Alas singko ako nagising dahil lunes ngayon, kailangan kong umalis ng maaga para hindi maabutan ng traffic, pagkalabas ko ng banyo ay gising na rin si Krystal.
Sinabihan ko siyang mauna na ako at hindi naman siya umimik.
Pagkapasok ko wala pang tao sa classroom kaya nireview ko muna kung may mga hindi pa ako nasagutan sa modules.
Palapit ng palapit ang time padami na padami din ang mga dumadating na estudyante, nag halfday lang kami dahil umpisa na daw ng Christmas break namin kaya dumiretso agad ako sa cafè.
Pagpasok ko nagulat ako sa dami ng costumer na nakapila, bininilisan rin ng isang barista ang pag gawa ng mga orders at todo pindot naman si kuya Anton sa screen.
Sinuot ko agad ang apron ng cafè at tinali ang buhok ko, pina-andar ko na rin ang isang computer para ma hati na ang pila.
"Hi ma'am what can I get you tod-" hindi ko na natapos dahil nakita ko si Stephanie sa harapan ko
"What?" Tinaasan niya ako ng isang kilay
"What's your order po?" ngumiti ako
"Strawberry milkshake, and isang cinnamon toast" tumango naman ako habang nakikinig sa orders niya. Sinabihan ko muna siyang maupo dahil iseserve ko naoang ang toast niya sabay ng milkshake.
"Here's your order ma'am" nilapag ko sa mesa ang mga inorders niya at bumalik na sa cashier.
Sumusulyap ako paminsan-minsan sa puwesto ni Stephanie. Nakasuot siya ng specs at nagbabasa ng libro.
Alas syete na ng wala ng tao sa loob ng cafè, tinext ni Ms. A si kuya Anton na mag early close kami kaya nilinis na namin ang cafè. Alas otso na ng matapos kaming mag linis at sinara na namin ang cafè pagkatapos.
Naglalakad ako ngayon dahil wala masyadong dumadaan na sakayan. Tinyaga ko nalang na lakarin papuntang dorm kahit medyo malayo 'yon.
Alam ko. Alam ko na hindi lang ako nag-iisa na naglalakad. Rinig ang mga yapak at hula ko hindi lang ito isa. Wala masyadong dumadaan na tao at tanging ilaw lang galing sa poste ang nagsisilbing liwanag.
Binilisan ko ang paglakad, pero bumilis rin ang yapak na sumusunod saakin, hindi ako sigurado pero sa palagay ko ay isa ito sa tauhan ni Calixton. May humablot sa kamay ko at pilit akong hinarap.
Dalawang lalaki na nakasuot ng itim na coat, hindi pamilyar ang mukha nila pero ang ngiti na ala demonyo ang nakikita ko sa kanilang mga labi, kunin ko na sana ang salamin ko gamit ang isa kong kamay ngunit may humila sa leeg ng lalaking nakahawak sa kamay ko.
"Sino ka?!" Kumuha ang isang lalaki ng baril at tinutok sa babaeng sumulpot
"Steph?" Nagtatakang tanong ko
Sinuntok niya ang kamay ng lalaki na may hawak na baril at sinipa ang panga niya, kaya napatumba ito, hinila niya ang dalawang walang malay sa isang sasakyan.
Ng mapasok niya na ito sa likod, Tumingin siya saakin.
"Just pretend that you didn't see me" at pumasok na siya sa sasakyan sabay andar nito.
Naiwan akong tulala, at maring katanungan. Bumabagabag sa isipan ko hanngang sa nakarating ako sa harap nh dorm.
Pagpasok ko nakita ko si Krystal nagbabasa ng libro. Enero na ngayon at malapit nang matapos ang pasukan.
Pinupunasan ko ang buhok ko dahil kakagaling ko lang sa banyo at buglang nagtanong si Krystal.
"Ayanna, naalala mo pa ba 'yung boyrfriend ko?" Tanong niya prro hindi ako umimik
BINABASA MO ANG
Mystique 4 [COMPLETED]
ActionItong incidenteng 'to ang mumulat sa'kin. Kung sana pumayag agad ako hindi sana madadamay at aabot sa ganito. If being one of them is the only way I could get revenge and protect myself, then I'll be one. The new UNO. Started: 10-1-2020 Ended: 12...