NAHULI ko na nakatingin sa akin si Shinrei kaya tinaasan ko siya ng kilay, umirap siya sa akin.
"Aba! Nagtaray pa." Sabi ko.
Pumantay ako kay Shadia na naglalaro sa harapan ko. "Shadia."
Tumingala siya sa akin. "Yes po mommy?"
"Gusto mo ba pumunta kay Lolo?"
"Lolo Maxen?"
Umiling ako. "Lolo Harrison."
Nagtataka na tinignan niya ako dahilan para mapangiti ako. "Let's go, hayaan natin dito ang daddy mo."
Pinatayo ko siya at inayos ang buhok niya atsaka tumayo na din ako, palabas na sana kami ng marinig ko si Shinrei.
"Where are you going? Isasama mo pa ang anak ko."
Humarap ako sa kaniya at umirap. "Sa bahay ni Tito Harrison."
Kunot-noo niya akong tinignan. "Anong gagawin mo sa bahay nila Dad?"
Umirap ulit ako. "Masama ba dumalaw? Namimiss ko sila."
"Baka ano na naman kalokohan gawin mo, idadamay mo pa ang anak ko."
Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Shadia. "Bakit wala ka bang tiwala sa akin? Tingin mo ba ipapahamak ko ang sarili ko anak?"
"Hindi natin alam, pero kilala na kita kung ano ano na lang pumapasok sa utak mo."
May narinig na lang akong umiiyak dahilan para matigilan kami, napatingin kami kay Shadia na umiiyak.
Pumantay ako. "Ano problema shadia?"
Umiiyak na yumakap siya sa akin. "Pwede po ba na huwag kayo fight? Akala ko po ba family tayo?"
Hinaplos ko ang buhok niya at tinignan si Shinrei ng masama. "Shhh, hindi na kami magpafight ni Daddy mo."
Binuhat ko si Shadia, umunan ito sa balikat ko. Tumalikod na ako habang buhat si Shadia, hindi na ako nagpaalam kay Shinrei.
Nararamdaman ko na may sumusunod sa amin dahilan para matigilan ako at humarap. Tinignan niya ako pero kaagad din umiwas ng tingin. "Sasama ako." Mahinang saad niya.
Hinayaan ko na lang hanggang makarating kami sa bahay ng Parents ni Shinrei.
"Tita Camille."
Ngumiti siya ng makita ako at niyakap ako kahit buhat ko si Shadia. "Namiss kita, Cellestine."
Humiwalay siya sa akin at tinignan si Shadia na mukhang nakatulugan na ang pagiyak, nilapitan kami ni Shinrei at siya naman ang nagbuhat kay Shadia.
"Idadala ko lang siya sa kwarto." Sabi nito bago kami iniwan ni Tita Camille.
"Sino yung batang 'yon?"
Tumingin ako kay Tita Camille. "Anak po namin ni Shinrei."
Gulat na napatingin siya sa akin. "T-talaga?"
Tumango ako, umupo kami sa may sofa. "Wala po si Tito Harisson?"
"Oo, may work siya ngayon."
"Tita bakit po hindi ko nakikita si Jet Bryce?"
Bumugtong hininga si Tita Camille. "Hindi ko alam sa batang 'yon, magmula ng maghiwalay sila ni Althea hindi na siya dumadalaw dito."
"Kapag naman dinadalaw ko siya sa bahay niya wala din. Tinanong ko yung secretary niya halos hindi na daw lumabas ng office niya."
Napabugtong hininga na lang ako. "Should I talk to him, Tita?"
"You sure?"
Tumango ako. "Nag-aalala din ako sa kaniya, Tita."
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay ✔️
General FictionSwift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)