Chapter 21: Unit #2905

214 6 0
                                    

Ilang sandali pa at nasa Ortigas na sila. Halos mabali ang leeg ni Zam sa kakatingala sa mga nagtatayugang hotels at mga condominiums sa lugar na yun.

"Andito na po tayo maam!"
Sabi ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan. Hindi yata marunong ng tamang asal ang lalaki para ipakilala ang sarili.

Ipinasok ng driver ang sasakyan sa isang automated garage at automatic din na nagbukas ang isang pinto sa tapat ng binabaan nila.

"Hop in miss Zam, aakyat na tayo sa condo ni sir!"

Nagtatakang sumunod si Zam. Aakyat? Eh pinto ito eh! Pero pagpasok niya sa loob ng inaakala niyang pinto ay lalo siyang nagulat dahil parang nasa loob lang sila ng isang cubicle, lalo na nang maramdaman niyang tila umaangat ito tulad nang sinakyan niyang eroplano kaninang umaga.
"Ah, ito siguro ang tinatawag na elevator!"

Tinatagan niya ang sarili, hindi siya nagpahalata'ng ignorante pa siya sa mga ganung bagay. Hindi niya alam kung nasaan na sila at kung gaano na sila katagal na nakatayo doon at gusto na niyang masuka sa sobrang hilo. Pakiramdam niya ay naiwan na sa baba ang bituka niya.

Nang tumigil ang elevator ay saka pa lang siya napatingin sa mga numerong naka display sa bandang itaas ng pinto.
"Twenty nine? Ibig kaya'ng sabihin niyan ay nasa ika twentyninth floor na kami? Diyos ko po, ang taas nun!"

Bumukas uli ang pinto at inalalayan siyang lumabas ng lalaki na tinanggihan niya.
"Thank you but i can manage!"

"Okey! This way po maam."

Ilang hakbang lang mula sa nilabasan nila ay ang unit na ni mr. Cuzzak.
Diniinan muna ng lalaki ang buzzer saka isinaksak sa siwang ng pinto ang hawak nitong card na may nakasulat na numerong 2905.

"Sir, can we come in!"
Sabi ng lalaki sa taong nasa loob habang nasa bandang likuran siya nito at di pa niya nakikita ang taong tinawag na 'sir'.

"Yes of course, come in!"
Namangha si Zam sa bilog at baritonong boses ng lalaki kaya hindi niya napigilan ang sarili na tingnan ito pero di niya nakita ang mukha dahil nakatalikod ito habang nakaupo sa malaking sofa.

"Ang arogante naman ng taong ito, nakikipag usap nang nakatalikod, hmp!"

"She's here sir!"

"Take her to her room, let her rest for a while before the dinner will be served!"

"Okey sir. Tara na po miss Zam!"

"Okey lang sila? Paano ako makakapag pahinga eh gutom na gutom at uhaw na uhaw na ako? Sana inalok muna ako ng kahit man lang tubig eh!"

"Ito po ang magiging kuwarto niyo. Magpahinga na kayo at magpalit para sa dinner mamaya!"

"Tssh, kailangan ba'ng magpalit muna bago humarap sa kanya at mag dinner? Ang arte arte naman!"

"Masanay ka na, haha!"
Sabi ng lalaki habang binubuksan ang pinto ng kuwartong nakalaan sa kanya.

"Huh, a-akin to? I mean, d-dito ako matutulog... Mag isa?"
Nagkakanda utal siya sa sobrang pagka mangha. Ni sa guni guni ay hindi niya aakalain na makakatikim siyang tumira sa ganito kagandang kwarto kahit sa loob lamang ng anim na buwan.

"Tatlo ang kuwarto ng condo. Syempre kay mr. Cuzzak ang pinaka malaki, sa yo yung susunod at sa maid naman yung sa pinaka maliit!"
Nakangiting sagot ng lalaki.

Nakahinga nang maluwag si Zam, akala niya magiging all around katulong, body guard at yaya siya ng lalaki.
"Ah... Siya nga pala, pwede ko po ba'ng malaman ang pangalan niyo?"

"Oh sorry, i forgot to introduce my self, haha! Ako nga pala si Tommy, dating body guard at katiwala ni mr. Cuzzak!"

Napatingin si Zam sa mukha ng lalaki, hindi ba ito nalulungkot na nawalan ng trabaho?
"Im sorry!"

"For what?"

"K-kasi hindi na ikaw ang..."

"Body guard?"

"Oo, sorry talaga!"

Humagalpak ng tawa si Tommy saka para siyang bata'ng ginulo ang buhok.
"Sa palagay mo ba, sasapat ka na? Body guard din kami pero sa malayo lang kami pupuwesto. Ikaw lang ang pwedeng lumapit sa kanya para hindi halata, sorry for the words pero palalabasin na 'ano' ka niya, alam mo na?"

"H-haaa? Anong ano?"

"Girlfriend o jowa, ganun! Pero kunwari lang naman..."

"No way, ayoko, hindi ganyan ang usapan namin ni ate Lau, uuwe na lang ako!"
Binuhat niya uli ang bag saka anyong tatalikod na pero pinigilan siya ni Tommy sa braso.

"T-teka lang miss Zam, hindi ka pwedeng basta basta na lang aayaw. Mag usap muna kayo ni sir at sa kanya mo sabihin na umaayaw ka sa usapan nila ni miss Laura!"

Natigilan si Zam pagkarinig sa pangalan ng kaibigan. Naisip niyang ito pala dapat ang kakausapin niya.

"Magpahinga ka na muna at mamaya ay ipapatawag ka na lang namin sa katulong para sa dinner, okey?"

Hindi na sumagot si Zam, muli siyang pumasok sa loob ng napaka laking kuwarto, mas malaki pa yata sa pinagsamang kuwarto niya at ng mga magulang. Meron pang mahabang sofa na pwedeng gawing tulugan.

Hindi na siya nagpahinga, sa halip ay naligo siya at nagpalit ng damit. Isinuot niya ang biniling black skinny jeans mula sa perang ipinadala ni Laura. Tinernohan niya ito ng kulay itim din na fitted sando.
"Okey na siguro ito, dito lang naman sa loob eh!"

Muli niyang pinagala ang mga mata. Napapalibutan ang buong kuwarto ng mga makakapal na kurtina.
"Ano kayang nasa kabila nun?"

Natuon ang pansin niya sa naglalakihan at magkasalubong na mga pinto. Ni minsan sa buhay niya ay di pa siya nakakakita ng tutuong cabinet o closet kaya wala siyang idea kung ano ito.

"Saan papunta ang mga pintong ito?"
Binuksan niya at nagulat siya sa napaka raming damit pambabae at ang gaganda pa. Dali dali niyang isinara uli. Inilipat niya ang paningin sa tila mas maliit na cabinet na nasa tabi ng mahabang sofa.

Nilapitan niya ito at binuksan, lalong kumulo ang tiyan niya sa mga laman nito. May mga ibat ibang klase ng chocolates, prutas, nuts at sari saring inumin. Hindi na niya kayang tiisin ang uhaw at gutom kaya kumuha siya ng isang maliit na bottled water saka ininom.

Bitbit ang mineral water na hinawi ang isang kurtina. Muntik na niyang mabitawan ang hawak dahil sa sobra'ng pagkangilo. Pakiramdam niya ay mahuhulog siya sa kinatatayuan dahil sa biglang tingin ay walang dingding ang gawing iyon ng kuwarto.

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon