SPECIAL CHAPTER 03

15 3 0
                                    

10 years later

Naging busy kami ng mga kaibigan ko kaya minsan nalang kami magkita kita o mag usap, for the past 5 years hindi kami nagusap.

I smile as I walk towards my classroom

"Good morning teacher Ayanna" Ngumiti ako sa mga batang bumati saakin pagkapasok ko ng classroom

"Okay class, before we begin. Let's start with a prayer. Felix would you like to lead the prayer?" I asked one of my students

After the prayer ay nag umpisa na ako mag lesson, it's about colors if you're wondering.

"Very good" Bati ko ng mahulaan nila ang color na pinakita ko sa screen. Habang nagtuturo ako ay biglang may pumasok na dalawanh lalaki na may dalang baril sa room.

"Taas ang kamay!!" Biglang nagsigawan ang mga estudyante ko

"Class stay calm" pagpkalama ko pero hindi umepekto

"Nasaan si Felix Renoldo" tanong ng isang lalaki, habang ang isa naman ay nakatutok sa akin

Tinuro ng mga estudyante ko si Felix Renoldo at agad naman siya nilapitan ng lalaki.

"Teka saan niyo siya dadalhin?" Tanong ko

"Wag ka ng magtanong!"

"Class!!" Bigla naman tumingin saakin ang lahat

"Please hide under your table now!" Galit kong utos sa mga estudyante ko, agad naman silang nagtago "And cover your eyes with your hands" utos ko ulit at sinunod naman nila agad ito

"Icluding you felix, cover your eyes" utos ko sa estudyante habang hawak ito ng mga armadong lalaki

"At kayong dalawa, iiwan niyo ang bata!" Utos ko sa mga lalaki Pero wala silang imik, at dumiretso lang sa may pintuan.

Kinuha ko ang cutter sa drower at pinalabas ang blade sabay tapon sa likod ng ulo ng lalaki. I still have that skills

Lumapit ako sa isang lalaki na may hawak kay Felix. Sinipa ko ang binti nito, at siniko ang panga. Nang nahilo ito ay inikot ko ang kamay niya and pinned him against the wall. Ng nakawala ito ay sinuntok niya ako sa may bandang mukha pero nailagan ko. Hinawakan ko ulit ang kaniyang kamay at binuhat ito pabagsak sa sahig hanggang sa mabagok ang ulo. Ng nawalan ito ng malay tinawagan ko agad ang mga police.

"Teacher" kinuhit ako ni Felix

"Bakit?" Natataranta kong tanong

"Nahihilo po ako" bumagsak siya sa sahig at tinawagan ko narin ang ambulansya.

Nang makarating ang ambulansya tinawagan ko kaagad ang mga magulang ng mga estudyante at tinext sa magulang ni Felix ang address ng hospital.

"Doc, bigla lang po siya natumba" sabi ko agad sa doctor pagkababa namin ng ambulansya

"Ayka?"

"Crimsson?"

"Dito ka pala nagtatrabaho?" Tanong ko at tumango siya

"Ano nangyari?" May mga lalaki na gusto siya kunin, may mga dalang armas

"Nurse paki check ang vitals, Ayka kami na ang bahala" tugon ni Crimsson kaya pinabayaan ko muna sila. Inayos ko ang uniform ko dahil nayukot ito

"Miss, ikaw ba ang Teacher ni Felix-" nagulat kami parehas

"Fhem?" Tanong ko sa babaeng naka short hair at naka pansuit na pink sabay suot ng shades at pulang lipstick

"Kaano-ano mo si Felix?" Tanong ko

"Anak siya ng amo mo" sabi niya

"Ano ka ba?" Tanong ko ulit

"Body guard" tumawa siya

"Ikaw ba ang techer ni Ayka?" Nagtanong ang isang lalaki na pormal ang suot. At tumango ako, "nandoon po siya sir." Sinamahan ko sila papunta kay Felix na nakahiga

"Kamusta po doc?" Tanong ko kay Crimsson

"Wala namang dislocations or bleeding na nangyari. Na shock ang bata kasi siguro sa pagtutok ng baril" explain ni Crimsson

"Angas mo ah" mahinang sinuntok siya ni Fhem sa braso

"Pwede ka po ba makuhaan ng statement kung ano ang nangyari?" Nilingon ko kung sino 'yon at may isang lalaking nakasuot ng police uniform na nagtanong sakin

"Oh nandito ka rin?" Tanong ni Fhem

"Miguel?" Tawag ni Crimsson

Kinindatan lanh kami ni Miguel "SPO1 Miguel Alcantara" ngumiti siya.

"Karisha, pakibantayan muna ang anak ko, susunduin ko muna ang asawa ko" utos ng amo ni Fhem

Kinuwnto ko sakanila kung ano ang nangyari ng may sumingit,

"Hello miss, are you my son's adviser?" May nagtanong na babaeng nakashades

Hunarap ako "Yes ma'-" nahpahinto ako nung nakita ko kung sino ito

"Steff?"

"Ayka!!" Niyakap niya ako

Timignan ko si Fhem "Ba't hindi mo sinabi na amo mo pala si Stephanie?" Tanong ko

"Hindi ko rin alam na asawa pala siya ni sir. Sabi kasi ni sir nasa states daw ang asawa niya" paliwanag ni Fhem

"Ay oo, kakadating ko lang, ganito pa ang madatnan ko, ano ba kasi ang magyari?" In-explain ko sakaniya ang nangyari kanina

"So they are after my son now" tinanggal ni Stephani ang shades niya

"Bakit anong meron?" Tanong ko

"Basta pero just in case. May I ask you all a favor?" Tanong ni Stephanie

"Are you willing to protect my son? Titos and Titas?"

-
-
-
-PUTI

Grabehan naman ang limang update. Facts and note na ang next

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon