18- THE NEW STUDENT

11 3 0
                                    

"Isa pong Kare-Kare, tapos itong soup po 'yung may corn, tapos beefsteak at limang serve nang rice" kinakabahan ako dahil wala akong pera pang ambag, masyado pa namang madami ang inorder ni Fhem

"Don't worry libre ko 'yan" bulong saakin ni Crimsson, kaya medyo napatigil ako

"Ah-sige salamat" uminit kaag ang pisngi ko

"Antagal" reklamo ni Fhem

"Hala, kaka-alis lang nang waiter tapos gusto mo iseserve agad?" Tanong ni Crimsson

"Gutom na ako, I haven't eat breakfast dahil inaabangan kong manlibre ka" ngumiti si Fhem Halatang inaasar si Crimsson

Ilang minuto kaming naghintay at dumating na ang mga inorder ni Fhem, kumuha lang ako ng pagkain pero kinakabahan din hindi na 'to dahil sa bayarin kundi dahil baka hindi ako makapasok sa Academy

"Chill lang, makakapasa ka" sabi ni Crimsson, nagulat ako ba't naisip niya ang iniisip ko

"Paano mo nalaman?" Tanong ko

"Rule number 1, 'wag mong ipakita na kinakabahan ka, in fight kailangan mong controlin ang emosyon mo because they will use it against you" humigop si Fhem ng soup

"Hala nakalimutan kong undas break na pala natin" paalala ni Fhem kay Crimsson

"Yeah, wala naman kaming plano" patuloy na kumain si Crimsson

"Punta tayo horror house" aya ni Fhem mukhang excited

"Kailan?" Tanong ni Crimsson

"Sa Wednesday" tumango nalang din ako

***

"Ready?" Tanong ni Fhem nasa harapan na kami ng guidance papasok na ako para tanungin kung naka pasa ako. Mukha pa siyang excited

"Hi po goodmorning" bati ko pagpasok ko

"Hello, may I help you?" Tanong nito

"Tanong lang po if may result na po ba sa mga nag take ng exams kahapon?" Tanong ko at tumango naman siya

"I see your a taker? " tanong niya at may hinalungkat sa desktop

"Your name?" Tanong niya

"Ayanna Karrel F. Saltones po" lawag ko at tinype niya sa desktop

"Grade 12, right?" Panigurado niya at tumango naman ako

"Congrats, your section is 12-HSTM, see you on monday" ngumiti siya at hindi ko mapigilang makilig dahil nakapasa ako, agad akong nagpasalamat at lumabas para sabihin kila Fhem at Crimsson

"I passed" ngumiti ako at tumalon pati na rin si Fhem ay tumalon

"Congrats" nagulat ako ng niyakap ako ni Crimsson, niyakap ko din siya

"S-salamat"

"Dahil diyan tuloy ang Horror house bukas" masayang wika ni Fhem

***

"Ayka!" Tinaas ni Crimsson ang kamay niya para sensyasan na nadoon siya, naka tshirt at shorts lang. Nakaupo siya sa bench sa labas ng horror house

"Si Fhem?" Tanong ko sabay upo sa tani niya

"Coming, hindi kasi kami magkasama e" wika niya at tumayo may bibilhin siguro

"Here" binigyan niya ako ng churros at kinuha ko naman 'yon

Rinig na rinig ang mga sigawan ng tao sa labas. Ilang minuto na kaming naghihintay at ang sabi alas nuwebe ang call time pero mag na-nine thirty na wala parin siya

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon