Chapter 4

73 6 0
                                    


Cedric Braselton PoV.

~Coz it's 12:51 and i thought my feelings were gone

But i'm lying on my bed thinking of you again

And the moon shine so bright but i gotta dry this tears tonight

Coz you're moving on and im not that strong to hold on

Any longer ohhhh ohhhh~

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pag katapos kong marinig kumanta si bossing pero tangina pre napa hanga ako.

"Wag nga kayong maingay!" Pag babawal ko sa kanila ampotek ako kinakabahan eh mamaya mahuli kami ni bossing dito siguradong patay kami don literal.

"Where's Jensen?" Pabulong na tanong ni Damien samin.

"Wala pa eh," Sagot ni Ryan at tumingin sa relo nya.

"Scammer yun di yun darating," kaswal na sagot ni Clark at inayos ang bagsak pero magulo at basa nyang buhok, kakaligo lang ng pota.

"Tawagan mo nga," sabi ni Ryan.

Napa tingin ako sa kanya, "Ikaw naka isip bakit di ikaw gumawa?" Tanong ko.

"Ako na nga nakaisip tapos ako pa gagawa aba! Masyado naman ata kayong abusado mga walang ambag," reklamo nya.

"Ingay mo," sabi ko at kinuha ang cellphone syaka nag dial ng number.

"Oh?" Bungad nya sa kabilang linya.

"Where na ba you?Dito na us," sagot ko at lumayo ng bahagya sa kanila.

"Conyo mo gago! Otw na ako, excited ka naman makita kagwapuhan ko baby Ced HAHA!" Tingnan mo to hilig mang asar pero pag ginantihan asar na asar.

"Asa kagaguhan hindi kagwapuhan, sige na inip na inip na si Damien," hindi ko na sya hinintay pang sumagot at pinatay na anh tawag.

Lumakad na ulit ako pabalik kung nasaan sila. "Anong sabi?" Tanong ni Ryan.

"Otw na daw," simleng sagot ko at muling pinanood si bossing.

Siguro nag tataka kayo kung bakit kami nandito at anong gagawin namin dito, kung bakit? Wala din akong alam basta ang alam ko lang pakana ito ni Damien.

Jensen Brewer PoV.

Tangina kanina pa ako pinag papawisan ng malapot dito, hanep kanina pa kase may sumusunod sa akin at partidang ginawa ko na ang lahat para mailigaw sila pero hanep wala paden epekto.

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko at ng tingnan ko ang caller i.d ay si Cedric.

"Oh?" Sagot dito.

"Where na ba you? Dito na us," sabi nya sa kabilang linya.

"Conyo mo gago! Otw na ako, excited ka naman makita kagwapuhan ko baby Ced HAHA!" Awkward akong tumawa ewan kung nahalata nya ba yun, at muli akong tumingin sa side mirror ng sasakyan ko.

"Asa kagaguhan hindi kagwapuhan, sige na inip na inip na si Damien," sasagot pa sana ako kaya lang ay pinatay nya na bastos talaga.

Muli akong sumilip sa side mirror at pota may bari na. Jusko lord dito na ba ako mamatay?

Mafia Encounter Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon