Naging busy sa kanyang internship at mga community activities si Zam bilang paghahanda sa kanyang nalalapit na graduation kaya wala siya'ng idea sa mga nangyayari'ng pagbabago sa farm.
"Got to go ma, pa, sa labas na ako kakain and please don't wait me for dinner, muaah!""Take care sweetheart, okey?"
"Thanks po!"
Ilang araw bago ang mismong araw ng graduation ay dumating galing Canada si Divina na pansamantalang nanirahan doon kasama ang anak na si Navine at ang pamilya nito. Sila ang una'ng guest na tumuloy sa don Virgilio manor.
"Welcome home mommy, N-Navine!"Noong una ay atubili si Navine na yumakap sa ate Randa niya, pero hindi rin nakatiis na'ng lumaon.
"I'm sorry ate Mimi, so sorry!""It's okey, i understand you!"
Nakangiti'ng hinaplos haplos ni Randa ang likod ng kapatid sa ina.Nang sumunod na araw ay ang pamilya naman ng papa niya ang dumating na sinundo pa ni Mike sa Europe, doon din sa DVM tumuloy ang mga ito.
"Welcome back pa, tita mga kapatid!""Thank you iha, wala pa ba ang mga Montera?"
Sagot ni Mike na umaasa'ng dadatnan na doon ang mga magulang at mga kapatid ni Bobby."Sa isang araw pa daw po pa, kasi graduating din ang youngest brother ni Rob bukas!"
"Ah, ganun ba? Okey, so sila na lang ang hihintayin natin kung kailan... How about Zam may idea na ba siya?"
Humahalakhak na umiling si Randa.
"She's totally blind po haha! Im so thrilled thinking how she would react when she'll find out, haay!""Me too. But do you think it's a good idea? Paano kung sa halip na ikatuwa niya ay magalit pa siya sa ating lahat? Alam naman natin ang pinagdaanan ng bata'ng yun!"
Tanong ni Bobby na hindi kaya'ng sagutin ng mga kaharap.A day before the event ay kompleto na ang lahat ng mga hinihintay, noroon na rin maging si Elena at halos okupado na rin ang lahat ng mga kuwarto sa don Virgilio's pero wala pa rin'g kaalam alam si Zam. Wala kasi siya'ng panahon na maglibot ni ang haplosin man lang ang ulo ni Zain kaya malaya ang mga bisita na magpaikot ikot sa paligid ng manor na hindi nakikita ng dalaga.
Na'ng gabing yun, kahit ngarag sa pagod si Zam ay nagawa pa rin niya'ng i follow up ang kaibigan.
"Bakit wala pa kayo dito? You shoud be here by now di ba?"Hindi agad sumagot si Laura, inisip muna nito'ng mabuti kung ano ang sasabihin sa kanya.
"Eh sis... Sorry ha? Hindi kasi kami agad nai-book ng liaison officer kaya hahabol na lang kami ha?"Nalaglag ang balikat ng dalaga pero hindi siya nagpahalata dahil baka kantiyawan siya ng pilya'ng kaibigan at sabihi'ng inaasam niya'ng makita ang ka-kambal ni Davin.
"G-ganun ba? Sige, i understand. J-just come home as soon as you can, okey?""Thank you sis, ang bait at napaka understanding mo talaga, haha!"
Sasagutin sana niya na hindi nakakatulong sa paglubag ng loob niya ang pambobola nito pero mas pinili niya'ng huwag na lang kumibo.
Kinabukasan matamlay na nag ayos si Zam, napakalungkot ng pakiramdam niya dahil wala man lang ni isang dumating sa mga kamag anak nila kung kailan nagka kila- kilala na sila. Kaya pati ang alok na tulong ni Randa ay tinatanggihan niya.
"Thanks ma, i can manage. Ga-graduate naman siguro ako kahit hindi nakapag ayos nang husto!"Hindi na kumibo ang ina dahil kung tutuusin ay hindi naman na talaga kailangan ni Zam ang tulong nino man. Natural straight ang buhok nito at makinis ang balat na akala mo'y laging naka blush on tuwing napapahiya o nasisinagan ng araw, well shaped ang kilay kahit hindi pina-plucked at kahit manipis na lipstick lang ang ipahid sa mga labi ay nagi- stand out na ito sa karamihan.
Sila'ng mag anak lang ang umattend sa graduation rites dahil ipagluluto daw siya ng mga lolo't lola niya ng masasarap na pagkaing pagsa salu-saluhan nila pagkagaling sa venue.
Pero laking gulat niya na'ng pag uwe ay mapansin ang mga naglalakiha'ng tarpouline na nakasabit sa gate ng farm na binabati siya sa kanya'ng pagta-tapos.
"Grabe, ang oa naman ng may pakana nito, hindi naman ako ikakasal no? Grumaduate lang at di pa nga..."
Hindi niya naituloy ang sasabihin na'ng matuon ang tingin niya sa ibabaw ng burol. Noon lang niya napansin na yari na ang DVM at nagagayakan ito ng mga banderitas at mga nagkikislapa'ng ilaw kahit mataas pa ang araw. Nangingintab din sa tama ng papalubog na araw ang nakasisilaw na puting pintura nito at ang higit na nakaagaw ng pansin niya ay ang nag iisang bulto ng lalaki na nakatayo sa malaking asotea na parang nililok ng isang dalubhasa'ng kamay sa ganda ng tindig at pigura."S-sino ka?"
Hindi na niya isinatinig ang tanong dahil baka isa lang ito sa mga hindi pa niya nakikilalang kamag anak na dumating habang wala sila.Pagdating nila sa farm house ay nandun na ang mga dati nila'ng kabaranggay na abala sa pagluluto at paghahanda ng mga pagkain.
Binati naman siya ng mga kaedad niya na mga estudyante pa at ang mga natigil na sa pag aaral.
"Congratulations Zam, sana all!"
"Ang swerte mo Zam, ayee kinikilig ako, haha!"
Ngumiti si Zam kahit paano ay nabawasan ang lungkot niya kahit hindi siya sigurado kung ano talaga ang ikinu-congratulate ng mga ito sa kanya.
"Huwag kayo'ng mag alala, darating din sa inyo yan, wag lang kayo'ng mawawalan ng pag asa, haha!""I doubt it! Kung sana man lang ay kasing ganda at kasi'ng galing mo kami hindi bale na'ng hindi niyo kami kasing yaman!"
Napakunot noo si Zam, anong kinalaman ng pagiging maganda at mayaman sa pag aaral na'ng mabuti eh libre naman na ang tuition sa ibang colleges at University, maganda ka man o hindi? Pero hindi na lang niya pinansin, wala pa siya sa mood makipag kwentuhan at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit.
"Ready na po ang lahat sa DVM ate Randa at padating na rin po ang beautician na mag aayos at magbibihis kay Zam!"
"Hindi na kailangan, ayoko! Kakain lang naman tayo bakit kailangan pang magbihis at mag ayos?"
Pagkasabi nun ay nagpalit ng damit na pangabayo ang dalaga, lalambingin muna niya si Zain sa batis bago siya haharap sa mga kamag anak nila."Hey miss, where do you think you're going?"
Tawag ni Randa sa kanya na'ng makita siya'ng paalis."I miss Zain so much ma, saglit lang ito promise!"
Hindi na naka palag ang ina na'ng patakbo ito'ng tumalikod papunta sa kuwadra.
BINABASA MO ANG
The Farmer's Daughter...
RomanceHow will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to burry in the past. "Ang sakit ng dibdib ko ma, pa, ang sakit sakit!" "Sorry anak. Kasalanan namin kung...