TINIGNAN ko si Shinrei, tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. "What?"
"Kailan mo ba ako aayain magpakasal? One month na yung nakalipas." Panghihimutok ko.
Ngumiti siya. "Maghintay ka."
Napanguso ako. "Shinrei naman e, tagal na oh."
Hinalikan niya ako sa labi. "Konting hintay na lang." Sabi niya.
"Kailan?" Tanong ko.
"Secret." Sagot niya.
Lalo akong napanguso dahilan para halikan na naman niya ako sa labi. "Don't pout, konting konti na lang talaga. Sasabihan kita." Sabi niya.
Naglalambing na yumakap ako sa bewang niya. "Okay, maghihintay ako." Saad ko.
"Kahit naiinip na ako." Mahinang bulong ko sa sarili ko.
"Narinig ko 'yon, Celestine." Natatawang sabi niya.
Napatingin ako sa phone niya ng magvibrate 'yon. "Sino 'yan?" Tanong ko.
"Mama mo."
Nagtataka na tinignan ko siya. "Bakit daw? Puwede naman niya akong itext."
Mas nagtaka ako ng basahin niya malapitan sa mukha niya. "Sabi niya samahan mo daw siya bumili."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Nang ano?"
"I don't know, wala naman sinabi ni Mama kung ano bibilhin niyo." Sabi niya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Kailan mo pa tinawag na Mama ang mama ko?"
"Nung sinabi ko na pakakasalan kita." Sagot niya.
Napairap ako. "Okay."
Makalipas ang isang oras ay pumasok si Mommy dahilan para mapatayo ako. "Mommy!"
Ngumiti siya. "Samahan mo ako, may ipipick-up ako sa boutique kailangan ko bukas ng hapon."
Lumapit ako sa kaniya. "Let's go mommy."
Tinignan ko si Shinrei. "Bantayan mo si Shadia."
"Yes, have fun." Sabi nito.
Pagkalabas ay sumakay kaagad ako sa kotse ni Mommy. "Bakit hindi mo sinama si Daddy?" Tanong ko.
"Alam mo naman 'yon busy sa hospital." Sagot ni Mommy.
"Nandyan naman si Kuya e." Sabi ko.
"Hindi kasi mapakali ang daddy mo na ipahandle ang hospital sa kuya mo habang hindi pa siya nagaasawa." Sabi ni Mommy.
"Kaninong boutique ang pupuntahan natin?" Tanong ko.
"Sa ex ng kuya mo." Nakangiting sagot niya.
Napangiti ako. "Sobrang ganda pa din ni Dawn mommy sigurado."
"Oo actually nakita ko lang siya last week, baliw ang kuya mo dahil pinakawalan niya si Dawn." sabi ni Mommy.
Napailing na lang ako, makalipas ang kahalating oras ay nakarating kami sa harapan ng Boutique ni Dawn.
Lumabas na ako at nauna ako pumasok sa Boutique ni Dawn dahil excited ako makita siya, naabutan ko siya na may inaasikaso na costumer.
"Dawn." Tawag pansin ko.
Napatingin siya sa kinaroroonan ko at ngumiti. "Tine."
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Namiss kita dawn."
"Namiss din kita, ano ginagawa mo dito?" Nagtataka na tanong niya.
Sumakto na pumasok si Mommy. "Tita Jinri!"
"Pwede ko na ba makuha yung pinaasikaso ko?" Tanong ni Mommy.
"Yes tita, ready na kahit yung heels."
"Para saan mommy?"
"Para sayo 'yon dahil may pupuntahan tayong party." Sabi ni Mommy.
Nagtataka na tinignan ko siya. "Wala ng madaming tanong celestine, sasama ka sakin."
May inabot na dalawang paper bag na malaki si Dawn sakin. "Sana magustuhan mo 'to."
Ngumiti ako. "Oo naman, Dawn. Sama ka bukas?" Tanong ko.
"Tignan ko kung hindi ako busy." Sabi niya.
Niyakap ko siya at hinaplos ang likod ni Dawn. "Bonding tayo minsan, okay?"
"Oo naman, just call me celestine." Sabi niya.
Umalis ako sa pagkakayakap bago tumingin kay Mommy na nakangiti. "Tara na mommy."
"Mag-iingat ka, Dawn." Sabi ni Mommy.
"Yes tita jinri."
Lumabas na kami ni Mommy sa boutique ni Dawn, sumakay na ako sa kotse at napatingin sa paper bag na hawak ko. "Mommy pwede ko po ba tignan?"
"Not yet, celestine bukas mo tignan."
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay ✔️
Tiểu Thuyết ChungSwift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)