CHAPTER 16

30.6K 917 58
                                    

Tumango na lang ako, wala na akong gustong sabihin kasi bahay niya ito.

Naglakad ako papuntang kitchen, hindi na ako nagulat dahil minimalist din ang mga nandito.

"Woman."

Napatingin ako kay Shinrei na nasa likod ko na pala. "Why?"

"Let's buy groceries tomorrow."

Tumango ako. "Okay." Saad ko bago umupo sa may dinning area.

Umupo naman siya sa may harapan ko. "Si Shadia?"

"Nasa may living area, naglalaro." Sabi nito.

Tumango na lang ako. "Pag ba inakit kita, gusto mo?" Biglang tanong ko.

Nakita ko kung paano nanglaki ang mata niya. "Celestine!"

"What? I'm just asking."

Hindi niya ako sinagot, umiwas lang siya ng tingin.

Tumayo na ako at pumunta sa may likuran niya. Yumukod at sabay bumulong.

"Binibiro lang kita, baka seryosohin mo bigla." Sabi ko sabay kagat sa tenga niya at dinilaan.

"Celestine!"

Natawa ako bago lumayo sa kaniya at iniwan siya sa may dinning area.

Umupo ako sa tabi ni Shadia at pinagmasdan siya habang naglalaro.

Naramdaman ko na nagvibrate phone ko.

From: Romulos
Let's go on a date?

To: Romulos
I can't, I'm with shadia and shinrei.

From: Romulos
Then we can go with shadia. Sunduin kita.

To: Romulos
Fine, we will wait for you. Nasa bahay kami ni Shinrei.

Nagangat ako ng tingin, nagtama ang tingin namin ni Shinrei.

Umiwas ako ng tingin at tinignan si Shadia. "Tito Romulos wants to see you, baby."

Nagangat ng tingin si Shadia at ngumiti. "Really po?"

Tumango ako. "Yes."

"Hindi kayo aalis." Sabi ni Shinrei.

Napatingin ako sa kaniya na seryosong nakatingin sa akin. "Si Romulos 'yon."

"Still, hindi kayo aalis." Sabi nito.

"Shinrei!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Subukan mo umalis at isasama ang anak ko, tignan mo sige lang."

Huminga ako ng malalim. "Kaibigan ko siya, ano na lang ang iisipin non?"

"Bakit? Mas iisipin mo pa ang iisipin niya?"

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. "You better stay here." Sabi nito.

Nagulat na lang ako ng agawin niya ang phone na hawak ko.

Nanglaki ang mata ko dahil si Romulos pala ang tinawag niya.

"Hindi makakaalis si Celestine at Shadia, may ginagawa siya." Sabi nito.

"Shinrei!" Mahinang saway ko.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya nanlulumo na napasandal ako sa sofa.

"Okay okay." Sabi nito bago ibinato sa sofa yung phone ko.

Napabusangot ako na tumingin sa kaniya. "Sinabihan na kita." Babala na sabi nito sa akin.

"Isa pa, isa pa Celestine."

Seducing The Gay ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon