9- ESCAPE FROM SIGHT

28 5 0
                                    

Paalis na ako sa school nang may nadatnan akong isang lalaking titig saakin, sa una hindi ko 'yon pinansin pero habang naglalakd ako sunodd -siya nang sunod hanggang sa nakalabas na ako nang gate.

Naglalakad ako papuntang dorm at napansin kong wala na siya sa likuran ko kaya nakahinga ako nang maluwag, binuksan ko ang pintuan at nilapag sa mesa ang mga gamit kong naiwan at humiga sa kama. Napaisip-isip ako, kamusta kaya si Steff, iniwan niya akong maraming katanungan.

Bumangon ako at tinignan ulit 'yung ID na ibinigay niya saakin dati, inobserbahan ko 'yon

"Ano kaya to?" Tanong ko sa sarili ko

Nandito ako ngayon sa Staff room nang cafè dahil may shift ako, lumabas ako at nakita ko ulit si
Ms. A na kinakausap si kuya anton, pasado alas kuwatro na kaya dumadami na ang mga costumer

"Ayka, okay ka lang ba? I heard wala na si Steff"nagaalalang tanong saakin ni Ms. A

"Opo, wala na rin man akong magagawa" ngumiti ako nang mapait

"Ms. A" tawag ko ulit

"Yes?" Tanong niya

Nag-dadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi, pero kailangan kong sabihin dahil siya ang nag papa-aral saakin

"W-wala na po ako sa- sa MPU" I sighed

"Ah- eh bakit?" Utol utol niya na tanong

"Pina-alis po ako" yumuko ako, hindi ko alam kung anong idahilan ko pero baka hindi naman kasi siya maniniwala na yung bagong principal ang pumatay kay steff at kay Sir. Mortel

"Aba bakit naman? Gusto mo puntahan natin?" Akma na sana siyang aalis pero pinigilan ko na

"Huwag na po, mag fu-fulltime nalang po ako dito bilang pasasalamat dahil pina-aral mo ako" ngumiti ulit ako

"Sigurado ka Ayka?" Tanong niya

"Opo, salamat po" ngumiti ako at niyakap siya, Si Ms. A ang naging nanay-nanayan namin ni Steff, kaya nagpapasalat akong nakilala ko siya

Bumalik ako sa counter para tulungan sana si Kuya Anton sa paglilinis nang pinaggamitan pero naalala ko na may sugat pala ako sa kamay, kaya nag alok nalang ako na lalawag nang mga orders nang costumers.

Ilang minuto rin ang nakalipas at mag aalas singko na nang tinawag ako ni kuya anton

"Ayka pwede ka bang bumili nang cocoa powder, doon sa palagi nating binibilhan?" Tanong niya kaya um-oo ako

Nang nakabili na ako at naglalakad na pabalik nang cafe may napapansin akong lalaking sunod nang sunod saakin. Kagaya nang kanina nakasuot siya nang itim na coat pero ibang mukha naman ito .

Sinubukan kong bilisan ang lakad ko pero binilisan niya rin ang sakanya, tinignan ko ang relos ko at mag aalas singko bente na, lumiko ako para sana siguraduhin kung sinusundan niya talaga ako pero lumiko rin ito. Hindi ko na alam kung saan ako papunta at hinahayaan nalang na dalhin ako nanag sarili kong paa kahit saan para lang makaiwas sa lalaking sunod nang sunod saakin.

Lumiko ako at dederetso sana pero wala na akong malilikuan, tanging basurahan nalang ang nakikita ko, kinakabahan na ako hindi ko alam kung ano ang gagawin. Tumalikod ako at nakita ko siya na nakatayo na sa likuran ko

"Wala ka nang kawala" ngumiti siya at nilapitan ako

"A-anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong. Hawak hawak ko parin ang binabili saakin

"Sumunod ka" tinutukan niya ako nang baril pero may napnsin ako sa likod niya. Isang babaeng nakasuot nang polong puti na may ribbon na nakatali at naka tucked-in sa pulang palda na abot hanggang tuhod, nang napansin kong MPU unifrom 'yon tinignan ko kung sino

Si Krisha

"Don't you dare touch her" tumalikod yung lalaking nakasunod saakin kanina  itinutok kay Fhem and baril pero sinuntok niya ito sa may bandang panga kaya medyo na out of balance yung lalake at naagaw bigla ni Fhem ang baril sakanya. At ngayon si Fhem na ang may hawak na baril at itinutok sa lalaki sobrang bilis.

"Mabilis ka bata" tumawa siya "Sino ka?" tanong niya

"Ikaw, sinong nag utos sayo na sundan si Ayanna?"

Lumapit ako kay Fhem, napasobra ang kaba ko buti nalang dumating si Karisha pero bakit alam niya paano makipaglaban? ang alam ko lang she is sweet at sobrang girly but sino nga ba magaakala. There's always a mask that cover people's true aura.

"You will never know, we will put you in grave" tumingin saakin ang lalaki "Pati na rin ikaw" tinignan niya si Fhem

"As if naman natatakot ako" tinapon ni Fhem ang baril na hawak niya sa lalaki

"start counting, your death is near" tumayo siya at nilagpasan kami

Inayos lang ni Fhem ang bangs at ang pagkatali nang buhok niya

"salamat, ulit" sabi ko

"Ayka, be careful starting now dahil wala na si Steffanie" sabi niya at umalis na, hindi ko maintindihan yung sinabi niya

Kilala niya si Steff?


dali dali akong pumasok sa cafe para ibigay ang pinabiling cocoa powder

"ba't natagalan ka?" tanong ni kuya Anton

"Ah maraming po kasing pila" pagsinungaling ko

alas nuwebe na at nag ma-mop na ako nang sahig dahil mag sisira na ang cafe maya maya. Inarange ko rin ang mga upuan. kami nalang ni Kuya anton ang naiwan dito.


"Una na ako Ayka, uwi agad ha" ngumiti si kuya anton pagkatapos niyang isara ang cafe. palakad na ako papuntang dorm. nang nakarating na ako ron may nakita akong dalawang sasakyan nang pulis at isang ambulansya, tumakbo agad ako para malaman kung ano ang nangyari, nakatumpok lahat nang mga boarders sa harap nang kwarto nang landlady.


"Tabi, Tabi" sabi nang mga lalaki atagad naman bumigay daan ang mga taong naka tumpok. Bit-bit nang dalawang lalaki ang isang bangkay na nakasakay sa stretcher

"Sino 'yan" tanong ko sa isang boardmate

"yung landlady" direktang sabi niya hbang tinititigan parin ang kwarto

"ano nangyari" tanong ko

" Tinatawag daw siya nang isang boarder para sana magbayad pero pagbukas nang kwarto nakita na raw itong may sak-sak" nagulat ako sa narinig ko

" Natatakot na talaga ako"

"Alis na kaya tayo dito"

"oo nga delikado na"

narinig kong usap-usapan nang mga boardmates

Sino ang pumatay? baki may nagkakamatayan na dito sa Dorm. Dumiretsoko sa kwarto ko at may napansin akong sticky notes na naka dikit. kagaya dati nung namatay ang isang boardmates may naka dikit rin sa pintuan pero sabi ni Steff bills lang daw pero nung binasa ko ito iba ang nakalagay

'IKAW NA ANG SUSUNOD'

-
-
-
-PUTI

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon