Chapter 25: Nagtampo si mister Cuzzak

210 8 1
                                    

Pagkagaling sa doctor, kinausap  agad ng magnobyong Tommy at Zeny si mister Davin Cuzzak at ipinagtapat dito ang tungkol sa kanilang sekreto'ng relasyon.

"Its okey, I can't control your feelings for each other, i have no right to do that even though you have signed a contract with me. I completely understand both of you!"
Nakangiting tinapik ni Cuzzak ang balikat ni Tommy.

"So, how was the check up, is Zeny okey?"
Tumango silang pareho pero bakas sa mga mukha ang pag aalala.

"Ahm sir, we still have a problem  eh! The doctor adviced me to let Zeny have a complete rest because theres a possibility of her having a miscarriage!"

Kumunot ang noo ni mister Cuzzak, iilang araw pa lang siyang dumarating eh, mukhang mawawalan pa yata siya ng housekeeper.
"So?"

"With your permission sir, i want to take Zeny with me so that i can take care of her during her pregnancy!"

"Alright, but i will only let Zeny go if you can find someone else to replace her for the time being until she gets back to work, or else..."

Hindi napigilan ni Zam ang sarili na hindi sumabat.
"But thats unfair mister Cuzzak, don't you understand? Zeny's pregnancy is not stable yet!"

Naningkit ang mga mapupungay na mga mata ng lalaki nang tumingin sa dalaga, anong akala ng babaing ito sa sarili niya, advicer?

Pero hindi natinag si Zam sa nagbabanta'ng tingin ng boss.
"Bakit, ano bang masama sa sinabi ko?"

Ngumiti nang paismid si Davin habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
"Hmmm..."

"Oh my God, anong binabalak ng taong ito sa akin? Huwag siyang magkakamali, dahil kahit mayaman siya ay hindi ko siya sasantuhin!"

"Alright, since you're worried about Zeny, you will do her work until Tommy find another house keeper, okey?"

Sinulyapan ni Zam ang namumutlang si Zeny, naka-reclined ito sa dulo ng mahabang sofa at halata'ng masama ang pakiramdam.

"Okey sir, i'll do everything i can to do her job and mine!"
Bahala na, gagawin na lang niya kung ano ang makakayanan.

Tinulungan din niya sa pag eempake ng ilang gamit si Zeny.
"Bakit ang dami mo yata'ng gamit dito, di ba six months lang naman si sir sa Pinas?"

"Five years na ako dito, kasama ko dati ang nanay at ate ko pero patay na si nanay at nag asawa na rin si ate kaya mag isa na lang akong naiwan dito."

"Ganun ba? Ang lungkot naman. Buti na lang andiyan si kuya Tommy, haha!"

Namula ang mga pisngi ni Zeny sa biro ng bagong kaibigan.
"Zam thank you ha? Pasensiya ka na rin kung hindi kita masyado ng pinansin nung first night mo dito, ganyan yata talaga pag buntis, nagiging judgemental at selosa?"

"Ang lagay nagseselos ka pala sa akin? Sus ginoo! Tanggalin mo sa utak mo yang ganyan at magfocus ka sa pagbubuntis mo para lumabas siyang healthy at matalino!"

"Salamat. Ninang ka nito paglabas, haha!"
Nag-yakap muna ang dalawang babae bago tuluyang naghiwalay.

Hindi na muling nakausap ng magnobyo si Davin o mister Cuzzak bago sila umalis dahil nagkulong na ito sa kuwarto.

"Bahala ka na sa topakin nating amo ha? Don't worry, mamaya lang maayos na uli ang utak niyan!"
Tumango lang si Zam.

Nang wala na ang dalawa ay pumasok uli sa kusina si Zam para magluto ng tanghalian. Parang puputok na naman ang sintido niya sa kakaisip kung anong ihahanda.

Binuksan niya ang freezer at naghanap ng karne. Manok ang una niyang nakita.
"Ano kayang magandang gawin sa yo, tinola o adobo? Bahala kang dayuhan ka, pupurgahin kita ng puro Filipino foods, take it or leave it, huh!"

"Excuse me!"

"Ay palaka! Naunsa bayot, Y-yes sir?"

"What will you cook for lunch?"

"Our? Oh no, dadalawa na nga lang pala kami dito. M-magmumukha kaming couple, yuck! C-chicken adobo sir!"

Tumawa nang maikli si Davin.
"I love chicken adobo. Make it good okey?"

Ngumiti rin si Zam, confident siya na magiging masarap ang adobo niya dahil tinuruan siya ng ianyang lola Puring.
"I will sir!"

Nagdagdag din siya ng side dish na steamed kangkong at ginisang bagoong alamang na marahil ay tira ni Zeny dahil may nakita din siyang mga green mango sa chiller.

"The smell of  your adobo starving me to death, I can't wait anymore! Shall we eat?"

Muntik pang mabitawan ni Zam ang hawak na mangkok dahil sa muling pagsulpot ni Davin sa likuran niya. Biglang nag init ang mukha niya sa magkahalong inis at pagkailang.
"Its almost done sir! Im about to serve it now."

Tinaasan lang siya nito ng kilay sabay upo sa harap ng mesa.
"Alright, hurry up please? Im excited to know who's adobo is yummiest, yours or Zeny's?"

Lalong nainis ang dalaga sa pagkukumpara nito sa kanila ni Zeny.
"Of course Zeny's because honestly, it's just my first time to cook viands so goodluck to me!"

Hindi na umalis ang binatang banyaga sa mesa kahit naghahain si Zam kaya halos hindi ito magkandatuto sa nerbiyos at pagkailang.

Nang mai-serve na niyang lahat nang kailangan ay agad na naglagay si Davin ng kanin at ulam sa pinggan saka inilagay sa harap ni Zam.
"W-why is that?"

"Eat it!"

"Do you think, i will poison you?"

Ang lalaki naman ang nagulat. Ni hindi man lang sumagi sa isip nito ang ganoong pagdududa kaya nasaktan ito.
"That's not what i had in mind! Im just trying to be a gentleman here!"

"Ha? I-im sorry but you dont need to..."

"I lost my appetite, excuse me!"
Padarag itong tumayo at tuloy tuloy na'ng umalis sa dining area at naiwan'g nakatulala ang nabigla'ng dalaga.

Saka lang ito nakabawi nang marinig ang malakas na pagbalibag ng pinto.
"Nabuang na! Bakit ko ba sinabi yun? Gutom pa naman yung tao. Anong gagawin ko ngayon? Zeny, bakit ba kasi ngayon ka pa nagbuntis? Ang daya mo!"

Ilang minuto ding nagtalo ang good and bad side ni Zam.
"Susuyuin ko ba? Pero kasalanan niya eh! Hindi naman niya iniisip na masama ako, pero bakit nagtampo agad? Ang arte niya! Pero amo ko siya at bayad na ako, magkaka ulcer siya, kawawa naman!"

Natagpuan na lang ni Zam ang sarili na nasa harap ng room ni Davin at kinakatok ito.

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon