PROLOGUE

339K 12.9K 15.2K
                                    

Isang napakalakas na kidlat ang maririnig sa buong lugar.

Ang pagkaluskos ng mga halaman ay masusundan ng malakas na buhos ng ulan na animo'y ang kalangitan ay tumatangis nang gabing iyon kasabay ng ihip ng hangin na yumayakap sa lahat na pakiwari mo'y hini-hele ka upang ipikit ang iyong mga mata.

Habang ang lahat ng kuwarto ay kasing dilim ng kalangitan at sinasamantala ang unang malamig na gabi ng taon, isang kwarto lamang ang makikitang maliwanag.

Kung tutuusin, kung sino man ang makakakita rito ay hindi iyon ipagbabahala. Sa katunayan, wala naman silang pakialam.

Gabi-gabi ang kwarto ay ang pinagmumulan ng ingay ng buong lugar; malakas na musika na halos yumanig na sa buong baryo, mga tawanan ng mga kabataan, mga pagmumurahan, away, at lahat na yata na klase ng hindi ka-aya-ayang tunog. Linggu-linggo, iba't iba ang pumapasok dito.

Kaya naman ang lahat ng residente ay ikinatataas iyon ng kilay at ikina-kukunot ng noo. Nang una, sinubukan nilang kausapin ang naninirahan doon pero hindi iyon nakikinig at ipinagsasawalang bahala lamang ang lahat.

"Naku, ganyan ba ang mga taga Maynila? Ka'y titigas ng ulo," ani ng isa.

"Aba'y ang aking mga pamangkin nama'y galing sa Maynila pero hindi sila ganyan," depensa ng isa.

"Bukas makalawa'y buntis 'yan, kahit pagpustahan pa natin," dagdag ng isa.

Araw-araw ay pinagmumulan ang nakatira doon ng usapin. Kaya ang lahat ay nawalan nalang din ng malasakit dito. Kahit yata may mangyari man sa babae ay wala na silang pakialam.

At doon sila nagkamali.

Kung pinakinggan lamang nila ang musika na nanggagaling sa kwarto, malamang ay malalaman nilang kasabay ng musikang humuhuni ay ang isang nakakikilabot na sigaw na humihingi ng tulong.

Kung tiningnan manlang nila ang nag-iisang kwartong maliwanag, makikita nila ang anino ng isang taong nakatayo at naka-ngisi.

At kung nagkaroon manlang sila ng pakialam upang maki-usyoso, malalaman nilang hindi lamang patak ng ulan ang bubuhos sa gabing iyon; KUN' 'DI MGA DUGO.

Sa loob ng kwarto ay makikita ang isang babaeng tumatangis kasabay ang tunog ng musika. Nagsasama ang dalawang tunog na animo'y isang obra sa pandinig ng kung sino man ang nakangisi.

Nakatali ang babae sa isang upuan at nakabusal ang bibig.

Ang taong kanina pa s'ya pinagmamasdan ay lalong ngumisi.

"Kahit ano pang i-iyak mo r'yan, walang may pakialam sa'yo, pokpok," sabi nito.

Muling humikbi ang babae. Magkahalong takot at galit ang makikita sa kanyang mukha.

"If I'll kill you tonight, there will be no decisive suspect. Napakaraming lumalabas-pasok sa unit mo, napakaraming fingerprints ang makikita nila," ang sabi nito at lalo pang ngumisi.

"Look," sabi nito. "I'm wearing gloves. Wala silang makikitang kahit na ano pang detalye mula sa 'kin. If the law is dumb enough, they may even arrest someone na walang kinalaman masabi lang nilang case closed. Mga bobo, ano?"

Hindi malaman ng babae kung ano ang una n'yang mararamdaman. Ang alam n'ya lang ay hindi na tao kung hindi isang demonyo ang nasa harapan n'ya.

"No fingerprints, no DNA, no connection whatsoever, hence, no motive," ang sabi nito at tumawa. "See? It's a perfect crime. Napakatalino ko, ano?"

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon