CHAPTER 7
LUMIPAS ang ilan araw ay hindi ako umuwi, nahihiya kasi ako sa ginawa ko.
Pagkauwi ko ay naabutan ko silang lahat na nandito sa bahay, except for Shinrei.
"Where have you been?!" Galit na tanong ni Kuya Marcus.
"N–nag relax lang ako."
"Dapat nagsabi ka, nag-aalala kami."
"Sorry kuya."
Nagsorry din ako sa parents ko, ngumiti ako ng pilit sa kanila.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay para akong natulala.
Kinabukasan ay pumasok ako, napatingin ako sa paligid nagbabakasakali na makita ko si Shinrei.
Nakita ko siya na may kahalikan na lalake, para akong sinaksakan sa puso.
"Shinrei..."
Tumigil sila ay tumingin sa akin ng napakalamig. "What do you want?"
"Gusto ko sana humingi ng sorry."
Tumawa siya. "Walang magagawa ang sorry mo, umalis ka sa harapan ko."
"Bebe, babae yan. Huminahon ka." Kalmado na sabi nung kasama niya lalake.
"Sorry." Paumanhin ko bago ako umalis.
Ilan araw pa ay palagi ako humihingi ng sorry kay Shinrei nagbabakasakali na mapatawad niya ako.
Mahal ko lang siya kaya nagawa ko 'to.
Nilapitan ko siya at may ibinigay na cookies. "Para sayo, sana magustuhan mo."
Hindi siya nagsalita, huminga ako ng malalim. "Sana mapatawad mo na ako."
"Hindi mangyayari 'yon."
"Ano ba ang kailangan ko gawin para mapatawad mo ako?"
Tinignan niya ako at ngumisi. "Umalis ka, umalis ka sa buhay ko. Baka mapatawad pa kita pag ginawa mo 'yon."
"Shinrei..."
Tumalikod na siya habang dala ang binigay ko na cookie, napailing na lang ako na kumekembot pa ang pwet niya habang naglalakad.
SHINREI
PAGKAUWI ko sa bahay ay nakita ko sila mother na kumakain ng cookies.Kunot noo ko silang tinignan. "Nagbake ka mother?"
Tinignan niya ako. "Hindi, bigay ito ni Celestine."
Napairap ako ng marinig ko ang pangalan niya.
"Tikman mo masarap."
Kumuha ako ng isa at tinikman. Masarap pero yung gumawa mismo hindi masarap.
Dinungisan niya ang pagkababae ko. "Hindi masarap." Pagsisinungaling ko.
"Nako! Ewan ko sayo! Nageffort pa naman siya."
Hindi na ako nakinig kay Mother at pumunta na lang ako sa kwarto ko.
Pagkaupo ko ay napatingin ako sa bag ko at kinuha yung cookies saka kinain.
Napatango ako. Sobrang sarap.
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay ✔️
Fiksi UmumSwift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)