
                                    

"THIS IS NEWT AND TODAY IS CODE BLUE. See you in the office."

I looked at it countless times.

Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa o kabahan.

Sa totoo lang, pagkatapos naming ma-kompirma na buhay nga si Heinz, hindi na namin alam ang dapat gawin. 'Yun lang naman ang dahilan kung bakit kami nandito, eh. Para alamin kung s'ya nga ba ang dahilan ng mga misteryosong pagkamatay ng ilang residente.

Pero ngayong napatunayan na namin, ano na ang dapat naming gawin? Kahit isa-publiko ay hindi pwede. Naaawa na nga ako kay Newt dahil maging s'ya ay hindi alam ang gagawin.

Speaking of Newt, nakita ko na pala s'ya noon. S'ya pala iyong nagmura at nag walk out sa korte n'ung may trial ako. Kung hindi pa n'ya suot kagabi 'yung suot n'ya nang araw na 'yun, 'di ko pa malalaman.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko uli at maya-maya'y tiningnan ang ganap sa mga social media accounts ko.

'CMO 20, IBASURA!'

Napatingin ako sa mga picture ng mga kabataang estudyante na nag ra-rally sa labas ng Supreme Court.

CMO 20 ay ang memorandum mula sa CHED na naglalayong alisin ang Wika at Panitikan as a required subject sa college.

Sa totoo lang, practically speaking, makakatulong iyon para bumaba ang units na required mong kuhanin. Para bang bawas sa student loads, gan'un.

On the other side, nakakalungkot. Kasi, ito nga ang dapat pahalagahan lalo na sa panahon ngayon na laganap na ang foreign influence. Kailangan natin patatagin ang nationalism within us habang yumayakap din tayo ng ibang kultura. By that, our identity amidst globalization won't vanish. Instead, we can use the wave of globalization to promote our culture.

I sighed.

Napaka komplikado.

Nagpatuloy akong mag scroll. May isang oras pa naman ako.

'Yung ang aga mong nagising pero na late ka kaka cellphone.

I grinned.

Hanggang sa napunta ako sa Instagram at nakita sa suggested people to follow ang account ni Andrius.

I immediatelly clicked it.

Napangiti ako nang makita ang display photo n'ya.

It was a childhood photo of him. Bakas sa mukha na napilitan lang ito magpa picture. Nakasimangot pa nga.

Auto save ka ngayon.

I immediately followed him at dali-daling tiningnan ang following n'ya. Karamihan ay mga law pages. May mga mangilan-ngilan na artists din like The 1975, Cavetown, Dean, Kim Taeyeon, at Troye Sivan. Political figure like Miriam Defensor Santiago. At naka follow din s'ya kay Aubrielle.

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isa pa n'yang finollow.

SHIT.

'Yung kapangalan kong pornstar!

Bakit naman n'ya 'to i-fo-follow?!

Don't tell me he followed her in search for me?!

I ended up laughing in frustration.

Haaaaay, Andrius. Bakit ang cute mo?

Knowing Andrius, sooner or later, naka private account na 'to. Hindi palang n'ya siguro natututunan kung paano.

Biglang nag notify sa 'kin si messenger.

'Casper d' ghost added Cliford Andrius Blake to the group'.

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon