Chapter 22; Unang lakad

205 6 5
                                    

Muntik nang himatayin si Zam pagkatapos hawiin ang kurtina kaya napakapit siya dito.
"Mama ko po, bakit ganito?"

Walang bintana ang kuwarto, sa halip ay puro'ng transparent na salamin ang pinaka dingding sa parte'ng iyon kaya sa biglang tingin ni Zam ay wala ito'ng harang at sa konting pagkakamali lang ay mahuhulog na siya.

Nalaman lang niyang salamin ito nang makita niya ang sariling reflection.
"Giatay, akala ko katapusan ko na  lord, haay!"

Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla nang may kumatok sa pinto. Pero bago pa siya nakasagot ay pumasok na ang isang babae na sa tingin niya ay hindi nalalayo sa kanya ang edad. Maganda ito, makinis kahit medyo chubby.

"Helo miss Zam, tawag ka na ni boss, kakain na daw!"
Nakangiti ito sa kanya pero tingin niya ay hindi umabot sa mga mata ang ngiti, ayaw sa kanya or wala sa mood?

"H-hello! A-anong pangalan mo day?"

"Ako si Zeny, working student ako dito!"
Proud na pagpapakilala nito sa sarili.

"Ah...O-okey! Sige, tara na!"
Pag iiba niya para hindi na humaba ang introduction dahil gutom na gutom na talaga siya.

"Okey! May maliit na ref dito sa room, pwede kang kumuha ng gusto mo doon kapag ginutom ka or nauhaw!"

Tumango si Zam, lihim siyang nagpasalamat na wala pala siyang nalabag na alituntunin sa unang araw pa lang niya doon.

Pagdating sa dining area ay nakaupo na sa hapag sina Tommy, yung driver at si mr. Cuzzak na nakayuko sa binabasa'ng libro.

"G-good evening!"
Naiilang na bati niya sa mga lalaki. Agad namang nag angat ng ulo ang boss at nagtama ang mga mata nila.

Tumagal nang ilang segundo ang titigan nila na para bang kinakabisado ang bawat parte at hugis ng mukha ng bawat isa. Nauna'ng nagbawi ng tingin si Zam at inilipat kay Tommy na hindi pa inaalis ang tingin sa kanya kaya kitang kita nito ang titigan nila.

"H-hi kuya Tom, kuya..."
Baling niya sa driver na hindi pa rin niya alam ang pangalan.

"Sit down, and let's start..."

Agad siyang umupo sa tabi ni Zeny na noo'y nasa kaliwang side ni mr. Cuzzak.

"Take the place opposite with mine!"
Pormal na utos nito sa kanya na hindi tumitingin.

"O-okey sir!"
Sagot niya habang tumatayo para lumipat sa kabilang dulo ng ten seater na dining table.

Tahimik ang lahat na nakatutok sa kani kaniyang pinggan kaya napalagay ang loob ni Zam sa pagkain, lalo na't ang mga nakahain ay ang mga putaheng sa mga pictures pa lang niya nakikita at sa mga panaginip niya lang natitikman.

Nagsunod sunod ang subo niya, halos di na nginunguya, sinasamantala kasi niya habang wala pang nakatingin. Pero nang mapasulyap siya sa gawi ni mr. Cuzzak ay nagkatitigan uli sila.

"Ayay, kanina pa kaya ito nakatingin sa pagsubo ko? Baka iniisip niyang sobrang takaw ko pala! Dah, bahala nga siya("

Nang gabing yun ay hindi agad siya nakatulog, hindi dahil bata pa at guwapo ang taong makakasama niya ng 24/7 sa loob ng anim na buwan, kundi dahil sa tingin niya ay hindi niya sila makakapalagayan ng loob. Tingin niya ay parehong ayaw sa kanya nina Zeny at mr. Cuzzak.

Noon niya naalalang tawagan si Laura para itanong kung pwede ba siyang umatras.
"Bakit naman?"

Nagsinungaling siya sa tutuong dahilan niya.
"K-kasi, nami miss ko na sina mama at papa. Alam mo namang ngayon lang ako napawalay sa kanila di ba? Maliban lang nung na-operahan si mama!"

"Kayanin mo friend, alang alang sa mama mo! Wala naman kayong ibang mapagkukuhanan di ba? At least, na-save mo pareho ang parents mo. Si ate Randa ay na-save mo ang buhay. Si kuya Bobby naman ay na-save mo sa pag iisip at problema kung saan kukuha ng pera, di ba?"

Hindi siya sumagot pero alam niyang may katuwiran si Laura.
"Matulog ka na, irelax mo ang isip at katawan mo. Malay mo bukas, wala ka nang mga agam agam?"

"Okey. Goodnight ate Lau!"
Paalam niya. Nawala na sa isip niyang tanungin kung bakit hindi siya nito sinagot kanina sa phone at sa messenger.

Kinabukasan, late na siyang nagising.
"Hala, alas otso na pala, lagot! Nakakahiya ka Zamera, ano ka, prinsesa? "

Nakipagtalo siya sa sarili.
"Bakit, wala pa namang itinerary ah! Walang binilin sa akin kagabi na kailangan kong gumising ng maaga dahil may pupuntahan kami! Di ba?"

"Kailangan pa ba'ng sabihan ka? Common sense na lang day at delikadesa ano? Mano man lang yung tumulong ka kay Zeny sa kusina? Im sure may iba ring trabaho yun, tulad ng paglilinis at paglalaba!"

Dahil sa naisip, patakbo siyang pumasok sa banyo para maligo. Nang maka gayak ay agad na hinanap si Zeny para tanungin ito kung anong maitutulong niya.

Kakaba kaba ang dibdib na pumasok siya sa kusina. Wala doon si Zeny pero nakahanda na ang almusal sa mesa. Kumalam ang sikmura ng dalaga sa amoy ng pritong hotdog, itlog, salami at bagong bake na tinapay.

"Nakakahiya talaga! Bakit ka ba kasi nalate ng gising Zamera? Haay..."
Hindi tuloy niya malaman ang gagawin kung uupo sa dati niyang pwesto kagabi o lalabas na lang uli ng dining area. Sa huli, nanaig ang hiya kaya pumihit siya para lumabas, muntik pa siyang mabangga kay mr. Cuzzak.

"Good you're awake now. Come on, lets eat because we're going somewhere!"

"Ah, o-okey sir!"
Uupo na sana siya sa kabilang dulo pero pinigilan siya nito.

"No need, it's too far. Sit here!"
Sabay turo sa upuang nasa kanan niya.

Siya namang dating ni Zeny at umupo sa bandang kaliwa na siyang lugar niya kagabi.
"Good morning boss!"

"Good morning. Ahm, Zeny, later after we eat, please call Lando and tell him that we will leave within one hour!"

One hour? Binilisan ni Zam ang pagkain para makapag gayak na siya.
"Excuse me!"

"Where are you going? Are you done?"

"Y -yes sir! Im going to fix my self!"
Sagot niya na tuloy tuloy na sa pag alis.

Sa isang mall sila nagpunta. May mga mall din sa Bisaya pero hindi pa siya nakakapasok o nakakapag gala sa loob ng mga ito kaya umiiral ang kanyang pagiging inosente lalo na sa mga escalator.

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon