13- THE BIRTHDAY SURPRISE

20 4 0
                                    

Sabado ngayon at pagkagising ko ay naligo agad ako, wala naman akong pupuntahan at wala akong shift dahil binigyan ako ni Ms. A nang break dahil Birthday ko ngayon.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at sinimulan ulit ilagay ang mga gamit sa maleta, hindi pa ako nakahanap nang dorm na mura dahil wala akong makita, usually sobrang mahal na.

Natapos ko naman ang pagkipat nang mga gamit ko sa maleta at kay Steff nalang ang naiwan, hindi pa ako sigurado kung iiwan ko ba 'to or ilagay din sa maleta, hindi ko naman alam kung saan ko to dadalhinZ

Halos maghapon nang natapos ako kaya pumunta ako sa isang bakery para bumili nang cake para sa sarili ko.

"Salamat po" inabot ko ang bayad ko at kinuha rin ang maliit na chocolate cake na binili ko. Saka ako pumunta sa isang fastfood chain para kumain mag-isa

Matapos kong mamili nang ulam ay umupo rin ako sa bakanteng mesa at nilabas ang cake

'Happy 18th Birthday Ayanna'

Ngumiti ako nung nakita ko ang nakalagay sa cake. Tinusok ko ang kandila at sinindihan ito. Pumikit muna ako at nagwish.

"Happy Birthday to you" mahinang kanta ko at inihipan ang kandila, pumilit kong ngumiti pero ba't parang ang lungkot naman 18th birthday ko ako lang mag-isa

"Eto ba po ma'am" nilapag nang babae ang inorder kong isang piraso nang fried chicken at kanin tapos dalawang burger para sana mamayang gabi ang isa

"Happy Birthday po ma'am" ngmiti ang babae sa pagbati saakin

"Salamat po, gusto niyo po ba cake?" Alok ko

"Okay lang po ma'am. Enjoy" at umalis na siya

Sinimulan ko namang kainin ang inorder kong manok at burger. Pagkatapos non ay kumuha rin ako nang isang slice nang cake, at dahil hindi ko naubos ibinalik ko ulit sa box at dumiretso ako sa simbahan.

Nangnatapos na akong mag simba ay lumabas ako at ay maynakita akong matanda na nakaupo sa sahig nanlilimos, tinignan kong hawak kong box nang cake at isang burger. Naisipan kong tabihan siya nang upo at inalok sakanya ang burger na hawak ko

"Lolo ito po oh" binigay ko ang burger na hawak ko

"Salamat hija" ngumiti siya at kinuha ang burger

"Saan ka po nakatira lo? Ba't magisa ka lang dito?" Tanong ko, nakaupo kami pareho sa sahig sa labas nang simbahan

"May isa akong anak nagbabantay sa asawa ko dahil mayroon nang sakit" paliwanag niya "kaya nandito ako baka sakaling makahanap nang tulong" kinagatan niya na ang burger

"Pasensya na Lo ha, 'yan lang talaga ang maibibigay ko. Pati ako hirap 'rin kumita e. Alam mo Lo birthday ko ngayon" ngumiti ako at ngumiti rin siya nang sinabi kong birthday ko

"Talaga ba? Happy Birthday hija" mas lumawak ang ngiti niya. Na tiyak nakakagaan sa puso

Biglang nagring ang cellphone ko, tumayo muna ako at sinagot 'yon.

"Hello?" Tanong ko

"Ate! Happy Birthday!" Ngumiti ako nang narinig ko ang boses ni Marco

"Salamat, ingat kayo diyan ha" sabi ko

"Ate punta tayo sa mall, pinilit ko si mama na pumunta tayo sa mall na tayong dalawa at napapayag ko naman siya" at tumawa ito, pumayag narin man ako dahil minsan ko lang makasama ang kapatid ko.

"Lo una na po ako, uwi ho kayo nang maaga eto po" inabot ko ang 100 pesos at pati na rin yung cake na dala dala ko

"Salamat, mag ingat ka.." napahinto siya

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon