"Aray!" Natupi ang bandang tuhod ko nang nag wa-one on one kami ni Fhem dito. Si Crimsson at Sir Arthur nakatingin
Nasa malaking bilog kami ni Fhem at sila Sir. Arthur at Crimsson ay nasa labas nang bilog. Kaya medyo malayo kami
"Ayka focus. Sa mata ka tumingin hindi sa stick na hawak ko" pagpayo saakin ni Steff
Tumayo ako ulit at hinigpitan ang hawak sa stick ko, lumapit ako kay Fhem at lumapit rin siya.
Ihahampas niya sana ang stick na hawak niya leeg ko pero agad akong nakayuko pero sinundan niya rin ito nang hampas sa tuhod kaya natupi ulit. Sobrang bilis niyang gumalaw
"Tsk. Tsk. 'Yan ba ang paplit kay Uno?!" Sigaw saakin ni Sir. Arthur
Kaya medyo natakot ako"Pasensya.. Pasensya na, yunuko ako at patuloy parin ang pag tulo nang pawis ko. Higit na apat na araw palang ako nag eensayo pero ramdam ko na ang sakit nang katawan ko
"Suwerte ka dahil hindi pa nagpapatawag si Shadow, sigurado akong ikaw ang unang mamamatay kapag sasabak sa misyon" he smirked
"Sorry" hingi ko ulit nang tawad pero hindi niya ito marinig dahil malayo sila saamin
"Sir. Stop na po, she is doing her best" pagtanggol ni Fhem
"Doing her best?! E ang lampa niyang gumalaw e! Sino bang hindi maiinid diyan?" Panlalait niya pa saakin
"I doubt if mapapantayan niya si Steffanie, kung gumalaw palang eh talo na" and I had enough pinuntahan ko ang table kung saan may kutsilyo at tinapon sa pader kung saan malapit kay Sir. Arthur.
I was impressed, akala ko bobokya pero dumaan ito malapit sa tenga niya dumiretso ang tusok sa pader sa may bandang likuran niya.
"Oh my" napatabon nang bungaga si Fhem at si Sir. Arthur naman ay nakatulala. Hindi ko alam kung paano ko nagawa 'yon. Basta tinapon ko lang malapit sakanya
Nilapitan ko siya at ngayon a meter nalang ang distansya namin ni Sir. Arthur sa isa't isa.
"Don't you dare compare me to steffanie, yes she's more stronger compared to me. But I can be a beast when someone triggered me." Namumula na ang mata ko dahil sa galit at tuluyan nang nag walk out palabas nang Chayson
"Ayanna" tawag saakin ni Crimsson pero patuloy lang ako sa paglakad
"Hatid na kita" alok niya at tumango naman ako
"You can seat infront, hindi raw sasama si Karisha, napagod" tumawa siya at ngumiti nalang ako sabay upo sa front seat
Sobrang tahimik ko habang si Crimsson naman ay nag fofocus sa pagmamaneho.
"I like..." pagputol niya nang katahimikan "What you did kanina" dugtong niya
"Pasensya na kung ganyan ang inakto ko" I chuckled
"No, wala ka namang kasalanan, apat na araw ka pa lang naman nag tetrain and you already know how to use a gun" ngumiti siya at na relief naman ako at tumawa nang mahina dahil hindi ko alam ang isasagot ko
"No, seriously. You are good. Hindi lang talaga matanggap ni Sir. Arthur na wala na si Uno. Kaya ganyan siya umasta lalo na sayo" paliwanag niya
"Naiintindihan ko" maikli kong sagot at bumalik na kami sa katahimikan
"Salamat" sabi ko nang ibaba niya na ako sa tapat nang dorm
Bukas ay aalis na ako dito, may nahanap na akong dorm at may kataasan lang siya nang konti kumpara sa luma kong tinitirahan pero okay na 'yun dahil 'yun na ang pinakamababa sa mga pinuntahan ko.
***
"1,500 babayaran every month kasali na ang tubig at kuryente, okay ba?" Tanong nang landlady
"Sige po" pumasok ako sa kuwarto at may nakita akong babaeng nag se-cellphone, roomate ko siguro
"Ay ikaw ba ang roommate ko?" Tanong niya at ngumiti nang malapad
"Oo, Ayanna. Ayka nalang" I offered my hand
"Krystal" sabi niya at tinuro kung saan ang cabinet ko at higaan ko. Walang mini kusina sa loob hindi katulad nang dati kong inuupahan.
Dinala ko ang mga gamit ni Steff at nilagay na sa isang maleta dahil konti lang naman ito. Hindi ko na nilabas at nilagay nalang sa gilid
"Saan ka nag-aaral? Anong year?" Tanong ni Krystal
"Pinaalis ako e" patuloy lang ako nagaayos nang mga gamit ko
"I won't ask why kasi maybe it's sensitive pero wala ka bang balak umaaply sa ibang school?" Tanong niya
"Wala na, masyado kasing mahal at baka hindi naman ako bibigyan nang previous school ko nang forms para isubmit sa aaplyan kong school" sabi ko
"Meron akong alam na school, in fact doon ako nag aaral" ngumiti siya
"Saan?" Tanong ko
"Sa Pexon Academy" sabi niya at lumawak ang ngiti
***
"Welcome! Ano pong sainyo?" Tanong ko sa kakadating costumer."'Yun lang po ba ma'am?" Tanong ko matapos niyang ilawag ang oorderin niya
"Yes" sabi niya at binigay ko sakanya ang resibo
"Wala kayong Class?" Tanong ko nang nakita ko si Fhem at Crimsson naka uniform pa
"Wala halfday lang" sabi ni Fhem
Matapos kong ilawag ang mga order ay pumunta naman ako sa table nila Fhem para ibigay ang usual order nila
"Umupo ka muna" alok ni Crimsson At umupo naman ako sa tabi niya
"Ba't halfday lang kayo? Parang napapadalas 'to ah" tanong ko
"Hindi rin kami sigurado kung bakit, hindi parin kami inuutusan ni Shadow kung ano ang gagawin next." Sabi ni Fhem
"Sino ba yang si Shadow?" Tanong ko
"Siya ang nagpapadala nang mga misyon namin dati, inutusan niya kami mag-aral sa MPU for some reason, hindi rin namin alam pero sinunod namin. Pero mahigit tatlong linggo na wala paring update sa kung ano ang gagawin namin next" explain ni Fhem
"Under kami sa kanya... Under tayo sa kanya" sabi naman ni Crimsson
"Hindi niyo ba puwedeng aksyonan nang hindi niya sinasabi?" Tanong ko
"Hindi. Dahil bawat galaw niya ay may nakatakdang dahilan. Akala nga namin may plano siyang iba dahil hindi siya nagpaparamdam, pero ang tagal naming hinihintay ang utos niya pero wala parin" explain ulit ni Fhem
"Baka maynangyaring masama?" Tanong ko
"'Yun din ang kutob ko pero walang may nakakakilala sakanya kahit kami, nagpapakita siya sa screen dati pero anino niya lang ang pinapakita niya" sabi ni Fhem
"Kaya shadow ang pinatawag niya saamin dahil anino lang ang nakikita namin kapag kaharap siya" dugtong ni Crimsson
-
-
-
-PUTI
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(A/N: 15 chaps nalang paalam na.. stay safe!)
BINABASA MO ANG
Mystique 4 [COMPLETED]
ActionItong incidenteng 'to ang mumulat sa'kin. Kung sana pumayag agad ako hindi sana madadamay at aabot sa ganito. If being one of them is the only way I could get revenge and protect myself, then I'll be one. The new UNO. Started: 10-1-2020 Ended: 12...