TRIGGER WARNING:
- Physical Abuse"Oh, ako na diyan Ayka, umuwi ka na anong oras na. Ako na ang mag sasara ng shop" Sabi ni kuya Anton
"Sge po, salamat po" pumunta ako sa staff room at nagbihis nagtataka parin ako kung saan napunta si Steff madalas ang pagkawala niya bigla-bigla.
Pagkalabas ko ng staff room ay pumunta ulit ako sa CR para icheck kung may naka bukas ulit na gripo. Kanina kasi nakita kong nakaiwan na bukas ang gripo kaya nagmamadali akong patayin 'yon.
"Una na po ako kuya" pagpaalam ko kay kuya Anton
"Sige, ingat"
Paglabas ko ng cafè ay biglang lumakas ang ulan, gusto ko sana lakarin nalang ang dorm dahil walking distance lang naman ito sa cafè kaya nagantay nalang ako sa labas
"Kuya may payong po ba kayo?" Tanong ko sa guard
"Wala po ma'am eh" sabi niya
Naghintay nalang ako huminhin ang ulan sa labas ng cafè. Ng may humintong kotse sa harapan ko at may lumabas na lalaking mid 40 na naka longs sleeves na polo
"Pa?" Nagulat ako ng nakita ko si papa lumabas ng sasakyang may hawak na payong.
"Kanina ka pa ba?, kumain ka muna sa bahay" alok niya
"Pero-" hindi na ako nakapagsalita ng putulin niya ito
"Anak, minsan na nga lang tayo magsamang kumain tatanggi ka pa" nag-aalalang sabi niya
"Sge po" ngumiti ako at pumasok sa kotse
"Ilang taon ka ng nagtatarabaho doon sa cafè nak?" Tanong niya habang nag d-drive
"Bago lang po, nung nag hiwalay na kayo ni mama" ngumiti ako ng papilit
"So last year lang?" Tanong niya
Tumango lang ako at hindi na siya nag tanong pa hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay
Inalalayan niya akong tumuloy at pinaupo muna sa kanilang sofa
"Hon, nandiayan ka na pala-". Nawala ang ngiti ng babae nung nakita niya ako
"Nandito pala ang anak mo" bumaba siya sa hagdan
"Hello po" pumilit akong ngumiti at hinawakan ang sling ng slingbag ko na naka suot saakin
"Ahm, dito muna siya kakain, dahil malakas ang ulan salabas kaya dinala ko nalang siya" sabi ni papa
"Manang, handa na ba ang pagkain?" Tanong ng bagong asawa ni papa na si Tita Martha
"Yes po ma'am"
"Daddy, you're home na pala" Bumaba naman ang anak ni Tita Martha sa una niyang napapangasawa, basically hindi siya anak ni papa
"Yes dear" hinalikan niya ito sa noo
Hindi ko alam pero pinipigalan kong lumabas ang luha sa mga mata ko sa tuwing nakikita ko ang bond Claire at papa
BINABASA MO ANG
Mystique 4 [COMPLETED]
ActionItong incidenteng 'to ang mumulat sa'kin. Kung sana pumayag agad ako hindi sana madadamay at aabot sa ganito. If being one of them is the only way I could get revenge and protect myself, then I'll be one. The new UNO. Started: 10-1-2020 Ended: 12...