CHAPTER 9
CELESTINE
"MOMMY can we visit Tito Romulos? Sabi niya po nasa manila siya." Sabi ng anak ko na si Shadia.
"Okay, ready your things."
Ito na siguro yung time para bumalik ako ng manila, limang taon na din ng magstay ako dito sa Davao.
Pagkarating namin sa Manila ay nagpaderetso kaagad kami sa bahay namin.
"Lola! Lolo!" Masayang tawag ni Shadia kahit hindi pa kami tuluyan na nakakapasok.
"Apo!" Niyakap ni Mommy ang anak ko.
Napangiti ako at yumakap naman ako kay Daddy. "Welcome back, anak."
"Thank you dad."
Kamusta na kaya siya?
"Buti napauwi kayo dito sa Manila?" Nagtataka na tanong ni Mommy.
"Namimiss na kasi ni Shadia si Romulo."
"Puntahan mo ang kuya mo, nandoon si Romulo."
"Shadia let's go."
Humawak naman sa kamay ko si Shadia at naglakad kami papuntang bahay ni Kuya.
Pagkarating namin sa bahay niya ay tumakbo kaagad si Shaida, napailing na lang ako.
"Tito Marcus!"
Natigilan ako na makita ko si Shinrei at Jet na nandito sa bahay ni Kuya atsaka si Romulo, naguusap yata sila about sa business.
Hindi ako tumingin kay Shinrei kahit na naramdaman ko ang pagsulyap niya.
"Tine!" Napangiti ako ng yumakap si Romulo at hinalikan ako sa pisngi.
"Dapat sinabi mo na uuwi ka, sinundo sana kita."
"Nako hindi na, kaya lang kami umuwi dahil namimiss ka ni Shadia." Sabi ko.
"Anak niyo?" Tanong ni Jet.
"Oo." Sabi ko.
Nagtataka na tinignan ako ni Romulo, pasimple ko siyang kinurot para alam niya na makikisakay siya.
"Maupo ka muna, Celestine." Sabi ni Kuya Marcus.
"Tito Marcus know niyo po ba kung saan si Daddy ko?" Tanong ni Shadia.
"Shadia Mondragon, behave."
Nakita ko kung paano ngumuso si Shadia. "Mommy gusto ko po malaman."
"Don't mind your mom." Singit na saad ni Shinrei.
Napatingin ako sa kaniya, tinaasan niya ako ng kilay.
Mataray pa din.
"Shadia, let's go."
"No, dito muna kayo magpahinga." Sabi ni Kuya Marcus.
Binuhat ko si Shadia at dinala sa kwarto ko, may nakalaan kasi na kwarto para sakin dito sa bahay ni Kuya Marcus.
"Shadia rest muna okay?"
Tumango siya at pumikit, ilan sandali lang ay nagsalita siya.
"Mommy?"
Hinaplos ko ang buhok niya. "Hm?"
"Kailan ko po makikilala ang daddy ko?"
Hinalikan ko siya sa ulo. "Kapag okay na ang lahat anak."
Nang makatulog si Shadia ay lumabas ako pero natigilan ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Shinrei..."
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay ✔️
General FictionSwift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)