SHINREI
BUHAT-BUHAT ko si Shadia papasok sa bahay ng parents ko.
"Daddy what about mommy po?" Tanong niya.
Inayos ko ang maliliit na buhok niya. "Mommy will take some rest, uuwi kaagad tayo para makasama natin siya."
Ngumiti siya at tumango. Humilig siya sa balikat ko, pagkapasok na pagkapasok ay naabutan ko si Dad na masama ang tingin kay JB.
"Shadia, go to your lola." Mahinang saad ko.
Ibinaba ko siya. Tumakbo naman siya papunta kay Mother.
Lumapit ako sa kinaroroonan nila at umupo sa tabi ni JB. "Kuya..."
"Huwag ka humingi ng tulong sa kambal mo dahil hindi ko hahayaan na humingi ka sa kaniya ng tulong." Matigas na sabi ni Daddy.
"Dad i know I'm a jerk, please tulungan niyo ako mahanap si Althea." Pakiusap ni JB.
"Jet its your own mistake, you're a jerk for cheating althea behind her back. Fix that!" Galit na saad ni Daddy.
"Dad."
"Use your own balls! Nakabuntis ka, magpakaama ka." Giit nito.
"Dad hindi ko naman mahal si Verity." Sabi ni JB.
"Panagutan mo kahit yung bata, huwag mo abandunahin. Subukan mo hindi lang yan aabutin mo sakin!"
Dahil doon sa sinabi ni Dad ay napatingin ako sa mukha ni JB na may basag sa kilay at labi. Namamaga din ang mukha nito.
"Huwag mo hintayin na barilin pa kita bago ka tumino." Dagdag na saad ni Dad.
"Yes dad." Sabi ni JB.
Gulat naman na napatingin ako kay Dad. "Dad, sobra naman 'yon." Sabi ko.
Tinignan niya ako, sa akin naman naging masama ang tingin niya dahilan para mapalunok ako.
"Ikaw shinrei kailan mo pakakasalan si Celestine?" Tanong niya.
"Dad wala pa sa isip ko 'yon." Sagot ko.
Lalo naging masama ang tingin sa akin ni Daddy. "Pinapaalala ko sayo Shinrei, lumalaki na si Shadia. Ano 'yon magkasama lang kayo sa iisang bahay pero walang pinanghahawakan? Ano gagalaw ka lang kung kailan may aagaw na sa nanay ng anak mo."
Dahil sa sinabi ni Dad ay natahimik ako bigla.
"Propose to her if you love her. Pag hindi mo mahal sustentuhan mo na lang si Shadia, sinasabi ko 'to dahil mukhang wala sa inyong dalawa ang nakikinig." Saad niya ulit.
Tumango ako. "Pag-iisipan ko dad."
Tumango siya bago tumayo. "Shinrei, gamutin mo ang sugat ng kambal mo." Sabi ni Dad bago umalis.
Humarap ako kay JB na nakayuko ngayon, napabugtong hininga ako. "I will help you, but please don't do it again." Saad ko.
"Huwag mo hahayaan na mawala na naman sa pangalawang pagkakataon si Althea." Ulit na saad ko.
Nag-angat siya ng tingin at ngumiti, niyakap niya ako. Hinayaan ko lang siya. "Thank you kuya."
"No problem. Basta ayusin mo, linawin mo kay Verity kung anong gusto mo mangyari para sa anak niyo. Then find althea." Saad ko.
"Thank you kuya, I will fix this. I promise."
Ginulo ko yung buhok niya kahit nakayakap siya. "Kung matatagalan ang paghahanap, okay lang 'yon basta mahanap mo siya." Sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay ✔️
Genel KurguSwift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)