Chapter 68: Lazami in the valley

172 6 0
                                    

Parang natuka na'ng ahas ang mag asawa'ng Bobby at Randa na'ng paglabas nila ay naroon na sa sala ang tao'ng 'naglibing' sa kanila sa kamalayan ng mga kakilala at mga mahal nila sa buhay ng mahigit dalawampong taon.

"P-pa... I mean, mister president? T-tuloy po kayo!"
Sabi ni Randa habang akbay siya ni Bobby na yumukod lang sa kinikilala'ng mentor at biyanan.

"It's been awhile Montera, Mimi! I can't help but to admire your resilience and your strong love for each other. You have succeeded in sacrificing your freedom and the comfortable life you used to have with that stupid love!"

Yumuko ang dalawa na akala mo'y sila pa ang guilty na parang mga kriminal, at hindi iyon nagustuhan ni Zam, gusto niyang pagsalitaan ang pangulo at pagalitan ang mga magulang pero nagpigil siya.
"We followed our deal sir. We deprived our beloved child of all the things she would have been enjoyed freely just so as not to break our agreement."

Hindi sumagot si Lazami, tanda na tinatanggap niya ang sinabi ni Randa. Lumapit si Zam sa inaakala'ng lolo at walang pakundangan na hinawakan ito sa braso para akayin.

"Why don't we go inside sir and sit, so we can talk comfortably."
Sinenyasan ng dalaga si Toto na lumapit para marinig ni Lazami ang sasabihin niya dito.

"Ikuha mo sila ng sariwang buko, please? Pasensiya na po mahal na pangulo, but there's no safer drink we can offer you than that which is straight from the nature!"

Ngumiti ang pangulo sa dalaga, hindi na lang siya basta humahanga dito, unti unti na rin niya ito'ng natututuna'ng mahalin at tanggapin bilang tunay na apo, pero huli na yata ang lahat. Malalim ang sugat na idinulot niya sa pagkatao nito mula'ng pagkasilang hanggang sa matuto ito'ng magmahal.
"Ah, fresh coconut juice can do iha!"

Umakyat si Toto sa puno at namitas ng maraming buko at biniyak ito sa harap ng pangulo at ng mga sundalo at isa isa niya sila'ng binigyan.

Pagkatapos uminom ay nagpahiwatig si Lazami na gustong makita ang paligid.
"You have a nice place Montera! That Aguilos's cousin must be very generous para ipamana sa inyo ang ganitong kalawak na property! Asan nga pala siya?"

"Ah eh..."
Bago pa nakasagot si Bobby ay palabas na sa kuwarto'ng kinaroroonan ng underground si mang Elyong na kunwari ay bagong gising at napaatras pa kuno nang makita ang mga bisita. Pinigil ni Zam ang matawa sa husay umarte ng lolo Elyong niya, para ito'ng tunay na komedyante.

"Ay paumanhin po, may bisita pala tayo!"

Lumapit sa lolo Elyong niya si Zam at kinawit ito sa braso.
"Lo, sila po ang ating mahal na pangulo, si pres. Narciso Lazami. Pasensiya na po kayo kay lolo sir, ni hindi po ito nakakapanood ng tv at nakakabasa ng news paper. Kaya hindi po kayo kilala sa mukha!"

Nakatingin si Lazami sa kamay ni Zam na nakapulupot sa braso ni Elyong, may nararamdaman siyang kurot nang inggit at panghihinayang. Kung tutuusin ay malayo na ito'ng kamag anak ng dalaga pero daig pa ang tunay na magkadugo kung magturingan. Bakit nga ba hindi na lang niya sila tanggapin ng lubusan. Tama, hindi pa huli ang lahat, yaman din lang at hindi na yata mapipigilan ang paglabas ng mga katutuhanan.

"Maaari ko ba kayong makausap nang sarilinan Roberto at Miranda? Sumama ka na rin Zam  dahil para sa inyong tatlo ang sasabihin ko! "

"S-sige po!"

Sinenyasan ni Lazami ang mga guardia niya na maghintay sa labas saka bumaling kay Elyong.
"Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon na magpasalamat sa pagtangkilik sa kanila dito at ang pakikiramay sa sinapit ni Mike na pinsan niyo!"

Ngiti lang ang isinagot ni mang Elyong at bahagyang tango.

"Sandali po, kukunin ko lang ang kambal namin sa lola nila!"
Tumango si Narciso, hindi siya nagpahalata na na-excite siya'ng makita ang kambal.

Na'ng bumalik si Randa na kilik sa magkabila niyang kamay ang kambal ay na-mangha ang pangulo sa ka-kyutan ng mga ito.
"They look like little Mimi and little Robi, haha!"

Hindi makapaniwala sina Randa at Bobby sa reaction nito, first time nila ito'ng narinig na nagsalita na'ng ganito ka-lambot at may affection lalo na si Randa kahit noong hindi pa ito senador at karaniwang abogado pa lang.

Saglit ito'ng tumahimik na parang nililimi muna ang sasabihin sa mag anak. Abot abot naman ang kaba ng dibdib ni Zam.
"Sana okey lang si lolo Mike sa basement. Ang tagal naman kasi nito'ng umalis!"

"I know it's too late to flatten all the messes between the three of us and perhaps, asking an apology is even more redundant."
Inilayo ni Lazami ang tingin sa mga kaharap para itago sa mga ito ang panlalambot ng loob. Pigil naman ng mag anak ang paghinga sa paghihintay ng susunod na sasabihin nito.

"But before i proceed, please let me open up my heart. I don't expect you to understand the actions that i've been used, i just want you to know that i have been where you've been as far as  love is concern. The only difference between us is your lucky enough to walk on a two way avenue while i, was only a cripple dragging my lame feet in a dark alley!"
 
Noong una ay hindi nila makuha ang tinutumbok ng pangulo kaya nanahimik sila at naghintay ng susunod na sasabihin nito. Pansamantalang binalikan ni Narciso ang huling pagtatalo nila ng asawa.
"Cut it off Divina, sobrang mahal lang kita kaya ko nagawa'ng agawin ka kay Aguilos! Bakit ba hindi mo pa rin ako matanggap hanggang ngayon?"

"Siguro balang araw... When you've done at least one thing that would make me happy, baka sakali'ng doon kita matutuna'ng mahalin!"

Napailing ang pangulo sa mga alaalang yun.
"I want to ask you something Montera!"

"Yes sir!"

"Supposing... Mimi is the only girl you loved since you remember but her eyes were fixed to your best friend who also loves her in return. They were so happy everytime, while you we're just nearby watching them, heart broken. Until you've found a chance to steal her away, you married her despite that you knew she was already pregnant. You gave her all your love, caress her, took her daughter as your own. But Mimi never receprocated your feelings, instead she despises you, hated you and repeatedly instilled in your brain that Zam is not your child and she can never ever love nor respect you, because for her you are not a human but a devil!"

Kinabahan si Randa, sila ba ang tinutukoy nito?

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon