CELESTINE
"ANAK may problema ba?" Tanong ni Mommy.
Wala pa pero napaiyak na ako. "Galit na galit po sa akin si Shinrei dahil sa ginawa ko."
Hinaplos niya ang buhok ko. "Sinabi ko naman sayo anak 'tama na' siguro ito na yung time para tigilan mo na siya."
"Pero mommy mahal na mahal ko po si Shinrei kahit na gusto niya umalis ako sa buhay niya."
"Anak, hindi sa lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Mahirap mahalin ang isang lalake na gusto din ay lalake."
"Ano po gagawin ko?" Maiyak-iyak na tanong ko.
Pinunasan niya ang luha ko. "Uuwi ka muna sa lola mo, doon ka muna hanggang makatapos ka."
"Mommy ayaw ko po mahiwalay kay Shinrei."
"Anak saka ka na ulit lumapit kay Shinrei pag tapos ka na at pag hindi na siya galit sayo."
Napipilitan man ay tumango ako.
"That's good, ipapaalam ko kay Mama Maxia na uuwi ka ng Davao."
Nakatulugan ko ang pag-iyak kaya nagising na lang ako sa pagtawag sa akin ni Mommy.
"Anak, aalis ka na mamaya. Dalhin mo ang mga importante sayo. Aasikasuhin ng kuya mo ang transferred form mo sa school."
"Okay po mommy."
SHINREI
TAHIMIK lang ako habang naguusap si Marcus at Jet.
"Hindi ko alam sa kapatid ko bigla na lang pinapakuha yung transferee niya. Uuwi daw ng Davao."
Mabuti naman kung ganon, wala ng manggugulo.
Celestine na maharot! Amp!
"Hayaan mo na kapatid mo, yung isa kasi dyan napakamanhid." Pagpapatama na sabi ni Jet.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sinong manhid?" Tanong ko.
"Hindi ko sinasabing ikaw pero parang ganon na nga."
Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Hindi ko siya bet, babae ako alam niyo yan." Maarte na sabi ko.
"Huwag mo hintayin na makahanap ng iba ang kapatid ko, alam mo naman 'yon pag may nakakuha ng atensyon niya hindi niya titigilan." Sabi ni Marcus.
"Ewan ko sa inyo, basta babae ako."
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay ✔️
Ficción GeneralSwift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)