CHAPTER 27

24.6K 692 83
                                    

"SHINREI." Tawag pansin ko sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin at tinaasan ako ng kilay. "What?"

"Kailan mo ako aayain na magpakasal?" Tanong ko.

Umirap siya. "Hindi ka ba makapaghintay?"

Ngumuso ako. "Hindi." Sagot ko.

Umirap na naman siya. "Tumigil ka na, last week pa 'yan. Sabi ko naman last week aayain din kita."

Napabusangot ako. "Nakakailan pa lang ako tanong sayo about sa kasal e."

"20 na 'yan tanong mo." Sabi nito.

Napaiwas ako ng tingin. "Excited lang." Mahinang saad ko.

Hinila niya ng mahina yung buhok ko. "Maghintay ka."

Lalo akong napabusangot dahil sa sinabi niya. "Naiinip na ako." Inis na saad ko.

Tinaasan niya lalo ako ng isang kilay. "Ikaw ang may ganang mainip? Girl, pinapaalala ko sayo binuntis mo ang sarili mo."

Tinignan ko siya ng masama. "Pinapaalala ko lang din sayo, ginawa ko 'yon dahil mahal kita at gusto ko mapansin mo ako. Landi landi mo kasi." 

Siya naman ang naging masama ang tingin sa akin. "Kung mahal mo ako matuto ka maghintay." Inis na saad niya.

Natahimik ako dahil sa sinabi niya, inis ko siyang iniwan sa living area. Umakyat ako papunta sa kwarto namin at inis na sinarado yung pintuan.

Humiga ako at napatingin sa may bintana.

Napansin ko na may ibang kalaro si Shadia kaya napatayo ako. Pumunta ako sa may balcony at tumingin kay Shadia sa ibaba.

"Shadia who's that?" Sigaw na tanong ko.

Tumingala siya. "Mommy!"

"Who's that?" Tanong ko ulit.

"Kronos po, Mommy." Sigaw na sagot ni Shadia dahil nasa itaas ako.

Greek Name?

Napatingin ako sa batang lalake na nakatingin sa akin tapos tumingin siya kay Shadia.

"Okay, be careful." Paalala na saad ko dahil nagtatakbuhan sila.

3 hours ang nakalipas ay bumaba na ako, nasa living area pa din si Shinrei kasama ngayon si Shadia at yung bagong kalaro niya.

Umupo ako sa tabi ni Shadia, naramdaman ko ang tingin ni Shinrei pero hindi ko siya tinignan.

"How old are you?" Tanong ni Shinrei.

"8 po." Sagot ni Kronos.

"Alam ba ng parents mo na nandito ka?" Tanong ni Shinrei.

"Hindi po." Mahinang saad niya.

"Paano ka nakapasok dito sa Ostrain Village? Saan ka nakatira?" Tanong niya.

Napatampal ako sa noo ko. "Ang dami mo tanong, isa-isa naman. Bata siya." Saad ko.

Tinignan ako ng masama ni Shinrei pero hinayaan ko lang.

"Empire Village po, tinakasan ko po yung guard dito." 

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinagot ni Kronos, dahil yung Empire Village ay sa kabila pa.

"Nako, kailangan ka namin ihatid sa harapan ng village niyo dahil baka nag-aalala na ang parents mo." Saad ko.

Tumingin siya sa akin. "Pwede po ba ako dumalaw dito?" Tanong niya.

Tumango ako. "Magpahatid ka lang sa nagbabantay sayo." Sagot ko.

Napakamot siya ng ulo. "Baka po kasi batukan ako ni Kuya Eeren." Saad niya.

Napatawa ako ng mahina. "Sabihin mo sa mommy mo."

Ngumiti siya. "Sige po."

"Anong pangalan ng parents mo?" Tanong ni Shinrei.

"Enormous at Mirajane Thompson po." Sagot niya.

Nagkatinginan kami ni Shinrei pero umirap ako.

"Oh." Iyon ang nasabi ni Shinrei.

"Kilala niyo po ba ang daddy ko?" Tanong ni Kronos.

Tumango si Shinrei. "Oo, sikat ang daddy mo kahit noon pa."

"Kronos gusto mo ba sayo na lang 'to?" Tanong ni Shadia at may itinaas na barbie.

Mabuti ay hindi niya nilabas ang paborito niya na teddy bear.

Napakamot ng ulo si Kronos. "Huwag na, Sha."

Mukhang nalungkot si Shadia. "Pero baka wala ka kalaro sa bahay niyo."

Napangiti ako habang tinitignan sila. "Huwag ka ngumiti." Suway na mahina ni Shinrei.

Tinignan ko siya. "Bakit ba?" 

"Dahil baka magkatuluyan yung dalawa." 

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Anong connect?

"Magkalaro lang sila, huwag ka advance, Shinrie" Saad ko.

"Uwi mo 'to, okay?" Saad ni Shadia.

"Sha..." 

"Please Kronos." Pakiusap ni Shadia.

Walang nagawa si Kronos kung hindi kunin yung barbie. Tumayo na siya. "Uwi na po ako." Paalam nito.

Tumayo ako. "Hatid na kita hanggang sa village niyo." Saad ko.

"Bye Sha."

"Bye Kronos, tomorrow ulit." Masayang sabi ni Shadia.

Lumabas na kami ni Kronos. "Gusto mo ba buhatin kita?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. "No tita, I'm fine." Nakangiting sabi nito.

Umabot ng 20 minutes ay nakarating kami sa harapan ng Empire Village. "Bye Tita."

Kumaway ako. "Take care, Kronos." 

Tumakbo ito papasok sa may entrance ng Empire Village, narinig ko pa yung sinabi nung guard.

"Nako, sir kronos. Galit po ang daddy niyo dahil tumakas na naman kayo."

"Huwag po kayo maingay kuya." Nakangiting sabi ni Kronos bago tuluyan pumasok sa Empire Club.

Bumalik na ako sa Ostrain Village, ilan minuto ang nakalipas ay nakarating ako sa harapan ng bahay namin ni Shinrei.

Naabutan ko siya sa may harapan ng pintuan. Hinawakan niya ako sa kamay. "Bakit?" Tanong ko.

"Galit ka pa ba?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi ako galit."

"Kung ganon bakit mo snob ka?" Tanong niya.

"Trip ko." Sagot ko.

"Celestine." Tawag niya sa pangalan ko at hinilan ako papalapit lalo sa kaniya.

Napatingin ako sa kaniya. "Lumayo ka nga." Sabi ko.

"Huwag ka na magalit." Sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

Pakiramdam ko ay namumula ako ngayon. "Aayain naman kita, inaasikaso ko pa yung kasal natin."

Ngumiti ako. "Okay." Sabi ko at yumakap sa leeg niya.


Seducing The Gay ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon