Chapter 16: May Ovarian cyst si Randa

219 6 0
                                    

"Wala po akong magagawa sa kanya kaya dumiretso na kayo sa hospital sa bayan, andun si dok ngayon!"
Sabi ng nag iisang nurse na tumatao doon sa center at siyang tagabigay ng first aid at mga pangunahing gamot para sa mga ordinaryong sakit tulad ng diarrhea, lagnat, ubo't sipon at mga mababaw na sugat o galos.

Siyang dating nina Luzel at ang ina'ng si aling Lucia na nagpa-practice na'ng maging pulitikera dahil ito daw ang susunod na kakandidato sa pagiging kapitan.

"Hi Bobby! Oh my gosh, anong nangyari kay Randa? Mamamatay na ba? I mean..."

"Excuse me, ayoko'ng maging bastos pero kailangan na naming umalis! Lets go Zam..."
Gustong gusto na'ng tadyakan ni Zam ang babae pero nagtimpi siya dahil alam niyang hawak nang pamilya'ng ito ngayon ang batas sa buong Baranggay.

"Tara na anak at mahirap mag abang ng sasakyan!"
Pairap na tinalikuran ni Zam si Luzel saka sumunod sa ama na buhat buhat pa rin ang walang malay na ina.

Bago pa sila tuluyang nakalayo ay may naisip na pampalapad ng papel si Lucia.
"Sandali lang, gamitin niyo na ang ambulansiya! Teka marunong ka bang mag drive?"

"Opo kapitana Lucia!"
Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng dibdib ni Bobby. Wala nang ibang mas mahalaga ngayon sa kanya kundi ang mapabilis ang pagdadala nila kay Randa sa bayan.

"Kung ganun, kunin mo sa nurse ang susi at magtatagal lang kung ipapatawag ko pa si Tiago!"
Si Tiago ang itinalagang driver ng ambulansiya.

"M-maraming maraming salamat po kapitana, malaking bagay po ito para sa amin!"

"Oh, maliit na bagay lang yan kumpara sa napakarami na'ng magagandang bagay na nagawa ng aking magiting na asawa'ng si kapitan Elyong?"
Saka taas noong naglakad nang pakendeng kendeng palayo sa na para bang hindi ito kasama sa mga araw araw na nambuburaot ng itlog, isda at gulay sa bakuran ng mag asawa.

"Bye Bob, drive carefully okey? Ihulog...este dalhin mo nang ligtas ang asawa mo sa hospital!"
Pahabol ni Luzel na hindi na pinansin ng mag ama.

Nakarating na sila sa bayan ay hindi pa rin binabalikan ng malay si Randa sa kandongan ni Zam na mula pa sa bahay nila ay hindi pa nagsalita ni ga-putok maliban sa pagsigok at paghikbi.

"Mahal, gising na please?"
Mayat maya'ng sabi ni Bobby na pasulyap sulyap lang sa mag ina dahil nakatutok ang paningin sa kalsada.

Sa hospital, hindi malaman ni Bobby kung paano ikukubli ang sarili sa mga tao. Panay ang gusot niya sa mahabang buhok at pagmukhaing gusgusin ang sarili. Alam ni Zam ang ipinagkakaganun ng ama kaya siya na ang nagkusang humarap sa receptionist para sumagot sa interview.

Agad na ipinasok sa triage room si Randa at kinunan ng dugo para sa cbc.
"Kailangan naming i-confine siya para maobserbahan at magawan ng mga laboratory tests pero isa lang po ang pwedeng magbantay sa kanya!"

Syempre si Zam ang maiiwan dahil kailangang ibalik ni Bobby ang sasakyan sa Baranggay.
"Babalik ako agad anak, ikukuha ko na rin kayo ng gamit niyo ni mama, okey?"

Tumango lang si Zam, masyadong mabigat ang loob niya para magsalita dahil sinisisi niya ang ama sa lahat nang nangyayari sa kanila. Kahit hindi pa nila sinasabi ang buong katotohanan, alam niyang hindi nila dapat dinaranas ang mga ganitong paghihirap and worst, may tendency na maaga siyang mawalan ng ina.

Nang makaalis na si Bobby, ay tinawagan ni Zam si Laura. Saglit  munang nagkumustahan bago nag usisa ang huli kung bakit barado ang ilong ng kaibigan.

"Nandito kami ni mama sa hospital , n-nag collapse siya ate. Until now hindi pa siya binabalikan ng malay!"
(Singhot)

"Oh my God, anong sabi ng doktor?"

"Hindi pa lumalabas ang resulta ng mga na-unang tests."

"I hope okey lang siya. Relax ka lang ha? Malay natin, buntis lang pala siya, haha! Anyways, kung may maitutulong ako, wag kang magdadalawang isip na sabihin sa akin ha?"

Kinabukasan na nakabalik sa hospital si Bobby dahil wala nang masakyan sa gabi. Hindi na siya muling nanghiram ng ambulansiya para makaiwas kay Luzel dahil isinusurender sa mga ito ang susi ng sasakyan kapag isinasara ang health center sa gabi.

Gising na si Randa nang dumating siya at nandun na rin
ang doktor na tumitingin sa asawa.
"Mahal, kumusta ka? Dok, ano po ang sakit ng asawa ko?"

"Well, according to our initial test's result ay may ovarian cyst si maam at may tendency na mauwi sa cancer kung hindi natin maaagapan na tanggalin!"

Kahit inaasahan na ni Randa na yun ang magiging diagnosis sa kanya ay nayanig pa rin siya pero hindi siya nagpahalata.

Naiiyak na niyakap ni Bobby ang asawa.
"My poor wife. Bakit po siya hinimatay at matagal bago bumalik..."

"Probably its because she always holds back the pain for a long time just to hide it from you!"

"Oh God Randa, why did you do that? Why did you keep it from us?"
Pigil ang galit at hinanakit na sinumbatan ni Bobby ang asawa na lalong namutla.

"Bakit papa, may mangyayari ba kung sinabi sa yo ni mama? Minsan, narinig ko si lolo na sinabihan kayong ipa check up siya, ginawa niyo ba? Hindi! Kasi wala din kayong magagawa kundi painumin ng kung ano anong ugat at dahon si mama!"

Napayuko si Bobby at pumikit nang mariin. Gusto niyang magalit pero tama ang anak sa lahat nang sinabi nito.
"At least kung alam ko, kahit papaano ay nadamayan ko sana siya, nahaplos man lang yung part na masakit!"

"Huwag na tayong magsisihan please? Ayoko lang na mag alala kayo'ng masyado. Tutal umiinom naman ako ng mga herbal medicine."

Napailing ang doctor sa itinatakbo ng usapan nila.
"Excuse me, but i have to go. Pag usapan niyo muna kung itutuloy natin ang treatment!"

"M-magkano po ang kakailanganin kung sakali?"
Hininaan ni Zam ang paghikbi at pinakinggan ang sagot ng doktor.

"We need at least three hundred thousand five hundred to half a million pesos at hindi natin dito gagawin ang surgery kundi sa Cebu city provincial hospital. Kung gusto niyo po ay pwede rin kayong magpa second opinion doon!"

Pati si Randa ay natulig sa narinig. Saang kamay ng diyos nila kukunin ang ganung kalaking halaga? Kung sakali mang may ganun silang kalaking pera, ay hindi siya papayag na gastusin at igugol ito sa kanya sa halip ay ibubuhos ito para mamuhay nang maayos ang kanilang  kaisa isang anak.

Nag usap ang mga mata ng mag asawa. Is this the right time? Pero naunahan na sila'ng magdisisyon ni Zam.

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon