Araw ng uwe ni Zam sa Cebu,inihatid siya ni Davin sa airport, ito rin ang nagdrive at nakabuntot lang sa kanila ang mga tauhan. Hindi na rin ito bumaba ng sasakyan. Niyakap lang siya nang mahigpit saka hinagkan nang magaan sa mga labi.
"Take care of your self and please comeback to me, okey?"Parang malulusaw si Zam sa paraan ng pagsasalita ni Davin, parang hinuhugot sa ilalim ng balon ang boses nito at bakas ang matinding lungkot sa mga mata. Mangani ngani na niyang sabihin sa binata na ibalik na sa condo ang sasakyan at hindi na lang siya uuwe. Kaso excited din siyang muling makapiling nang medyo matagal ang mga mahal sa buhay.
"I...will d-definitely come back. Take care of yourself too!""I will terribly miss you sweetheart, i really do!"
Napayuko si Zam dahil halos kumawala na sa dibdib ang nagwawalang puso. Gusto niyang umiyak at sabihing mami-miss din niya na'ng husto ang binata, pero nagpigil siya dahil kahit halata'ng mahal nila ang isa't isa ay wala pa silang malinaw na ugnayan.
"I h-have to go. Goodbye sir!"
Binuksan ng dalaga ang pinto ng sasakyan at bumaba habang nakadikit pa sa braso niya ang isang kamay ni Davin. Nang maisara na niya ang pinto ay saka pumatak ang mga luha'ng kanina pa niya pinipigilan at kita'ng kita ito ni Davin mula sa loob ng kotse."Zam..."
Bulong niya sa isip. Gustong gusto niyang bumaba at ikulong sa mga bisig niya ang dalaga at siilin ng mga halik.Ganun din si Zam, gusto niyang bumalik sa sasakyan at gawin uli sa binata ang ginawa niya noong bumagsak sa sahig si Davin nang mailagan niya ang flying kick nito. Pero maiiwan siya ng eroplano.
"Ni hindi mo pa sinasabi yung pangatlo'ng bagay na gusto mong ipangako ko sa iyo!"Maya maya ay tumunog ang celphone niya na nasa loob ng bag. Nanginginig sa sobrang nerbiyos at kasabikan na kinapa ang nagwawalang celphone sa bulsa ng kanyang shoulder bag dahil alam niyang si Davin ito.
"H-helo?!""Sweetheart, why are you crying?"
"What? Why should i cry?"
"Please Don't deny it cause i am crying too. You remember the third and the most important thing that i wanted you to promise me?"
Lalong sumikdo ang dibdib ng dalaga kahit wala siya'ng idea kung ano ang hihilingin sa kanya nito.
"Y-yes. But w-what is it?""Promise me not to look at other men and you will never love any one but me!"
Tumalon man sa kilig ang puso niya ay hindi siya nagpahalata."Ano ka, sinuswerte? You can't stop me for loving my family 'no?"
"Your family is out of this topic. It's only right that you keep loving them because it's one of so many reason why i love you so much and want you to be my wife and my queen!"
"H-ha?!"
Walang masabi si Zam, lalo na at nagmamadali na siya'ng pumasok sa departure area at mag check in."Now promise me that you will never love any man but me and you agree to marry me and be the next queen of Cuziba!"
Hindi gaano nagsi-sink in sa isip ni Zam ang mga sinasabi ni Davin dahil kasalukuyang tinitingnan ng airport police ang passport at ticket niya kaya oo na lang siya nang oo at sumasagot ng 'i promise'.
"You made me the happiest man today sweetheart even though you will be out of my sight for a little while!"
"M-me too, bye S- D-Davin, see you..."
Nang mag take off na ang eroplano, pakiramdam ni Zam ay naiwan sa Tarmac ang puso niya.
"Sana pala, pinauna na lang kita'ng umalis bago ako umuwe!"Habang nasa alapaap ang eroplanong sinasakyan, sa halip na ang pamilyang kinasasabikan ang isipin ay puro si Davin ang nasa utak niya. Ang mga banggaan nila ng balikat at pigi sa kalan at sa lababo kapag tinutulungan siyang magluto at maghugas ng pinggan. Ang mga di sinasadya at sinasadyang hawakan ng kamay sa pagsasalin ng kanin at ulam sa pinggan. Ang mga pakiramdaman at mga nakawan ng tingin kapag umiinom ng kape at ngumunguya ng pagkain. Ang mga pasimpleng yakap at akbay sa kanya ng binata at magagaan na halik sa ulo, sa pisngi at kanina sa labi.
Humugot siya nang malalim na hininga at di napigilang bigkasin ang pangalan nito.
"Oh Davin..."Napalingon sa kanya ang katabi sa upuan kaya nagkunwari siya'ng inaantok at naghihikab dahil sa pagka-pahiya.
"Ang ganda ng cabin ng plane na ito, comfortable!"
Sabay ngiti sa babaing katabi.Bigla niyang naipilig ang ulo na'ng may maalala. Familiar ang mukha nito lalo na at titig na titig din ito sa kanya.
"K-kayo yung...""What a coincidence! More than six months ago, sa airpor remember?"
Tumango siya."Taga Cebu po kayo maam?"
Tanong niya sa medyo may edad na'ng babae pero umiling ito."Taga Bicol ako sa Legaspi city. Pero may bahay kami ng asawa ko sa España Manila. Dahil pinagkaka-tiwalaan siya ng ating pangulo, kailangang nariyan siya palagi pag tinawag siya sa palasyo!"
Kumulo ang dugo ni Zam sa pagkakabanggit sa kinamumuhiang lolo pero hindi siya nagpahalata. Sa halip ay nagpanggap siya'ng natutuwa.
"Wow ang swerte po ng mister niyo maam, palagi niya'ng nakikita ang Presidente, how i wish na makita ko din siya nang personal! Pogi po ba si pres. Lazami?"Alanganin ang ngiti na'ng ginang.
"Well, hindi naman masyado, mukha siya'ng Arab. Pero ang first lady ang napaka ganda. Kahit malapit na'ng mag sixty one ay mapagkakamalan mong fourty plus pa lang at napakabait !"Doon muling tumalon ang puso ng dalaga. Nakikita na niya sa mga pictures ang lola niya pero ni hindi man lang niya naisip na wala itong kinalaman sa kasamaan ng lolo niya, kaya hindi niya rin ito binibigyan ng pansin kahit sa isip man lang.
Iniba niya ang topic.
"Magbabakasyon po kayo sa Cebu?"Natigilan ang babae, parang nag isip muna kung dapat ba niyang sabihin sa estranghera'ng dalaga ang tunay na pakay sa biyahe na ito. Pero malay mo makatulong ang dalaga sa problema niya.
"Actually, may hinahanap akong tao."
BINABASA MO ANG
The Farmer's Daughter...
RomanceHow will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to burry in the past. "Ang sakit ng dibdib ko ma, pa, ang sakit sakit!" "Sorry anak. Kasalanan namin kung...