Tunalikod ako para harapin ang batang yumakap saakin
"Ate, namiss kita" niyakap niya ulit ako
"Oh Marco, Okay ka lang ba? Kamusta pag-aaral mo?" Bumitaw siya sa pagkayakap
"Andami mo namang tanong Ate" he giggled
"Hindi ba pwedeng mamiss ang baby brother ko?" Ngumuso ako
" 'Di na ako baby ate" tinupi niya ang dalawang kamay niya sa dibdib niya
"Ah ganon ba? Seven years old hindi na baby?" Tinaasan ko siya nang isang kilay
"Hindi na" tanggi niya
"Hindi na baby pero umiihi parin sa kama?" Asar ko sakanya
"Ate naman" halos maiyak na na sabi niya
"Marco ano ba kung saan saan ka pumupunta-" tinignan ko ang babaeng pumunta sa tabi ni Marco at ngunitian ko siya nang matipid pero tinignan niya lang ako nang masama
"Hi ma" yumuko ako
"Tara na" sabi niya kay Marco at hinawakan ang isang kamay nito
"By ate?!" Masiglang paalam niya
"Ba-Bye" ngumiti naman ako at kumaway sakanya, inobserbahan ko lang sila hanggang mawala sila sa paningin ko
"Hoy!" Bumalik ako sa katinuan nang pitikin ni Miguel ang noo ko
"Aray! Ano ba?!" Reklamo ko habang hinihimas parin ang noo ko
"Kanina ka pa diyan tulala" sambit niya
"Pake ko ka diyan, sabi ko gusto mo? Cotton Candy?" Tanong niya
Pumayag naman ako at nagpasabay nalang ako sakanya nang cotton candy
"O eto" inabot niya saakin ang cotton candy na nakabalot sa stick
"Salamat"
"Kapatin mo 'yon?" Tanong niya
"Malamang" maldita kong sagot
"Taray"
"Bakit?" Out of nowhere niyang tanong?
"Anong bakit? Kung bakit magkapatid kami?" Tanong ko
"Bakit hindi kayo nagpapansinan, diba mama mo 'yon?" Humarap siya saakin. Tinitigan ko ang itim niyang mata
Yumuko ako "Half. Half brother ko siya" ngumiti ako nang matipid
"Half brother mo ang mama mo?" Tinignan ko siya nang masama
"Alam mo epal ka!" Galit kong sabi sakanya
"Hindi ko rin alam, I think hindi niya ako gusto since I'm not expected." Yumuko ako
"Expected sa?" Tanong niya
"They were drunk, and may mga partner sila when they made me" Masakit parin
"Paano mo nalaman?" Tanong niya ulit
"Sinabi saakin nang lola ko, she was the one who raised me, and I will treasure the lessons that I've learned from her from the very beginning. Siya nalang ang meron ako that time but suddenly she passed away" ngumiti ako nang mapait kagit na tumutulo na ang luha ko
BINABASA MO ANG
Mystique 4 [COMPLETED]
ActionItong incidenteng 'to ang mumulat sa'kin. Kung sana pumayag agad ako hindi sana madadamay at aabot sa ganito. If being one of them is the only way I could get revenge and protect myself, then I'll be one. The new UNO. Started: 10-1-2020 Ended: 12...