5- THE NEW PRINCIPAL

26 5 1
                                    

"Steff..Steff" lumapit ako sakanya "please, huwag kang susuko" inaalog ko pa rin siya patuloy ang pag tulo ng luha sa mga mata ko

"Ayka" hinawakan niya ang ako, nakita ko ang kaniyang kamay na duguan

"O-oh?" Hindi ako makapagsalita ng maayos

"Magpapakatatag ka ha?" Ngumiti siya "Don't be a coward, fight for yourself"

"Huwag.. Huwag, Ikaw lang ang nagturing kaibigan saakin, steff huwag naman s-sana" inaalog ko parin siya

Napansin kong may kinuha siya sa bulsa niya, parang ID na itim ang picture at may nakalagay na 'Uno'

"Take my place, and learn to defend yourself, hindi sila basta basta kalaban" Inabot niya saakin 'yon at kinuha ko naman

"A-ano bang s-sinasabi mo? Hindi ka pa mamamatay, S-Steff" sabi ko

"Huwag kang magpapa-api. Ayanna, Happy Birthday" ngumiti siya ng mapait at may itinuro sa labas bago sumara ang kaniyang mata

"Steff?" Inalog ko ulit siya pero hindi na siya namulat pa. Sinundan ko kung patungo ang tinuro niya at may nakita akong lalaking duguan

"A-ayos ka lang po ba?" Inalog ko 'yung lalaki, hindi pamilyar ang mukha niya pero may inabot siyang ID kagaya rin ng ibinigay ni Steff pero ang sakanya ay nakalagay 'Tres' meron ring papel na nakasama, napakunot ang noo ko nang makita ko ang naka sulat

.... .- -. .- .--. .- -. / -. .. -.-- --- / -. .- / .- -.- --- / -. --. / -.- .- .--. .- .-.. .. -

-.- ..- .-- .- - .-. ---

Hindi ko naintindihan, at hindi ko alam kung bakit ganon ang pagkasulat pero tinago ko lang 'yon sa bulsa ko

Nasa harap na kami ng hospital papasok. Naghihintay kung ano ang kondisyon ni Steffanie, Sir. Mortel, at yung lalaking isa pa

"Doc, k-kamusta ho sila?" Tanong ko sa matandang lalaking nakasuot ng puting long coat

"Pasensya na pero-"

"Huwag, buhay pa diba? Si steffanie buhay pa po diba?" Pagpanic ko

"Wala na sila, puwede mo nang iiwan ang kaibigan mo at ang kasamahan niya. Kami na bahala mag contact sa mga kasamahan nila" umalis siya pero hinawakan ko ang kaniyang kamay

"D-doc, puwede ko po ba tignan ang kaibigan ko, l-last nalang p-po" nakayuko kong tugon

"Sumunod ka" at sinundan ko siya sa isang kuwarto binuksan niya ang puting kumot na naka tabon sa katawan ni...... Steffanie

"Steff?" Pumilit akong ngumiti sa nakalantulay niyang katawan .
"Hu-Huwag mo 'kong kalimutan ha?" Hinimas ko ang buhok niya
"Salamat dahil nandiyan ka sa tabi ko, palaging nagliligtas saakin, hindi kita malilimutan, may lugar ka dito sa p-puso ko" hinawakan ko ang dibdib ko

"Paalam..... k-kaibigan" patuloy tuloy na ang iyak ko, hanggang sa tuluyan na akong lumabas na nakayuko, hindi ko na alam ang gagawin ko

"Aray ko, sabi ko na nga diba na huwag niyo na akong gamutin, wala akong pambayad tatakas lang naman ako" nakita ko 'yung lalaking tinulungan akong magsakay dati, nakaupo sa may kama, ginagamot ng isang nurse sa may bandang tiyan

"Aray dahan dahan lang sabi- Oh hi miss, nagkita naman tayo" ngumiti siya ng malawak

"N-napano ka?" Nilapitan ko siya habang ginagamot ng nurse

"Ah eto?" Tinuro niya ang sugat niyang ginagamot ng nurse "Nakita ako ng mga kasmahan ko kaya 'yon nasugatan" dugtong niya. Nakangiti parin

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong niya

"Ahm, na-namatay yung... kibigan ko" parang iiyak naman ako

"Sir tapos na po" sabi ng nurse at niligpit na ang mga gamit niya, naka dressed na ang sugat niya sa Tiyan

"Salamat, hindi na ako magbabayad ha" ngumiti siya sa nurse

"Wala ka naman pambayad, una na po ako" at umalis na ang nurse

"Ganun ba, sorry" nagaalalang sabi niya

"Hindi, okay lang" pilit kong ngiti

"g-gusto mo kain tayo?" Pag-aya niya

"Sige lang, sa susunod siguro" ngumiti ako at naglakad na paalis sakanya

Bumalik akong apartment na walang kagana-gana, nawalan ako ng kaibigan hindi ko mayanggap 'yon

Pagkapasok ko nilapag ko 'yung binigay saakin ni Steff na parang ID at tsaka yung sulat at ID rin ng lalaking namatay rin kanina

Hindi na ako nakapag-aral dahil hindi ko na alam kung saan ko naiwan ang notebook ko, babagasak din naman ako ba't ko pa pipiliting pumasa

Iyak ng iyak lang ako buong gabi, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"We would like to inform you that, Mr. Franko Mortel our school principal passed away, we know you were having a hard time accepting that our beloved principal passed away. We also heard a sad news regarding one of our students Steffanie Fate M. Allienado also died due to cancer. Please let's pray for their soul ro remain peace" at huminga ng malalim ang school coordinator namin bago nagsalit ulit

Napakunot ang noo ko sa narinig ko

"Our school cannot run without a leader we would like to announce our new principal. Mr. Calixton C. Zepenato" Dugtong niya

"Uy Emerald daddy mo?"

"Emerald sabihan mo si daddy mo no class"

"Astig daddy niya pala"

"Emerald lang malakas"

Agad akong napatingin sa paakyat ng stage ang pangalan at ang apilyedo parang narinig ko na 'yan l. Tinignan ko kaagad si Emerald at nagkatugma ang aming mata. Tatay niya?

Ang bagong principal?

Tatay niya ang pumatay kay steff?

Hindi e, tama ang narinig ko Calixton. Calixton din ang narinig kong sabi ni Steff kagabi

"I told you babawi ako" Tumayo sa tabi ko si Emerald

Lumapit ako sa may stage banda para tignan nang mas malapit ang mukha ng Calixton na to. Hindi ako pamilyar sa uri nang katawan na nakita ko kagabi dahil madilim na at naka suot ng maskara ang pumatay kila Steff

"Good Morning everyone, may I have everyone's attention please?" At agad naman natahimik ang lahat ng estudyante. "Like what did our School coordinator said I will be your new school principal" napakuyom ang kamay ko, nanginginig ang kamao ko gustong gusto kong suntukin ang lalakeng 'to, humanda ka Calixton

"By means some of the campus rules will be remove and added also. Your advisers will give your new handbook ones we're done making our new school policies-" hindi niya naituloy nang hindi ko na napigilan ang sarili ko

-
-
-
-PUTI

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon