10- THE UNFOLD

23 5 1
                                    

Nagulat ako nang nakita ko ang nakasulat, tinignan ko kung may tao sa paligid ko pero lahat sila ay pumasok na sa kani-kanilng kuwarto tanging ako nalang ang nasalabas.

Pumasok ako sa kwarto habang nasa kamay ko ang sulat. Pagsira ko nang pinto sumandal agad ako doon.

Isa ba 'to sa mga inutos ni Calixton? Una yung mga tauhan niya, ngayon naman isang sulat? Sumusobra na talaga siya

Nilagay ko ang gamit ko sa mesa at nakita ko naman ang ID na ibinigay ni Steff, katabi nito ay yung ID rin na binigay nang lalake dati, kasabay nitong papel na may tuldok at guhit lang naman ang nakasulat.

"Sino ba talaga kayo?"

"Ano ba talaga kayo?"

Tanong ko sa sarili ko.

May kumatok sa pinto, kinabahan ako bigla pero tinawag ako nang isang borders dahil magtitipon raw. May sasabihin raw ang anak nang landlady, kaya agad naman akong lumabas

"Pinatawag ko kayong dito para mabigyan pa kayo nang araw na magligpit" pangunguna nang anak ng landlady

"Bakit ano ba mangyayari?" Tanong nang isang boarders

"Ipapa sira na namin tung dorm, dahil may bumili na, at ang gusto niya gagawin itong tirahan nang mga empleyado niya" agad naman napaingay ang mga kasamahan ko, wala na akong tirahan

"Paano na kami? Ang unang nakabayad?" Reklamo nang isa

"Ibabalik namin ang mga bayad ninyo para sa ngayong buwan"

"Saan naman kami titira?" Tanong naman nang isa

"Kaya sinabi ko ngayon dahil sa susunod na buwan lilipat na ang mga bagong titira dito, wala na ako magagawa diyan basta meron kayong dalawang linggo para ligpitin ang gamit ninyo"

At umalis na siya, maraming umangal dahil ito ang pinaka mura at pinakamalapit sa paaralan na dormitoryo. Mahihirapan nanaman sila sa paghahanap nang panibago

Pumasok ulit ako sa kwarto para magpahinga, bukas ko na simulan magligpit, hindi ko alam kung isasali ko pa ang kay steff

Kinaumagahan na at sinumulan ko na kaagad ang pagligpit nang mga gamit ko, mamayang hapon ay hahanap ako nang lugar na mura at kung saan ako pwedeng tumira. Nilagay ko ang mga damit ko sa isang maleta. Dalawang araw nalang birthday ko na, wala na man talaga akong handa minsan hinahandaan ako sa cafè.

Nang matapos kong ilagay ang mga damit ko sa maleta ay sinunod ko naman ang mga iba ko pang gamit, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga gamit ni Steff, ni hindi ko nga alam kung saan yung burol niya.

Nang naalala ko ang nangyaring 'yon nalungkot ako bigla, wala na talaga siya

Binuksan ko ang cabinet niya at sininulang ilabas ang kanyang maga damit. May nakita akong maliit na kahon sa pinakadulo nang cabinet niya at kinuha ko 'yon nang napansin kong medyo mabigat binuksan ko ito.

Napatalon ako nang nakita ko ang laman nito.

Baril

Patalim

At gwintas

"Bakit meron nito dito?" Tanong ko sa sarili ko. May mga nakakalat rin na papel doon, binasa ko ang mga ito, halos mga death threats ang nandito pero may isa talagang sulat na naka agaw nang pansin ko

'Alam ko kung sino ang tatay mo, humanda ka. Isusunod ko na ang kaibigan mo'

Bumilis ang tibok nang puso ko, natatakot ako, sa dami-daming tao dito sa mundo isa lang ang naisip kong pwede gumawa nito.

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon