Third Person PoV.Sa isang kwarto ay wala kang maririnig kundi ang tunog ng makina at ang pag patak ng tubig sa gripo, naka bantay lang ang lima at tila nag papakiramdaman kung sino ang mauunang mag salita habang pinapanood ang payangpang pag tulog ng amo.
Kahit kating kati na ang dila ni Ryan na mag tanong kung ano ba talaga ang totoong nangyari ay hindi nya magawa.
"The heck i can't take this anymore, what's the exact happened Clark?" Tanong ni Damien at tila napangiti naman si Cedric at Ryan dahil sa pag tatanong na ginawa ng kaibigan.
Tila walang naririnig at naka tulala lang si Jensen hindi pa ata naa-absorb ng kanyang isipan ang mga narinig nya at nangyari kanina.
Maging sya ay hindi makapaniwala his mind full of follow up questions but he didn't know how to ask or who to ask with.
"And that's was exactly happened." Paliwanag ni Clark katulad ng reaksyon ni Jensen ay ganoon din ang naging reaksyon ng tatlo.
Hindi makapaniwala si Ryan, Cedric at Damien at napa tingin na lamang sila sa natutulog na amo.
Sa kabilang kwarto ay maririnig mo ang mahinang pag iyak ng isang lalaki habang naka hawak sa kamay ng isang babaeng natutulog ng mahimbing.
"Tama na Serg wag kanang umiyak ayos lang ang anak nyo at maya-maya lang din ay magigising na si Clarisse." Sabi ni Iris habang sinusubukang aluhin ang binata hindi sya makatingin ng diretsyo dito noong banggitin nya ang salitang 'anak nyo' dahil alam nya hindi naman talaga ito anak ni Serg.
Gusto man nyang sabihin ang totoo pero ayaw naman nyang mag dusa si Clarisse kaya kahit labag sa kalooban basta't makita lang nyang totoong masaya ang kaibigan ay handa nya itong itolerate.
Ang kaninang kwarto na tanging pag tangis lang ang maririnig ay natahimik at akala mo ba ay mayroong anghel na nag daan.
Lahat sila ay napatingin sa babaeng naka tayo sa pinto napa punas naman ng luha si Serg at hindi malaman kung ano ba ang kanyang mararamdaman ngayong nasa harapan nya ang babaeng pinaka importante sa kanya.
"C-clarisse? I-is she okay?" Pumatak ang butil ng luha ni Venice sa kanyang pisngi, sinisisi nya ang kanyang sarili sa nangyari sa kapatid kung noon pa lamang sana nya ito nalaman edi sana hindi umabot ang lahat sa ganito.
"A-ayos lang sya." Sagot ni Iris na hindi maka tingin sa dalaga.
Napa tingin naman si Serg kay Iris at tila nag hahanap ng kasagutan kung bakit nag may nakikita syang pag aalala sa babaeng minamahal nya gayung kaaway nya ito.
Naguguluhan sya, wala syang ediya sa mga nangyayari at hinihintay nya na lamang ang mga susunod na mangyayari.
"P-patawarin mo ako k-kapatid ko." Pag iyak ni Venice habang patuloy na binabanggit ang katagang patawad.
Ang lahat ay pinapanood lamang sya ng biglang mag mulat ng mata si Clarisse.
"Maari nyo ba muna kaming iwan sandali?" Pakiusap ni Venice, hesitate pero umalis din sila sa kwarto.
Nang makalabas ay agad na nag tanong si Serg kung ano ba talaga ang totoong nangyari.
"Mag kapatid sila at maniwala ka man sa hindi iyon ang totoo." Sagot ni Iris, katulad ng iba ay hindi rin sya makapaniwala sa nalaman nya at tanging tanong lamang na naiwan sa isipan nya ay 'Paano iyon nangyari?'
Samantala ay walang nag sasalita sa loob ng kwarto at nag papakiramdaman lang ang mag kapatid.
"Patawarin mo ako Clarisse hindi ko alam." Sabi ni Venice habang ang luha ay walang awat sa pag patak.
BINABASA MO ANG
Mafia Encounter Book 2 (Completed)
Romance6 years later... Please read the book 1 before this, kase malamang book 2 nato. Start and End: December 21,2020/May 20,2021