23- NEW MYSTIQUE

7 3 1
                                    

"Sige sige, text mo ang address pupuntahan ka namin" binaba niya naman ang tawag

"Done" sabi ni Fhem matapos siyang magbayad

"Tara" hinila ko si Crimsson at Fhem papunta sa parking

"Saan tayo?" Tanong nilang dalawa

"Dito" pinakita ko ang address kay Crimsson

Hindi naman ito nagtanong kung bakit kami pupunta doon, dali dali kaming pumasok at pinahurot naman ni Crimsson ang sasakyan patungo sa address na tinext ni Miguel.

"Is this the place?" Tanong ni Crimsson matapos laming mahinto sa isang maliit na bahay, gawa sa kahoy ang gate at may mga manok sa loob, nakasara pa ang pintuan ng maliit na bahay

"Tao po?" Tinignan ko kung may tao na lalabas, pero walang may lumabas

"I think dito 'yun" sabi ni Fhem na nakatutok sa phone niya

Tinignan ko ang nakabalot na cadena sa gate at hindi naman ito nakalock, kaya madali tanggalin. Wala akong choice kundi pasukin, tinanggal ko ang nakbalot Cadena at  binuksan ang gate

"Ayanna! That's tresspassing" pinigilan nila akong dalawa pero dumiretso na ako sa harap ng pinto.

"Miguel?" Kumatok ako Hanggang sa bumukas ito, namumula ang mata niya at hindi naka ayos ang buhok

"Yung... yung lola ko" yumuko siya at pumasok ako, nakita ko kaagad 'yung lola niya nakahiga sa isang kuwarto

"Lola, naririnig niyo po ba ako?" Dahan dahan akong pumasok

Hinawakan ko ang bandang noo ng lola ni Miguel at sobrang init 'yon kaya napatanggal agad ako.

"What happened" bigla pumasok si Fhem sa kwarto at hinawakan ang noo ng lola ni Miguel

"Oh my" tinanggal niya agad "Sobrang init, kailangan dalhin sa Hospital to" sabi niya

"'Wag niyo dalhin, wala kaming pambayad" protesta niya

"No 'wag mo muna isipin 'yan, tara na Crimsson get the car ready" utos ni Fhem

"Lola, upo po muna kayo dito" kinuha ni Fhem ang isang monoblock chair. Pinasuot naman ni Miguel ang lola niya nang jacket

Inalayan namin na umupo ang Lola ni Miguel sa monoblock chair at binuhat na ang upuan, dahil walang wheelchair

"Dahan dahan lang" sabi ko ng ingat namin ipasok ang lola niya sa kotse

"How old is she?" Tanong ni Crimsson habang nag dadrive papuntang hospital

"74" sagot ni Miguel

"Please po paki ready 'yung wheel chair, senior po 'yung dala namin" agad na ibinababa ni Fhem ang telepono, tinawagan niya na ang ospital

Pagkadating namin doon ay may nag hihintay na na dalawang nurse at ingat na inilabas ang lola ni Miguel at pinaupo sa wheel chair

Kailangan siyang i-admit dahil malala daw ang pagkainit niya, pinasok siya sa emergency room at nandoon lang kami sa gilid nag-aalala, kasama si Miguel

Niyakap ko siya dahil umiiyak na siya.

"Magiging okay lang si lola mo" pagpatahan ko sakanya

Matapos ang ilang minuto trinansffer siya sa isang ward.

"Kailangan po ba 'yun?" Tanong ko sa isang nurse sa parang counter sa ospital, sinamahan naming apat si Miguel dahil magtatanong kung ilan ang estimated na babayaran

"Opo, wala pong discount kapag walang card" explain ng nurse

"Kahit senior?! Kita niyo naman na nahihirapan!" Galit na aabi ni Fhem

"Ms. Kahit discount? I mean she's senior kitang kita naman. There's should be an exception" sabi naman ni Crimsson dahil hindi talaga kami bibigyan ng discount 30,000 ang siningil saamin, saan namin 'yon pupulutin

"Wala po talaga, sorry po" sabi naman ng nurse

Minasahe ni Fhem ang noo niya dahil sa sobrang inis, si miguel napaupo nalang sa upuan. Umupo ako sa tabi niya at hinimas ang likod niya, sobrang nag-aalala siya sa lola niya

"Saan ko naman kunin ang ganon kalaking halaga?" Tinakpan niya ang mukha niya

"Hahanap kami ng pwedeng mag solicit" sabi ni Fhem "Na stress 'yung bangs ko" inayos niya ang bangs niya

"Meron akong alam. On how to get that amount of money easily" panimula ni Crimsson kaya napatingin kami dalawa ni Miguel

"Akala ko hindi siya pumayag?" Tanong ni Fhem kay Crimsson

"Ano?" Tanong ni Miguel

"Join us. I think Ayanna already explained kung ano ang ginagawa namin" sumandal si Crimsson sa counter

"Ayaw ko" tumayo siya

"Saan ka?" Tanong ko naman

"Hahanap ng trabaho" dumiretso na sana siya pero nagsalita si Crimsson

"75,000" naphinto si Miguel sa sinabi ni Crimsson "For every mission we accomplish. That's the lowest" nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa

"Take it or leave it. You just have to unite with us" dugtong niya pa Dahil napatigil si Miguel. Pati ako nagulat sa laki ng pera

"Kailan ba gaganapin ang susunod na misyon?" Humarap si Miguel saamin

"Ano?" Naguguluhan kong tanong

"Sasali ako" sabi niya

"Next month. Follow us so we can discuss to you the process" naglakad papuntang parking si Crimsson kaya sumunod si Fhem

Dumiretso muna si Miguel sa ward kung saan nakahiga ang lola niya kaya sinundan ko siya

"La, babalik ako" hinalikan niya sa noo ang lola niya mahimbing ang tulog

Bumaba na ang temperature ng lola niya kaya napahinga ako ng maluwag, at dumiretso na kami sa parking kung saan naghihintay si Fhem at Crimsson

"Saan tayo?" Tanong ko pagkapasok namin

"Chayson" maiking sagot ni Crimsson at pinaandar na ang kotse

"Is this the new Tres?" Tanong ni Sir. Arthur habang may hawak hawak na kape

"I'm Arthur, you can call me Sir. Arthur" pagpakilala niya kay Miguel kaya nag shake hands sila


"Hindi naman diba illegal ang ginagawa ninyo, diba?" Tanong ni Miguel matapos idiscuss kung ano ang flow at kung ano ang grupo na papasukan niya

"No, in fact humihingi pa ang mga police ng tulong galing saamin" paliwanag ni Fhem

"So walang nakaka-kilala kay Lady In Black?" Tanong niya kaya napa iling kami lahat. Sa una naguguluhan pa siyang intindihin ang mga pinaliwanag ni Fhem at Crimsson pero unti-unti niya naman na digest.

"So are you in?" Tanong ni Fhem

"Oo. Basta may pera diba?" Tumango sila

Pati ako ngayon ko lang nalaman na magkakapera ka pala, well isang misyon pa lang naman ang nagawa ko, palpak pa ang una.

"Then welcome to the group. New Kuwatro"

-
-
-
-PUTI


Sorprise new update, XD pewpewpew! Bang bang!

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon