Chapter 33: Buntis si Randa

212 9 3
                                    

Tuwing hapon, naglalaan sila ng dalawang oras para turuan ni Zam ng martial arts si Davin at tinuturuan naman ng huli ang dalaga sa mga leksiyon nito.

Lumipas ang dalawang buwan na pinakikiramdaman nila ang kanilang mga puso at isip kung ano na ang na-develope sa pagitan nila. Sa labas ng condo ay larawan sila ng tunay na nagmamahalan lalo na sa school habang nag aapoy naman sa galit at inggit ang puso ni Narja.

"Wala ka bang gagawin? Will you just watch them so much inlove on top of your nose while your heart is bleeding?"

"What am i supposed to do? I can't make him love me no matter what I do, I'm giving up!"
Naiiyak na sagot ni Narja habang nakatingin sa dalawa'ng magka-holding hands papunta sa parking lot.

"Kidnapin natin si girl saka natin ipa-gang rape, hahaha!"
Sabi ng isang babae na mukhang kansusuwit na pula ang bibig.

"And how about the prince-charming? What should we do to him?"
Sabat naman ng isang mukhang butiking pasay na bagong rebond ang kulay mais na buhok.

"Kidnapin din natin at ipa-rape kay Narja, hahaha!"
Sagot uli ni kansusuwit.

"Stop making fun of me, hindi kayo nakakatulong eh!" "
Inis na tinalikuran sila ng dalaga pero natanim sa isip niya ang idea.
"Hmmm!"

Samantala sa Baranggay Baki-an, ay nag o-operate na ang beerhouse at sabungan nina Rusty at Luzel na pino-protektahan ni Temiong.
"Wala bang paraan para maipasara ang beerhouse na yan? Hindi na ako nakakatulog sa gabi sa sobrang lakas ng mga tugtugan at ng mga sintunadong singer, eh!"

"Gumawa na kami ng paraan mahal, hindi ba't nai-report na nga ni tatay sa munisipyo pero hanggang ngayon eh wala pa ring action? Hayaan mo na, masasanay din tayo sa ingay. Kapag immune na ang mga tenga natin ay bale wala na lahat ang mga yan!"

"Hindi na tayo mag iisip ng ibang paraan? Nagiging duwag na ba tayo?"
Hindi matanggap ni Randa na tatanggapin na lang ni Bobby ang kapalaran nila sa kamay ng mga palalo'ng angkan ni Temiong.

"And what do you want me to do, punch them all, pati yung mga pulis na dumadayo para lang nakalibre ng alak at babae kapalit ng proteksiyon? Hangga't si Lazami ang nasa palasyo ay mananatili ang sungay ng kapitan na yan, dahil tao niya ang manugang nito'ng hilaw na si Rusty!"

"Don't you think it's time for us to come out?"
Si Randa

"What will we do?"
Nagtataka'ng tanong ni Bobby.

"We've been suffering for a long time and sacrificed a lot specially Zamera's future. Dahil sa kanya ay napagkaitan ang anak natin sa napakaraming bagay na dapat ay na-enjoy niya mula'ng pagka bata!"
Tuluyan na'ng napaiyak si Randa.

"Huwag tayong magpadalos dalos. Our daughter is there and probably near him, baka pag nalaman niya ang tutuong pagkatao ni Zamera ay malagay ang anak natin sa peligro!"

"Yah, you're right! Maghihintay tayo hanggang makabalik ang anak mo dito. Pero, hindi mo ba napapansin na halos napapaligiran na tayo ng kamandag ni Lazami?"

"I do... Pero anong gagawin natin, daig pa natin ang nakakulong sa bilibid at nakagapos ang mga kamay dahil patay na tayo hindi ba?"
Buong kapaitan na sagot ni Bobby.

"Don't worry, soon, we will rise from our graves and we'll make sure that he will be the one to replace us in the pit!"
Nakangiti si Randa kahit umiiyak, bakas sa mukha ang kasabikan na bawian ang taong nagsadlak sa kanila sa matinding kahirapan.

"How's my mom, lately?"

"She's okey, according to my friend, ay kagagaling lang ng mommy mo sa Cuziba!"

"Really? That's the country where Laura is... Anong ginawa niya doon?"

"May rumor daw kasi tungkol sa isa pang pamilya ni Lazami na siyang nagpapatakbo sa mga negosyo doon! But unfortunately, she found nothing daw. I guess this man really knows how to hide skeletons on the bush!"

Bumuntong hininga si Randa, pinigilan niya ang sarili na manggigil nang husto dahil makakasama sa kalagayan niya ngayon. At least nalaman niyang okey ang mommy niya, sapat na yun para kumalma muna siya.
"How about your family?"

"They're still mourning of my 'death'. Natutukso na nga akong ipasabi sa kanila ang tutuo, kaso baka mapanganib pa rin para sa kanila. Kaya saka na lang, pag wala na sa posisyon si Lazami!"

"Right. Kailangang planuhin nating mabuti kung paano mapapabagsak si Narciso, pag nangyari yun, ay matatahimik na uli ang Baki-an!"

"Tama. Kaya habang naghihintay ng tamang chance, pwede bang ingatan mo ang kapatid ni Zam? Ang hirap kaya'ng gumawa, nakakahingal at nagkaka-tanggalan ang mga damit natin eh, hehe!"

Kinikilig na binato ni Randa ng unan ang asawa na tawa nang tawa.
"Bastos, kung ano anong isinisingit. Buti pa magdilig ka na lang!"

"Talaga? Sige, gusto ko yan kahit nakakahingal. Hubad na!"

"Roberto, yung mga halaman mong talong ang tinutukoy ko hindi ang fetus na nasa tiyan ko, loko loko!"

Patakbong lumabas si Bobby nang habulin ito ni Randa ng kurot.
"Stop it, Miranda! Ang tutulis ng kuko mo, aray!"

Sakto namang padating ang mag asawang Puring at Elyong na may mga dalang hilaw na mangga at buhay na hito.
"O, heto na'ng mga pinaglilihihan mo anak. Huwag ka masyadong magtatatakbo at hindi pa matatag ang binhi sa sinapupunan mo!"

"Sige nga po nay, pangaralan niyo po yan. Akala mo hindi bagong opera at buntis eh!"
Parang bata'ng nagsumbong si Bobby habang nakangiti lang sa kanila si tay Elyong.

"Nami-miss ko na ang panganay nating apo, mag aapat na buwan na siya'ng wala dito di ba? Ibig sabihin dalawang buwan na lang at uuwe na siya!"

Nagkatinginan sina Randa at Bobby. Hindi pa nga pala nila nasasabi sa dalawa'ng matanda na nag aaral sa Maynila si Zam.

"Eh tay, nay, baka po sa isang taon pa uuwe ang apo niyo dahil nag enroll siya doon kasama ng amo niya!"

"Ano? Kung ganun, huwag niyong sasabihin na buntis ka Randa para masurpresa siya kapag may madatna'ng sanggol, haha!"

"Yun nga din po ang usapan namin ni Bobby nay. Malaki kasi ang nagawa niya para magbuntis uli ako at mabigyan siya ng kapatid!"

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon