Lahat kami nagulat sa sinabi niya
"Singko?" Nagtatakang tanong ni Fhem pero tumango lang si Stephanie
"P-paano?"
"Kambal ako ni Steffanie, and we are both mystiques" paliwanag niya
Walang ni-isa ang nag imik, naguguluhan parin kami.
Hindi ko rin talaga alam kung ano ang nararamdaman ko, I mean may kutob na ako na ka bloodline niya si Steffanie based on her sure name and features. Ayaw lang talaga ma process ng utak ko.
"Siya ba ang tinutukoy mo Ayanna?" Seryosong tanong ni Fhem at tumango ako
"At bakit ngayon ka lang nagpkita?" Crimsson asked
"Because I want to be unknown, pero hindi na siguro 'yon magpapatuloy dahil wala na ang kapatid ko. I heard the news between her and my father, I want to get back. " she explained, red eyes
At sakto umilaw ang bulb. Lahat kami napatungo sa screen at hinintay ang labas ni Lady In Black
"Good day mystiques" panimula
"Robert Alson is one of the richest business man, dito sa bansa. They will having a transaction of cocaine sa Palawan, I'll send you the address and I want you to pack your things. Your flight will be at 7:30 pm tonight. I'll email your boarding pass together with the address. Don't fail me" at biglang namatay ang screen
"Ano daw?" Ulit ko
"Vacation!" Masayang sabi ni Fhem
"Anong Vacation. Mission daw sa palawan, nandoon si Robert Alson, mamayang 7:30 ang flight" pag ulit ni Miguel
"I'll see you then" umalis na si Stephanie ng biglaan, agad rin kaming umalis para mag impake
***
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Krystal, nilalagay ko mga damit ko sa isang backpack"Basta" maikling sabi ko
Matapos kong magimpake dumiretso ako sa cafè para sabihan na mawawala muna ako, hindi ko pa alam kung ilang araw.
Tama tama nandoon si Ms. A
"Ms. A, mawawala muna ako, hindi ako makapag-trabaho" sabi ko
"Oh sure Ayka" agad na rin akong umalis Patungong Chayson
Ako palang at si Sir. Arthur ang nandoon, alas kuwatro palang at dito daw kami mag kita kita pero si Stephanie ay sa Airport na maghihintay.
30 minutes akong nag hintay at dumating na si Crimsson, ilang minuto din ay dumating si Fhem dala dala ang maleta at naka suot ng shades, dumating na din si Miguel na may hawak hawak na chichirya.
"Gusto mo?" Alok niya kay Fhem
"Luh asa ka" nilayo niya agad ang pagkain niya
"Augh, kairita!" Dumabog si Fhem at umupo sa sofa
"So ano ang plano?" Tanong ni Fhem
"We can't be armed, hindi pwede sa airport 'yon at baka madetct" sabi ni Crimsson
"Pati metals ba, bawal suotin?" Tanong ni Miguel at tumango si Crimsson
BINABASA MO ANG
Mystique 4 [COMPLETED]
ActionItong incidenteng 'to ang mumulat sa'kin. Kung sana pumayag agad ako hindi sana madadamay at aabot sa ganito. If being one of them is the only way I could get revenge and protect myself, then I'll be one. The new UNO. Started: 10-1-2020 Ended: 12...