19- LADY IN BLACK

12 3 1
                                    

"Hello everyone I'm Stephanie Ellaine A. Mortel, 19. And I'm happy to meet all of you" ngumiti siya

Tinitigan ko lang siya sa harap, natutulala, hindi ma proseso sa isip ko. Ba't umiba siya ng second name? Ba't 'Mortel' na ang gamit niya?

Umupo siya sa kabilang row dahil may bakanteng upuan doon, isa isa namin na meet ang subject teachers at isa isa rin nila binigay ang modules na tinatawag, akala ko tig tatatlong page lang pero halos mabilaukan ako ng nagbigay dila ng tig bebenteng pages per subject, paano ko to sasagutan ng apat na araw.

Napasapo nalang ako sa noo ko, matapos maibigay ng last subject ang module niya, sasagutan ko kaagad to, ayaw kong matambakan

"Steff?" Tanong ko dahil Recess na, nilapitan ko siya sa upuan niya para tanungin kung bakit siya nagpalit ng pangalan.

Dahil si Steff talaga 'to hindi ako nagkakamali, magkaprehas ang hugis ng katawan, ang buhok, ang mukha at ang height nito.

Tiniklop niya ang binabasa niyang libro at hinarap ako

"Yes? Do I know you?" Tanong niya

"Ba't ka nagpalit ng pangalan?" Tanong ko

"But this is my original name" wika niya

"Hindi, kasama tayo dati diba? Sa MPU?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko

"What? Anong MPU?, Sino ka ba?" Iritang wika niya

"Si Ayka, hindi mo ba naalala, ako 'yung kasama mo ng namatay-"napahinto ako sa sinabi ko at tumawa nalang, siguro hindi nga talaga siya si Steff, nakita ko kung paano siya namatay e, imposible namang mabuhay

"Namatay?" Tanong niya

"Ah, wala wala. Nice to meet you.?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung ano itawag ko sakanya

"Ellaine, just call me Ellaine" patuloy niya at tinuon ulit ang atensyon sa binabasa niyang libro

"Oo mas maganda if Ellaine, you reminded me of my friend, your features and name, magkaparehas" sabi ko at hindi ko alam ba't ko inopen 'to

"Okay?" Patanong na sabi niya at nagbasa ulit ng libro

"Class Dismissed" tumayo agad ako at kinuha ang bag ko at dumiretso sa Chayson, magkita daw kami doon dahil may training.

"Dito lang ho.. Ito po pamasahe" abot ko sa tricycle ng makbaba ako sa tapat ng bahay kung saan ang Chayson

Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob, hihilahin ko na sana ang lamp pero naalala kong wala akong C. Card kaya hindi rin naman ako makapasok. Kaya naghintay nalang ako sa sala at nag sagot ng module na binigay. Nakaupo ako ngayon sa sahig at ang sinasagutan ko ay nakapatong sa coffee table.

"Oh you're here" bungad ni Crimsson

"Si Fhem?" Tanong ko

"May aasikasuhin daw muna, kaya nauna na ako" sabi niya at binuksan ang polo ng uniform niya kaya kita ang puting T-shirt na soot niya

"Baba na ba tayo?" Tanong ko at tumango naman siya. Niligpit ko muna ang mga gamit ko at nilagay sa baba at bumaba na

"You look good" puri niya ng nakapasok na kami sa Chayson

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon