25- MISSION START

11 2 1
                                    

Third Person's POV

Bumaba na si Miguel na hawak hawak ang styro na may nakasulat na 'balut' pero ang laman lang talaga n'on ay Baril

"Madami sila" sabi ni Miguel sa earpiece. Nakatago siya ngayon sa isang puno. Pumunta siya sa harapan dahil bebentahan niya ng balut ang mga tao sa labas.

Sa una hindi niya pa gusto ang plano, dahil unang misyon niya daw tapos tagbebenta ng balit ang role niya. Hindi daw makatarungan, pero wala na siyang nagawa dahil utos 'yon ni Ayka. Malakas daw si Ayka sakanya

"Sir gusto niyo po ba balut?" Tanong niya sa limang lalaki sa harapan niya

"Walang may gusto, alis!" Tinaboy niya ito pero hindi parin gumalaw si Miguel

"Sige na boss, tamang tama lima nalang" pagmamakaawa niya

"Ang kulit naman nito oh!" Lalabas na sana ng baril ang isang lalaki pero pinigilan siya ng kasamahan niya

"Magkano ba 'yan?" Tanong niya

"Trese ho isa, pero kapg bilhin niyo lahat singkwenta nalang" ngumiti ito

"Sige bilhin ko lahat 'yan. Para umalis kana" kinuha ng lalaki ang wallet niya

"Sandali lang boss ha" dahan-dahang kinuha ni Miguel ang baril aa styro, at agad pinutok sa lalaking nasa harapan niya. Dali dali namang nagkuha ng baril ang apat pang lalaki pero binaril na agad ni Miguel ang dalawa. Sinipa niya sa leeg ang isa at sinuntok sa mukha ang huling tauhan. Hingal na hingal siya matapos mapatumba ang limang lalaki na mag-isa.

"Clear" sabi niya sa earpiece at hinintay sila Ayka na makalapit sakanya.

"Oh eto" inabot sakanya ni Ayka ang itim na mask at agad niya naman sinuot ito

Dahan dahan nilang binuksan ang gate, at tinignan ang mga naka-kalat na tao sa mini field ng bahay, mesyo malayo pa ang actual na bahay sa gate kaya maraming naka-kalat na mga tao at mga halaman.

"Dos, 3 o'clock. Tres 9 o'clock and kuwatro samahan mo ako hanapin si Jasper. And please don't make noise as much as possible" tugon ni Ayka at agad naman silang kumalat

Agad na yumuko si Fhem at nag tago sa isang halaman, may limang lalaki na nagbabantay, binaril niya ang isa para ma-alrma silang lahat. Ng napansin ng mga lalaki na nabaril ang isa sa mga kasamahan nila agad nila dinampot ng mga kanilang baril na nakaipit sa kanilang mga slacks at hinanap kung saan galing ang putok ng baril.

"Pstt!!" Kinuha ni Fhem ang atensyon nila at binaril nila ito, pero gumulong ito palabas sa tinataguan niyang halaman at lumuhod para barilin ang isa pa sa mga tauhan.

Kinuha niya ang kutsilyo na naka ipit sa boots niya at binato sa isang lalaki, kaya dalawa nalang ang naiwan, patuloy parin ang pag babaril sakanya kaya napatago siya sa malapit na puno, hinihintay na maubos ang bala nila, ng may napansin siyang mga yapak patungo sa tinataguan niya ay agad siyang nagpakita, akmang suntukin siya ng isa pero hinawakan niya ang kamay nito at inikot sabay tulak pababa, at binaril niya ang isa, inayos niya muna ang bangs niya matapos niyang ptayin ang limang tao, dumiretso siya para tulungan si Crimsson na otso ang kalaban.

Sa kabilang dako. Si Ayka at Miguel ay may nilalabanan sa loob ng mansion. Dumiretso si Ayka sa kaliwa at binaril ang tatlong nag babantay. Si Miguel naman ay tumungo sa kanan at binaril ang isang lalaki. Sabay silang umakyat at hinanap 'kung saan si Jasper. Pagka-akyat nila nakit aagd nila ang lalaking naka coat na itim palabas ng isang kuwarto na may hawak na brief case at baril.

Nang nakita niya si Miguel at Ayka binaril niya ito pero agad napatago ang dalawa sa pader. Agad na tumakbo si Jasper palabas pero napasunod si Ayka at tinalon ang ikalawang palapag para maabutan si Japser sa baba. Napadapa silang dalaw.

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon