Chapter 26: May date si Davin

201 8 0
                                    

"Sir Davin, please eat na! Im sorry for accusing you, i will not think like that again promise?"
Tutuo sa loob na pangako niya.

Sumikdo ang dibdib niya nang maramdaman ang unti unting pagbubukas ng pinto, pero na-shock siya nang makitang nakapang alis na ang lalaki at may dalang briefcase.

"Im leaving..."

Kinabahan si Zam, cancelled na ang kontrata? Hindi pwede, narito na siya, nakapag umpisa na, bakit kailangang maudlot dahil lang sa maliit at walang kwentang bagay?

"No, you can't leave!"

Umismid si Davin, bakas pa rin ang matinding sama ng loob.
"Why, are you my mother?"

Natameme ang dalaga pero nakabawi din agad nang makitang paalis na nga ang lalaki. Hinabol niya ito sabay hawak sa damit nito sa likod.

"D-don't leave me alone here, please? I-im not familiar in the city, i don't know what to do and where to go..."
Tuloy tuloy nang napaiyak si Zam.

Dahan dahang humarap si Davin at nalusaw ang puso niya sa hitsura ni Zam na parang bata'ng iiwan ng ina.
"Alright, lets go back to the dining area!"

Hindi nakapalag si Zam nang hawakan siya nito sa kamay at igiya pabalik ng komedor, natatakot siya'ng baka magtampo na naman ito.

Habang kumakain sila ay naalala ng lalaki ang hitsura niya kanina habang pinipigilan niya ito'ng umalis.
"What we're you thinking earlier when i wanted to leave?"

"I-i thought you are leaving the country for good!"
Natatawa ngunit nahihiya niyang sagot na tinawanan lalo ni Davin.

"For that very useless reason, i will leave my very important business here? Silly girl, haha!"
Sinimangotan ni Zam ang lalaki na lalong ikinatuwa nito.

Pagkatapos nilang kumain ay nilinis ni Zam ang kusina at sala. Pagkatapos ay kinatok niya uli si Davin.
"Sir, let me clean your room and laundry your clothes!"

"No need Zam, i will just call a service tomorrow to do that. Go to your room and rest because  tonight we are going somewhere!"

"W-what? But i thought you said you will not go out until the class started?"

"Come on, what's the difference between now and next week? Anyway, just go to your room and relax, til i call you out, okey?"

Walang nagawa ang dalaga kundi sundin ito. Nilinis niya ang kuwarto niya at saka nag ensayo ng chako dahil ito ang balak niyang bitbitin mamaya.

Isang oras din siyang nag ensayo bago nagpahinga.
"Saan kaya binabalak pumunta ng taong yun?"

Habang nagpapahinga ay nilibang ng dalaga ang sarili sa panonood sa labas ng building. Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang langit at ang mga nagtatayugang building pati ang bumper to bumper na mga sasakyan sa napakalawak na kalsada ng Edsa. Naihambing niya ang maliit at aspaltadong kalsada mula sa kanilang baranggay hanggang sa dulo ng mas malaking kalsada na sakop ng bayan kung saan sila dati nag aabang ng jeep papunta sa kanilang mga distinasyon.

"Kumusta na kaya sila doon? Paano ko kaya sila makakausap?"
Sa kaiisip sa mga magulang, naalala ni Zam ang tatay ni Laura na si Lito.

"Tama! Hihingin ko kay ate Lau ang number ni manoy Lito at pakikiusapan kong dalhin sa bahay. Haay, sana pumayag siya?"

Noon din ay tinawagan niya si Laura at binigay naman ng dalaga ang number ng ama dito.
"Sige, ako na ang magsasabi kay tatay na pasyalan ang parents mo saka kita titimbrehan pag andun na siya sa inyo!"

"Thanks ate Laura, ang dami ko na talagang utang na babayaran sa yo!"

"Loka, kulang pa ang mga yan sa nagawa niyong mag anak sa amin, lalo ka na. Dahil kung di dahil sa yo, ay matagal na akong patay at di na virgin, haha!"

"Naalala mo pa rin yun? Ako nga, nakalimutan ko na, kinikilabutan kasi ako eh! Biruin mo, isang mabaho at mukhang gorilla sana ang nakauna sa yo?"

"Sige sige, kakalimutan ko na, ewww!"
Sabay silang napahalakhak.

'Tok Tok Tok'

"Teka ate, mukhang may kailangan na naman ang amo kong tampurorot! I'll call you back, okey?"

"Sige, bye!"

Pagbukas niya ng pinto ay napasimangot si Davin. Bihis na bihis ito na akala mo'y may pupuntahang party.

"Why sir?"

"You haven't dressed yet? Its almost five madam!"

Nataranta si Zam, mukhang galit na naman si dodong Davin.
"But you said tonight, you didn't said 'this afternoon'!"

"Don't be ridiculous! look outside, its almost dark, can't you see it?"

Nilingon ni Zam ang itinuturo ni Davin, oo nga naman. Ilang sandali na lang at gabi na pero hindi pa siya nakakaligo at nakakabihis.
"Sorry. Okey, give me half an hour to prepare!"

Pagkatapos maligo at magbihis, ipinuyod na lang ni Zam ang buhok niya nang hindi sinusuklay at nagpahid ng konting lipstick para hindi mainip si Davin. At dahil sa pagmamadali, sa halip na chako ang dadalhin ay yung hunting knife ang nabitbit niya.

Nasa parking lot na sila nang mapansin ni Davin ang dala niya.
"What's that? You can't bring that with you, leave it!"

Anyong babalik siya sa itaas pero pinigilan siya ng lalaki.
"We're very late, leave it in the car!"
Sabay pindot sa dalang automatic key.

"Hop in hurry!"
Sigaw sa kanya nang mapansin nitong nakatunganga pa rin siya.

"W-where is kuya Lando? Pinagbakasyon mo rin?"

"He does not always have to drive me. And besides, maybe my beautiful and darling Mercy is already sulking on me, i need to cuddle her sometimes!"

Parang sumama ang pakiramdam ni Zam, nagseselos ba siya?
"Ito ang mahirap sa bodyguard kuno, kahit sa pakikipag date ng kliyente mo ay kailangang kasama ka at bahala ka'ng mainggit o magka kuliti sa mata, giatay!"

Dumaan muna sila sa isang department store at pinilit siyang ibili ng isang eleganteng dress at sandal na elevated ng konti para hindi siya mahirapan sa paglalakad.
"You need to learn how to wear high heels!"

"Is that still a part of my job?"

"Of course! Because you need to be with me wherever i am, so whatever you wear should fit to every place we go!"

Sunod na pinagdalhan sa kanya ay beauty parlor.
"Is it necessary also?"

"Yes of course! Your hair and makeup should match your outfit."

Pagkatapos maayusan ay pinagbihis muna ng beautician si Zam sa dressing room bago tinawag si Davin.

"Where's Zam, why did you bring me another woman? Bring Zam out, now!"
Natawa si Zam sa reaction ni Davin. Kahit pala suplado at tampurorot ang taong ito ay may itinatago din palang sense of humor.

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon