Nahirapan si Zam sa pag claim ng pera dahil sa sobra'ng laki ng halaga at saka wala pa siyang eighteen, pero nagmakaawa siya sa teller at sinabing para ito sa operasyon ng ina na pinatunayan ng message ni Laura.
Pagbalik ni Zam sa ward ay nadatnan niya ang lolo Elyong at lola Puring niya na kausap ang mga magulang, bakas sa mukha ng mga kinikilalang aguelo at aguela ang sobrang pag aalala sa kanyang ina.
"Aguy ginoo ko, saan tayo kukuha nang ganyang kalaking pera? May pinagbilhan ng lupa ang tatay niyo kay Temiong pero ni wala pa'ng isang daang libo'ng peso yun, palibhasa ay halos hingin na ng ganid na kapitan at nagpauto naman itong isa, gayung tatayuan lang pala ng beer haws! Siguro, may binabalak ka'ng masama ano? Hmmm..."
Sabi ni aling Puring habang nakairap kay mang Elyong.Tatawa tawang inakbayan ng dating kapitan ang asawa.
"Ikaw talaga, kung ano anong iniisip! Ayoko lang ng gulo dahil alam mo nama'ng hindi titigil yun eh! Hindi bale, susubukan nating humingi ng tulong sa mga pulitiko, tutal ay malapit na naman ang election at kapag ganitong panahon ay madali silang lapitan!""Kung sabagay ay may mga social services din pala sa mga ganitong hospital di ba? Pipila na lang din tayo para makahingi ng discount!"
Umiling si Bobby pero hindi na niya nasabi ang nasa isip dahil kasalukuyan'g pumapasok sa pinto ng ward ang anak. Hindi pa kasi nila nasasabi nang buo kay Zam kung ano ang tunay na lihim nila'ng mag asawa.
Nakita rin nina mang Elyong at aling Puring ang pagdating ng apo kaya hindi na sila dumugtong pa, sa halip ay nilapitan ng huli ang may sakit.
"Bakit ganyan ang mukha mo anak, may masakit ba sa iyo?"Umiling si Randa at pinilit ngumiti sa matandang babae na agad ding inilipat sa papalapit na anak.
"Hi sweetie, where have you been?"Ngumiti ng mapakla si Zam.
"May inasikaso lang ako ma, pero okey na!"
Isa isang hinalikan ng dalaga ang mga magulang at mga kinikilalang lolo at lola."Wala na po tayong problema, mao-operahan na si mama any time.
Sabay abot sa ama ang dala dalang supot."What's this... Oh my God!"
Halos lumuwa ang mga mata ni Bobby sa pagkabigla. Anong ginawa ng anak sa sarili niya?Alam ni Zam na mahihirapan siyang papaniwalain ang mga magulang kaya tinawagan niya si Laura para ito ang magpaliwanag
"No way, hindi ko isusugal ang kapakanan at kaligtasan ng nag iisa kong anak iha. Paki sabi sa boss mo na ako na lang ang sasama sa kanya, instead na si Zam, okey?"
Hindi agad nakasagot si Laura. Nakita na niya sa isip ang ganitong eksena pero ipina-uubaya na niya kay Zam ang pagkumbinsi kela Bobby at Randa. Maya maya ay nagpaalam na ito na may tatapusin pa'ng trabaho.
Nang wala na sa kabilang linya si Laura ay muling hinarap ni Bobby ang dalaga.
"Pa, tapos na ang usapan. Don't worry, kaya ko'ng protektahan ang sarili ko!"
"P-pero bata ka pa anak, babae at n-napaka ganda. P-paano kung mapahamak ka lalo na at i-ibang lahi pala ang taong yun, h-hindi natin alam ang pag uugali at kultura. Hindi ko m-matatanggap na mapasama ka para lang gumaling ako, I'd rather d-die than to see you suffer sweetheart!"
Lihim na umismid si Zam.
'Matagal na ma, hindi niyo ba naiisip yun? Ma, mas hindi ko kakayanin kung mawawala ka agad. Kaya please, huwag na tayong magtalo talo tungkol dito. Promise, mag iingat ako at susubukan ko lang. Tutal, sabi ni ate Lau, pag hindi ko kinaya ay pwede ako'ng mag back out at ipa-cancel ang contract at siya na ang mananagot sa perang ito.""L-lalo namang hindi pwede yun! P-paano naman ang tatay at kapatid niya pag n-nagkataon?"
Sabat ni Randa na pilit pa ring itinatago ang kirot na nararamdaman. Maya maya ay dumating ang nurse na naka assign sa kanya para kunan siya ng temperature."Medyo mataas po ang lagnat niyo maam, may masakit po ba sa inyo ngayon?"
"M-medyo lang po s-sa back at sa abdomen!"
Halos pabulong na sagot ni Randa dahil ayaw sana niyang iparinig sa mga kaharap."Bibigyan ko po kayo ng pain reliever at saka paracetamol ha? Babalik po ko..."
Hindi nakatiis na hindi magtanong si Bobby.
"Ahm nurse, bakit kaya siya nilalagnat at nasasaktan?""Hindi po ako sure pero baka nagrupture na ang cyst. Kaya kailanga'ng ma-operahan na si maam as soon as possible!"
Sa halip na sagutin ang nurse ay si Zam ang binalingan ni Bobby.
"Alright, you win this time. Pero promise me, pag hindi mo kinaya, don't hesitate to quit and I'll be the one to find a way, okey?""Kung kaya niyong hanapan ng paraan, di sana ay noon pa? Opo!"
"O siya, puntahan mo na ang doktor para maasikaso na agad ang asawa mo. Pagbalik mo ay uuwe na rin kami, hane?"
Sabi ni mang Elyong para matapos na ang usapan dahil gumagabi na rin.Kinabukasan din ay inilipat na sa CCGH si Randa kaya hindi na nakasunod doon sina Zam at ang mag asawa. Maghintay na lang daw sila sa bahay hanggang sa matapos ang operasyon ni Randa.
"Ipagdasal na lang natin na maging matagumpay ang operasyon at gumaling agad ang mama mo anak, baka sakali'ng makahabol pa sila ng magiging kapatid mo, haha!"
Biro ni aling Puring kay Zam para pag lubagin ang loob nito.Habang nasa hospital pa ang mga magulang ay ibinuhos ng dalaga ang mga bakante'ng oras sa pag eensayo bilang paghahanda sa magiging trabaho niya sa kaibigan ng boss ni Laura. Lahat nang klaseng paghawak ng armas na itinuro ng ama ay prinaktis niya kaya bugbog at sugat sugat na naman ang katawan ng mga saging na siyang nagiging target niya sa paggamit ng hunting knife.
"Zam, kakain na tayo. Tigilan mo na muna yang mga saging at baka umiiyak na ang mga yan sa kaka-saksak mo!"
"Sandali na lang po lola, susunod na po ako maya maya!"
Natatawa'ng sagot niya sa lola na siya'ng naging kasa kasama niya pansamantala sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
The Farmer's Daughter...
RomanceHow will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to burry in the past. "Ang sakit ng dibdib ko ma, pa, ang sakit sakit!" "Sorry anak. Kasalanan namin kung...