3- NEW FACE

32 5 2
                                    

(A/N: Hi I just want to remind all of you that I don't tolerate bullying, verbal, physical, cyber or any types, even physical abuse or any kinds of violent, part po kasi ng plot. For her development. And it doesn't mean na I am in favor of it. If it's very sensitive I can take down the story and create another one. Hope you can understand, stay safe!!)

                 ~CONTINUE~

Madilim na ang labas at mga ilaw nalang sa poste ang nagsisilbing ilaw. Nanginginig ako sa takot na baka may dumukot saakin dito, hindi pa naman pamilyar saakin ang daan pabalik

"Hi miss, nawawala ka ba?" Nagulat ako nang may nagpakitang lalaki saakin

"Ay!. OO" sabi ko

"Napnsin ko rin eh, kanina ka pa paligoy-ligoy kaya napagisipan kong tulungan nalang kita"

"Ah, salamat" nag nod ako ng kaunti

"Hmm, sige dahil madilim na roon" tinuro niya ang isang street "Hinatyin mo nalang ako rito at hahanapn kita ng masasakyan" ngumiti siya

"Ganon ba? S-salamat" sabi ko

"Pero kailangan ko sana muna ng pera pra utusan ang trycicle na papuntahin dito, medyo malayo na kasi at gabi na. Kung okay lang sayo?" Sauna nagdadalawang isip pa ako na bigyan siya ng pera, pero siya na nga ang tumutulong kaya binugyan ko nalang ng 100. Yan kasi sabi niya e.

"Hintay kalang dito miss ha" utos niya nang maiabot ko na ang 100 sakanya

"Sige dito lang ako" sabi ko na hawak hawak ng dalawang kamay ko  ang strap ng sling bag kong nakasuot saakin

"Saan na ba 'yon?" Nililibot ko parin ang mga mata ko kung darating pa ba 'yung lalaking nag alok na hanapan ako ng masasakay

Mga benteng minuto na akong naghihintay hindi parin siya dumatin, akala ko natagalan lang pero sobra naman ata to. Unti-unti kong narealize na

Nabudol ako.

"Hi" nilingon ko kung saan galing ang boses na 'yon, isang lalaki nanaman pero iba ito sa una

"Sino hinihintay mo?" Tanong niya

"Mukha bang may hinihintay ako?" Tanong ko

"Mukha mo" ngumiti siya, halatang nangaasar

"Ewan ko sayo, kung mambudol ka man lang hindi na uubra saakin 'yan. Ninakawan na ako. Kaya alis" tinaboy ko siya

"N-ninakawan ka?" Tinakpan niya ang bunganga niya pinipigalan ang tawa

"Nangaasar ka ba dahil kung oo, gumagana" balos ko

"Nawawala ka no?"  Tanong niya

"Pake mo?" Pambara ko

"Sungit, oh eto tulungan-" naputol siya ng may tumawag sakanya

"Si miguel ayun, habulin niyo"  may mga grupong lalake papunta saamin

"Takte!" Hinawakan niya ako sa pulupulsuhan at tumakbo. Hindi na ako nakapag protesta dahil malakas ang pagkahila niya saakin, ayaw kong makaladkad kaya sumabay ako ng takbo

"Hoy! Saan mo ako dadalhin" tumatakbo parin kami

Nagtago kami sa may isang halaman na hindi gaano kita dahil wlaang ilaw

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon