KINABUKASAN ay maaga ako pinaayos ni Mommy.
Tinignan ko siya sa salamin. "Mommy bakit hindi natin kasama si Shinrei?"
"May pupuntahan daw si Shinrei."
Napanguso ako. "So ako lang ang isasama mo?" Tanong ko.
"Yes." Sagot niya.
Napatingin ulit ako sa suot ko na Beige Lace with high cut gown at white heels na 2 inches.
Naramdaman ko na may isinuot si Mommy na necklace dahilan para mapatingin ako. "Blue diamond necklace?"
"Gift ng daddy mo dahil matagal ka daw nawala."
Napangiti ako. "Si daddy talaga oh."
"Tara na kailangan na natin umalis dahil baka malate tayo." Sabi ni Mommy at inalalayan niya ako makatayo.
"Si shadia mommy bakit hindi ko makita?"
Sumakay na kami sa kotse. "Isinama siya ng daddy mo, nauna na sila."
Pagkalipas ng dalawang oras ay nakarating na kami, napatingin ako sa buong paligid napansin ko na resort 'to.
Naglakad na kami, ilan minuto lang ay tumigil kami. Natigilan ako ng makita ko si Shinrei na nakatayo sa may swimming pool at doon ko lang napansin na may glass platform sa kinatatayuan niya.
Madami din ang tao, tumingin ako kay Mommy na mukhang naiiyak. "Mommy..."
"It's your day celestine."
"Sandali naguguluhan ako mommy." Saad ko.
Hinaplos niya ako sa pisngi. "Go to your husband now, kanina pa 'yan naghihintay."
Napakurap ako at ilan segundo ako natigilan bago ko marealize ang sinabi ni Mommy.
Umapak ako sa glass platform at naglakad papalapit kay Shinrei.
Ngumiti si Shinrei at naglahad siya ng kamay, tinanggap ko ang kamay niya at pinisil. "Kaya ba wala ka kanina?" Mahinang tanong ko.
Tumango siya, hinalikan niya ako sa pisngi. "Sabi ko naman sayo di ba?"
"Hindi ako handa, dapat sinabihan mo ako." Saad ko.
Tumawa siya ng mahina. "It's a surprise wedding, woman."
Nag-umpisa na yung ceremony, tinignan ko si Shinrei na nakangiti pa din.
"Hindi ko alam pero sobrang saya ko." Mahinang saad ko.
"Pasensiya ka na kung natagalan."
"Okay lang, pakakasalan mo naman ako ngayon e."
Hindi namin namalayan na exchange ring wedding na. "Since hindi ako nakapagpropose sayo at inaya na lang kita bigla, dalawa ang singsing mo." Sabi niya.
Isinuot niya sa kamay ko yung magkasunod na singsing. "I will always love you, celestine. Until we get old."
Isinuot ko sa kamay niya yung singsing. "I love you since our childhood days."
"I now pronounce you husband and wife, you may kiss your Bride."
Pagkasabi na pagkasabi ay inunahan ko si Shinrei, hinalikan ko kaagad siya sa labi.
Kinagat ko din yung labi niya dahilan para mapadaing siya. Humiwalay ako sa kaniya at ngumiti. "Finally I'm Mrs. Swift now."
"Yes finally." Nakangiting sabi niya at niyakap ako.
THE END
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay ✔️
General FictionSwift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)