4- THE PRINCIPAL'S DEATH

27 5 1
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm ng napansin kong wala na si Steffanie sa kama niya. Sinuot ko ang salamin ko at tinext siya.

Me: Nasan ka?
Steff: May dinaanan lang saglit

Kinuha ko ang twalyang nakasabit at naligo na para pumasok, gusto ko pa sanang matulog pero sayang ang tuition, yan lang ang motibisyon kong pumasok sa paaralan sayang ang tuition!

Nang matapos ang klase namin sa umaga ay pumunta akong locker para magiwan ng mga libro, tinignan ko muna ang mga dinadaanan ko kung makasalmuha ko ba sila emerald pero wala naman

"Ayka" nagulat ako ng biglang sinara ni Steffanie ang locker ko

"Ano?" Tanong ko

"Sundan mo'ko dali" hinatak niya ako papuntang CR kung saan ako inapi last time, nakita ko ang magkagrupong si Emerald, Valerie, at Marfell nakatali ang kamay sa likod at nakaluhod. Umiiyak ewan ko kung bakit

"Ano to?" Nagtataka kong tanong

"Ano ginawa nila sayo?" Hitak niya ang buhok ni Emerald

Nagulat ako sa ginawa ni Steff kay emerald, halos mapangiwi na ito sa sakit

"Ano gusto mo gawin ko?" Nilapita niya ako

"W-wala" nau-utal akong sabihin 'yon nakakatakot si steff

Agad ko silang nilapitan at tinanggal isa-isa ang nakatali sa kanilang kamay. Nang matapos ko tanggalin isa isa tumayo naman silang tatlo

"Magbabayad kayo sa ginawa niyo" sabi ni Emerald at tinakbuhan kami

"Ba't mo tinaggal Ayanna?!" Galit na tanong ni Steffanie, tinawag niya na ako sa unang pangalan ko, halatang galit sa ginawa ko

"Steff kawawa naman, hayaan na natin" kumbinsi ko sakanya

"Sigurado ka ba?" Tanong niya ulit. At tumango ako

"Anong oras na ba?" Tanong ko papunta kami ni Steff ngayon sa cafè dahil nay shift pa kami

"Hindi pa tayo late" sagot niya

Pagpasok namin ay nakita namin ang may ari ng cafè at ang nag papaaral samin, Ms. Anella Ferrer o bilang kilalang Ms. A

As usual maraming tao sa cafè kadalasan estudyante parin

"Hi po Ms. A" bumati kami dalawa ni Steff. Gumagamda ito lalo in fact 43 years old na ito

"Oh, kamusta kayo? Mabuti ba ang pag-aaral ninyo?" Tanong niya

"Opo" sabay kaming sumagot ni steff. At nagtungo sa staff room para magbihis ng unifrom

***

"Oh tama na 'yan ako na ang magsasara, pwede na kayong magpahinga mga bata, mayklase pa kayo bukas" utos ulit ni kuya anton

"Sge po, salamat po kuya anton" pagpapasalamat ni Steffanie

"Una na po kami" pagpaalam ko pagtapos namin bumihis

Nilakad lang namin papuntang apartment dahil walking distance lang naman ito, nang biglang tumunog ang telepono ni Steffanie

"Oh? may kasama ako" pangunguna niya

"Saan?!" Nagulat ako ng tumaas ang boses niya nakikinig parin siya sa kabilang linya

"Sige hintayin niyo ako!" Binaba niya ang tawag

"Ayka mauna ka na sa apartment, may pupuntahan lang ako"

"Pero-" hindi na natapos dahil naguna na siyang tumakbo palayo saakin. Plano pa naman namin turuan niya ako ng math nauna na kasi silang mag quiz dahil magkaiba kami ng section, kaya magpapaturo ako

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon