Chapter 36

50 2 1
                                    


Third Person PoV.

Behind the huge door of a church there's a girl wearing a glamorous wedding dress, the happiness in her eyes is the evidence.

Sa katunayan pati ang puso nya ay tumatalon sa kasiyahan dahil sa wakas ay ang lalaking kanyang pinangarap ng ilang taon ay mapapasakanya na.

Ang mga bisita ay kalmadong nag iintay sa loob, mga business partners, elite person at kung sino sini pang may mga malalaking pangalan ang mga bisita sa loob.

Sa kabilang banda ay naka yuko lamang ang groom kung kaya't hindi makita ng iba ang reaksyon nya, hindi tuloy malaman kung masaya ba sya o hindi.

Sa pag bukas ng malaking pintuan ay ang pag tugtog ng awitin doon ay napa angat ang tingin ng groom sa bride.

Masinag ang lumulubog na araw kung kaya't hindi pa gaanong maaninag ang muka ny bride.

Dahan dahan na pumatak ang luha ng groom ng maaninag ang muka ng babaeng kanyang pakakasalan, "Luna," wala sa sarili nyang banggit.

Ngunit sa pag lapit ng bride sa kanya ay ang pag iiba ng muka nito dahilan para mariin syang mapa pikit, mapait syang ngumiti ng inakala nya na si Luna ay si Clarisse.

"Napaka saya ko Serg," sabi ni Clarisse at inangkla ang kamay sa braso ni Serg.

Hindi na nag salita pa si Serg, nais nyang iwaksi na lamang ang mga gumugulo sa kanyang isipan pero hindi nya magawa, may parte sa kanya na nag sasabing umalis at tumakbo na lang at may parte din na nag sasabing manatili.

Naguguluhan sya.

Yaan ang nasa isipan nya inakala nyang sigurado na sya na kakalimutan na lang si Venice pero nag kamali pala sya.

Pilit sinasabi ng puso nya na may oras pa para tumakas at piliin ang makapag papasaya sa kanya ngunit patuloy na binubulong ng isipan nya na makonsensya sya.

Nag litanya ang pari ng mga salita bago nag tanong ng, "May gusto bang tumutol?" Nais na ni Serg na itaas ang kanyang kamay pero hindi nya magawa.

Ilang sigundo na nag hintay ang pari kung may tututol ba ngunit walang nag lakas loob.

"Ikaw lala---" Naputol ang sasabihi ng pari ng may marinig silang sigaw ng isang lalaki na nag sasabing tumututol daw sya.

Iba't ibang bulungan ang maririnig mo sa bawat sulok ng simbahan, si Clarisse naman ay tila ba gusto ng mahimatay sa nangyayari.

"Tumututol ako," Maangas at walang takot na sabi ni Ryan habang lumalakad papunta sa aisle.

"F-father i-ituloy napo natin n-nababaliw napo ang lalaki na yan!" Kabadong sabi ni Clarisse.

"Baliw ako? Hindi ako Clarisse ikaw ang baliw." Seryosong sabi ni Ryan.

Gulong gulo na si Serg at hindi maintindihan kung bakit nakikielam si Ryan, somehow gusto nyang matuwa dahil dumating si Ryan.

"Hindi mo itutuloy ang kasal." May otoridad na utos ni Ryan.

Ryan Chua PoV.

"Hindi mo itutuloy ang kasal." Utos ko at hinawakan ko ang braso nya na pilit nyang hinahatak sakin.

"Ano ba nasasaktan ako!" Sigaw nya sakin, dinig na dinig ko ang bulungan ng mga tao pero wala na akong pakielam.

"T-teka nga Ryan ano bang meron?" Tanong nu Mr. Valera kaya naman tiningnan ko sya.

"Bakit hindi mo itanong kay Clarisse?" Sagot ko dahilan kaya tumingin sya kay Clarisse.

Mafia Encounter Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon