Chapter 70: Bumaligtad na si Rusty

183 7 0
                                    

Gumawa ng sarili'ng imbistigasyon si Divina sa pamamagitan ng sarili niya'ng mga tauhan.
"Tama na ang mga pagbubulag bulagan ko sa mga katiwalian mo Narciso. You're too much! Naniwala ako sa yo na hindi ikaw ang pumatay sa anak namin ni Miguel, na hindi mo kaya'ng pumatay . Pero kapag napatunayan ko'ng ikaw ang nagtangka sa buhay nung tao, then no more question asked, i will automatically believe that you we're the one who set the  helicopter to crash which killed my daughter and her boyfriend twenty years ago!"

Unang hakbang na ginawa ni Divina ay ang dalawin uli si Elena na noon ay kasalukuyan'g nagpapagaling sa tinamo'ng sugat sa kamay ng sarili'ng asawa.
"Madam first lady, I'm so honored that you visit me again, please sit down!"

"Kumusta ka na? Pasensiya ka na kung hindi na ako nakabalik noon sa hospital. Well, you probably knew that my husband is one of the suspect on Mike's ambush, haha!"

Nakitawa si Elena sa inaakala nito'ng biro niya.
"Well, no one jailed for just being a suspect madaam, don't worry so much!"

"I'm not... But do you think he and Rusty has anything to do with this? Please tell me the truth if you know something para hindi ako mukha'ng tanga na tanggol na'ng tanggol sa tao'ng guilty!""

Ngumiti si Elena sabay iling dahil hindi naman siya sigurado kung si Lazami nga ang kasabuwat ni Rusty nung araw na yun at hindi pa siya nakakapag decide kung ipagkakanulo ang asawa o hindi. Sapat na muna na nakakulong ito sa pagtatangka sa buhay niya.
"I'm sorry madaam, pero mahirap magsalita na'ng walang sapat na ebidensiya! Hintayin na lang natin na mag file ng case si mr. Aguilos!"

Tumahimik saglit si Divina pero agad ding nagtanong na'ng maalala ang dalaga'ng nakasabay niya sa pagdalaw dito noon sa hospital.
"About that girl who visited you in the hospital but refused to enter when she saw me, sino ba talaga siya?"

Umiling si Elena dahil wala rin talaga ito'ng alam sa tutuong pagkatao ng dalaga.
"Ang alam ko ay apo siya ng pinsan ni ex president Mike Aguilos. Nakita ko na ang buong pamilya niya na'ng may pinuntahan ako'ng client sa Cebu hospital, nagkataon naman na nanganak noon ang mama niya ng kambal!"

"REALLY? I mean, kung apo ng pinsan ni Mike, that only mean na grand niece din siya ni... Niya!"
Hindi maintindihan ni Divina kung bakit na-excite siya sa nalaman na may ganun ka-ganda'ng apo ang kanyang dating nobyo at may kambal pa, feeling niya ay apo rin niya ang mga yun.

Na'ng makabalik sa palasyo ay tumawag agad sa telepono ang first lady.
"Pigain mo si Corpuz kung may kinalaman ba siya sa ambush at kung sino ang mga kasabuwat niya, bahala ka na kung paano mo siya mapapa-amin!"

"Yes madam first lady!"

"I want the result as soon as possible, okey?"

"Yes madaam!"

Pagkatapos makipag usap sa kanya'ng private detective ay kinausap din niya ang kanya'ng mga sariling bodyguard.
"Find a way how to bring me to Baki-an valley in secret. Asap!"

"Yes madaam first lady, kailan niyo po gusto?"

"I want to be there after tomorrow!"

"Okey madam!"

Dahil sa pangako'ng hindi natupad ni Lazami na ilalabas siya sa kulungan at sa pananabik na makasama uli si Luzel, nakaisip ng matinding ganti sa una si Rusty.
"Ang pangulo, siya ang nag utos sa akin para gumawa ng mga fake na dukomento at agawin sa mga Aguilos ang mga properties nila sa Baki-an. At na'ng hindi kami nagtagumpay ay ipina-ambush niya sa kanyang mga private army ang ex president. May balak din kasi si Aguilos na tumakbo uli sa susunod na election kaya gusto niya'ng i-liquidate!"

"Sample pa lang yan Lazami, marami pa sila'ng makukuha sa akin at marami ka pa'ng matutuklasan na sigurado'ng ikagugulat mo, hahaha!"
Ni-record ng tauhan ni Divina ang pag uusap nila ni Rusty at noon din ay ibinigay nito sa first lady ang video. Wala silang kamalay malay na mismo'ng si Rusty ay may sarili'ng record din sa pag uusap na yun na ipina-post niya sa kasa-buwat na police.

Kinagabihan sa palasyo, matamlay si Lazami sa harap ng dinner kaya hindi magawa'ng komprontahin ni Divina.
"All this time, i was not aware that i have petted a cobra."

"Palalagpasin muna kita. Pero once na mapatunayan ni Mike na ikaw nga ang utak sa pagpapa-ambush sa kanya, hindi ka lang mai-impeach at makukulong, ipapa-annul ko pa ang kasal natin huh!"

Nang mga sumunod na araw sa mga lansangan kaliwa't kanan na ang mga rally ng iba't iba'ng grupo ng mga aktibista, iisa ang mga isinisigaw at ang mga nakasulat sa mga dala dala'ng placard at mga tarpouline.

'OUST LAZAMI, MURDERER'
'IMPEACH NARCISO LAZAMI'

                         *****

Kasalukuyang nasa ibabaw ng burol si Zam sakay ng kanya'ng kabayo na si Zain nang matanaw niya ang limang sasakyan na sunod sunod na tumatawid sa nabubulok na'ng tulay na kahoy.
"Huh, sino na naman kaya ang mga ito? Ano na naman kaya ang kailangan ng lolo ko'ng murderer?"

Hinigit ni Zam ang bridle ng kabayo para igiya ito'ng pabalik sa baba ng burol, wala'ng takot na sasalubongin niya ang mga parating na mga panauhin palibhasa'y mas malapit sa rancho ang tulay kaysa sa sentro ng baranggay.

Sakto'ng nakatawid na sa tulay ang lima'ng sasakyan na'ng masalubong ni Zam ang mga ito. Humarang siya sa dadaanan nila.

Binuksan ng driver ng unang sasakyan ang bintana.
"Miss padaanin mo kami, VIP ang sakay namin kaya alis diyan!"

"Lolo ko ang may ari ng buong lugar na ito kaya karapatan ko'ng malaman kung sino at ano ang sadya niyo dito bago ko kayo padaanin!"

Nagpanting ang tenga ng driver bodyguard na isa ring sundalo.
"Aba't..."

Pero bago pa nakapagsalita ang lalaki ay sumabat na ang first lady.
"Leave it to me!"

Bumaba nang sasakyan si Divina kaya napaatras si Zam na'ng bahagya.
"Good morning Zam!"

Tumalon sa kabayo ang dalaga at yumukod na'ng bahagya sa lola niya.
"M-madam first lady, b-bakit narito po kayo?"

Hindi agad sumagot ang unang ginang, sa halip ay hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha habang nangingilid ang mga luha.

"You really look like her, you look exactly like my darling Mimi, before she d-died!"
Garalgal ang boses nito na'ng magsalita kaya na-bagbag ang puso ng dalaga.

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon