CHAPTER 4

35.7K 1K 11
                                    

CHAPTER 4

TINIGNAN ko ang leeg niya na May hickey. Napangiti ako at tunignan siya.

"Celestine, fuck off!"

Naitulak niya ako sa kama at tumayo na siya, napansin ko na napatingin siya sa katawan ko at bumaba ito sa nakabuka na hita ko.

Napangisi ako. "Tinatablan ka na ba?"

"Yuck!" Iyon na lang ang nasabi niya, mukhang galit siya.

Napabugtong hininga ako ng makaalis siya.

Kailan kaya matatablan ng kagandahan ko si Shinrei? I should talk to Tita Camille.

Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto, hinahanap ko si Mommy at nakita ko siya na nakaupo sa dinning area.

Nilapitan ko siya at yumakap sa braso niya.

Ngumiti siya. "Celestine."

"Mommy."

"I know may kailangan ka, what it is?"

Umupo ako sa tabi niya. "Mommy pwede niyo ba ako tulungan gumawa ng maraming cookies at cake?"

Kumunot ang noo niya. "Para saan at para kanino?"

Pinaglaruan ko ang dulo ng buhok ko. "Kay Tita Camille mommy,"

"Damihan na po lalo natin mommy para may mabigyan pa ako, incase lang po."

"Dahil kay Shinrei no?"

Tumango ako. "Alam mo naman po si Shinrei mommy crush ko na siya mula bata pa kami. Napakataray kasi na bading 'yon, kahit anong pagpapansin ko ay hindi niya ako tinitignan sa uri ng tingin na binibigay ko sa kaniya."

Napabugtong hininga siya. "Okay sige, basta anak alam mo ang salitang 'tama na' okay?"

Nag-aalinlangan man ay tumango ako. "Opo mommy."

Ngumiti ito. "Panghahawakan ko ang sinabi mo, anak. Ayoko masaktan ka ng sobra bago ka magising sa katotohanan."

"O–opo mommy."

Tumayo na kami at pumunta ng kitchen, hinanda na namin yung mga ingredients na kakailanganin.

"Ikaw ang bahala sa cookies at ako sa cake." Sabi ni Mommy.

Tumango ako at ginawa ang step by step process ng cookies.

Ilan oras ang nakalipas bago kami natapos ni Mommy, naghanap ako ng magandang lalagyanan at nilagay din sa dalawang paper bag.

Gumawa ng dalawang chocolate cake si mommy at ako naman ay gumawa ng 200 cookies.

Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa bahay ni Tito Harrison.

Pumasok na ako at naabutan ko si Tita Camille na kasama si Tito Harrison, magkayakap sila.

Kami kaya ni Shinrei ganito kami kung lalake talaga siya?

"Hi tita, hi tito."

Napangiti sila ng makita ako, umupo ako ay nilagay sa harapan nila yung isang paper bag.

"Mabuti napadalaw ka?" Tanong ni Tito Harrison.

Ngumiti ako. "Magpapatulong po sana ako kung paano ko haharutin si Shinrei."

"Haharutin?" Nagtataka na tanong ni Tita Camille at napatingin ito kay Tito Harrison.

Ngumiti si Tito Harrison. "Baby alam mo naman ang ginawa ko noon sayo di ba? Hinarot din kita or much better to hear is nilandi kita."

"Ah naiintindihan ko na."

Napangiti ako lalo. "So tito, tutulungan niyo po ba ako?"

Tumingin sa akin si Tito Harrison. "Mali ka ng nilapitan, daughter-in-law."

"D–daughter-in-law?" Gulat na saad ko.

Tumawa siya. "Kilala na kita mula bata ka pa, crush mo na ang anak ko."

Nagkibit balikat ako. "Tanungin mo ang asawa niHarry, dating bading ang kambal ko."

Gulat na napatingin ako kay Tito Harrison. "T–talaga po?"

Tumango siya. "Oo kaya tanungin mo si Drecia."

"Okay po." Tumayo na ako. "Enjoy po kayo sa cookies at cake na gawa namin ni Mommy."

Kinuha ko yung isang paper bag at lumabas na saka naglakad ulit papunta sa bahay ni Tito Harry.

Nagdoor bell ako at ilan sandali lang ay bumukas ang pintuan.

"Tita Drecia!"

"Hello Celestine."

Nakipagbeso ako at binigay sa kaniya ang paper bag. "Para sa inyo po tita."

"Nako! Thank you, Celestine."

"Pwede niyo po ba akong tulungan tita?" Tanong ko.

"Tara sa loob, dito natin pagusapan."

Seducing The Gay ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon